27. What are you known for?

163K 4.3K 1.1K
                                    

"So what's your plan?"

Ang hindi ko lang maintindihan ay ito. Tapos na ang misyon ko. Nag-resign na ako sa Octagon at wala na akong koneksyon sa kahit na anong may kinalaman sa buhay agent ko pero nandito pa rin ang mga lalaking kaibigan ni Simon Paul at kinukulit ako tungkol sa muli kong panliligaw sa girlfriend ko. Judas seemed to be very interested in my love life and it fucking creeps me out. Si Axel John naman ay nagte-text pa sa akin kung minsan tapos ay tinatanong niya din ako - ang nakakasuka sa lahat, lahat ng text ni Axel John ay may smiling face sa huli. What the fuck is wrong with this men?

That morning I was surprised to see the two of them outside my condo unit. Paalis kasi ako noon at pupuntahan ko si Casiel. Noong kababalik ko ay pinuntahan ko siya, ako pa nga mismo ang naghatid sa kanya papunta sa mansyon nila kaya lang hindi niya ako kinakausap. Tinitingnan niya ako. There was one moment when I thought that she would want to hold my hand but then she refrained. We both sighed.

"Ano bang ginagawa ninyo dito?"

"We want to know what will happen with you!" Axel said. "We kind of put a wager on it. I bet that Casiel will never forgive you for like forever." I smirked.

"Walang forever." Inis na sabi ko.

"Sa pagkakataong ito, meron." Kinindatan pa ako ni Axel John. I wanted to slap him.

"And I bet that Casiel will forgive you pero luluha ka muna ng dugo hanggang sa bago ka niya mapatawad.

"Are you bored with your life?" Tanong ko sa kanila. Sumakay kaming tatlo sa elevator. They were still bothering me about Casi and my plans. Wala naman akong plano kundi ang ligawan lang siya at ipakita sa kanya na nagsisisi ako. Iyon lang naman ang dapat. I'll rebuild her trust. I'll tell her everything she wants to know.

Nang makalabas kami ng elevator, inakala kong hindi na ako susundan ng dalawa pero napabuntong hininga na lang ako nang pati sila ay sumakay sa kotse ko. I drove to Casi's auto shop with the two morons with me. Sabay-sabay din kaming bumaba. Agad akong pumasok sa loob. Kilala na ako doon dahil halos araw - araw ko siyang pinupuntahan. Isang buwan na kasi ang nakakalipas at wala akong palya kahit na isang araw. Panata ko si Casi. Kung sasabihin niyang lumuha ako ng dugo, pipilitin ko, mapatawad niya lang ako.

May dala akong rosas para sa kanya. "Dude, hindi maiibsan ng roses ang galit niya sa'yo." Wika pa sa akin ni Axel. I just eyed him. Itinaas niya ang kamay niya na para bang sumusuko na siya. Nginisihan niya lanh ako. Agad kong nakita si Casiel na nasa loob ng opisina. She was wearing her usual denim jacket and a white shirt. Maikli pa rin ang buhok niya - I like it that way. I really missed her. Napatingin siya sa akin. Parang nakita ko siyang ngumiti pero nawala agad iyon. Pumasok ako sa loob ng office niya dala ang rosas ko at ang ilang mga pagkaing ako mismo ang nagluto. I'm really courting her.

"Good morning, Casi."

"What's good in the morning if you're here, Narciso?"

Hindi ko napansin na kasama pala ni Casiel ang pinsan niyang inaanak ni Satanas. Si Hera Vejar. She was smiling at me. Naninigarilyo siya at binugahan niya pa ako ng usok. Casiel widened her eyes at her pero hindi naman nabago ang ekspresyon ng mukha niya. Namaywang si Casiel sa akin.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" Inis na tanong niya.

"Nagtanong ka pa, hinihintay mo rin naman!" Another voice filled the room. I looked back and I saw Gianna - her other cousin - who was holding hands with a tall man who had silver eyes. "Hi, Adan! Nakita ko sina Judas sa labas, friends mo pala sila. Ito naman ang aking asawa, si Zeus, Zeus si Adan, boyfriend ni Casi." Nakipagkamay sa akin ang lalaki. He was looking at me with that ridiculous smile on his face.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon