26. Almost there

173K 4.5K 872
                                    

I waited for the door to open. Magdamag lang akong nakatayo sa labas ng pinto kung nasaan si Casiel. Hinihintay ko lang siya. Gusto ko ulit siyang makausap. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya dahil iyon naman ang totoo. Mahal ko siya. Alam ko na kahit na maulit ang nangyari, kay Casi pa rin ang bagsak ko. Alam ko na mali ako. Alam ko na magigibg mahirap akong mabawi siya pero gagawin ko ang lahat para maging maayos kami.

Napamulagat ako nang bumukas ang pinto. I was excited to see her. Paglabas niya ay ngumiti ako. Inismiran niya lang ako.

"Good morning..."

"Panget. Manloloko. Maputulan ka sana! Huwag ka na sana tigasan!"

I just sighed. Nilagpasan niya ako at bumaba sa kusina. Sinundan ko siya at saka tinawag. Hindi niya pa rin ako pinapansin. My heart is breaking. Gusto ko lang na pansinin niya ako dahil may posibilidad na hindi na kami magkita sa mga susunod na araw. The mission alone is dangerous enough. I have no idea if I'll be back for Casiel or not. Alam kong hindi niya ako mapapatawad.

"Aalis na ako mamaya." Paalam ko sa kanya. Saglit niya akong tiningnan. I was smiling.

"Okay. 'Wag ka nang babalik. I hate you." Hindi ako agad nakasagot. I shook my head. Naalala ko ang sinabi niya kagabi and I know that I only have one shot. Gagamitin ko ng pagkakataong iyon para sa kanya. Babawiin ko si Casiel. Hindi pa naman huli. Hindi pa naman huli at naniniwala ako na hindi pa siya nawawala sa akin.

"Narciso!" Napatingin ako sa entrance ng kitchen nang marinig ko ang boses ni Azul. Pumasok siya sa kusina. He was all smiles.

"Don't tell me that you two are still broken up." Walang kumibo. Si Casiel ay patuloy lamang sa pagpapalaman ng tinapay. Napailing na lang ako at umalis sa kusina. Inayos ko ang gamit ko dahil ngayon ang lipad namin patungo ng Guatemala para tapusin ang lahat ng ito. For the first time in my life -- I'm really scared because of a mission. Takot ako na baka hindi na ako nakabalik and God knows how much I want to come back. If I come back --- I'll fix everything between Casi and I. I'm just praying so hard for her to forgive me. Alam kong hindi ganoon kadali ang pagpapatawad sa ginawa ko pero hindi naman ako titigil sa pag-asa na mapatawad niya ako. Sapat na siguro ang pagmamahal na meron ako para sa kanya para nagkalakas loob upang ipaglaban ang sa aming dalawa.

"Adan!" Narinig kong tinawag ako ni Azul pero hindi na ako bumalik sa kitchen. It just hurt so bad. Alam ko kapag ikinuwento ko sa lahat ng kakilala ko kung anong nangyari at ginawa ko kay Casiel ay isa lang ang sasabihin nila sa akin, na tanga ako, at hindi ko talaga mahal si Casiel. But the thing is I really do love her. And given the chance to re-do all my mistakes, I'll make up for it. I'll choose Casiel. I sighed. I lost my chance, I blew my cover for being weak maybe I don't deserve her -- no I really don't deserve her. I should've been faithful but then seeing Marthe - or what I thought was Marthe made me go back to what I was before - kahit naman sabihin ko na mahal ko si Casi, hindi mawawala sa buhay ko si Martha. Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya - thinking that I didn't protect her enough - maybe what I needed was closure. Iyong inner peace na mararamdaman ko sa puso ko para makalaya na ako mula sa aalaala ng kahapon.

Inayos ko ang mga gamit kio. I took my guns with me. Lahat ng gadgets na kailangan ko ay inilagay ko sa bag ko. Inaalala ko ang plano namin ni Azul. How am I going to convice Octagon that I have him in my hands. I need to hurt him - hard. But what if they ask me ti shoot him in front of them. I shrugged. I'll shoot him. For what it's worth - gagawin ko ang lahat para matapos na ito.

Bumaba muli ako. Nakita ko si Casi na kausap pa rin si Azul, hindi lang pala si Azul ang naroon kundi pati si Judas at si Axel John. The man - Axel John was looking at Casiel - kulang na lang ay maglaway siya. Napakuyom ako ng kamao, how dare he look at her like that. Ako lang ang dapat tumingin sa kanya ng ganoon but then I remembered that she's not my girlfriend anymore so I just looked away.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon