16. Dance of...

210K 5.3K 611
                                    

I found myself sitting on the sidewalk crying my eyes out. Inabandona ko na ang firebird ko dahil hindi na ako makakita sa kakaiyak. Naglakad-lakad ako habang lumuluha. Iniisip ko ang eksenang nakita ko. Iniisip ko ang babaeng kasama ni Adan. Bakit sila nakahubad? Bakit pareho silang bagong ligo? Napahikbi ako. Siyempre nag-sex sila! Siguro iyon ang babaeng iyon ang malanding nagsend kay Adan ng kung anu-ano. Naiiyak ako sa inis talaga. Ang sakit-sakit nang nararamdaman ko.

Iyong pakiramdam na nahulog sa twentieth floor ng isang building tapos umaasa na may sasalo sa ibaba tapos hinayaan ang sariling mahulog at walang sumalo - siyempre masakit. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magwala. Gusto kong suntukin ang unang taong makakasalubong ko tapos magso-sorry ako kasi hindi ko naman iyon sadya. I sighed again. I decided to call Gianna - siya naman ang kailangan ko ngayon. Iyong kalmado at hindi mainitina ang ulo dahil kung si Hera ang tatawagan ko baka mag-transform siyang dragon at hanapin si Adan para bugahan ng apoy. Magagalit si Hera dahil pinaiyak ako ni Adan.

Hindi naman nagtagal ay nakita kong may isang sasakyang huminto sa tapat ko. It was a yellow dodge challenger. Lumabas doon si Gianna na blonde pa rin hanggang ngayon. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka itinayo ako.

"Casi baby...' She whispered. Niyakap niya ako. Nakita ko naman si King David na nakatingin lang sa amin habang nakangisi. Naaasar talaga ako sa mukha ng lalaking ito. Akala mo parang hindi gagawa ng mabuti - sabagay masamang nilalang nga pala ang taong ito at hindi talaga siya gumagawa ng mabuti. Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Gianna dito at hindi niya talaga nilulubyan. Ang alam ko nakabalik na si Zeus - as in for good at alam kong nagkita na sila dahil iyon ang pinag-uusapan nila Hades noong nakaraan. Gusto ko nga malaman kung anong nangyari sa pagkikita nilang iyon at kung bakit halos araw-araw na niyang kasama ang King Inang David na ito.

"What happened?" She asked me.

"Inom tayo." Wika ko. Walang pasabi na pumasok ako sa kotse ni King David. Sumunod naman si Gianna sa akin. Pumasok na silang dalawa at saka pinaadar na ni King David ang sasakyan. Sinabi ni Gianna ang gusto ko. Tango lang ang sinagot niya sa pinsan ko. Matatalim ang mga mata kong nakatingin sa kanilang dalawa. I saw King David took Gianna's hand by his free hand and held on to it. Hinayaan lang naman ni Gianna iyon. She was even smiling. Iniisip ko kung sila na ba?

"Eherm!" Malakas na ubo ko. King David let go of Gianna's hand. Tumaas lang ang kilay ko. "Kamusta si Zeus?" Walang pasintabing tanong ko. Biglang pumreno si King David. Nauntog ako sa likod ng upuan. "Gago ka! Sinadya mo iyon?!" Sigaw ko. Ngumisi lang si King David sa akin. Tumingin si Gianna sa kanya at saka inirapan siya.

"Sorry, sweet pea. I thought you hate bad words." Mapaglarong sabi niya sa pinsan ko. King David kissed Gianna's knuckles and smiled. Nasusura ako sa ginagawa ng dalawang ito. Nakakagigil. Nakakasuya. Nakaka - argh!

Inihinto ni King David ang sasakyan niya sa parking lot ng isang pub. Bumaba kaming tatlo doon at mabilis na pumasok. Hindi naman na kinailangan pang pumila dahil mukhang kilala na si King David doon. Wala akong pakialam kung ito ang unang beses kong makapasok sa isang pub - o kung ito ang unang beses na iinom ako na hindi sila kuya ang kasama ko. Wala akong pakialam dahil nagagagalit ako kay Adan at gusto kong makalimutan ang galit niya sa akin. Ang kapal lang kasi ng mukha niya.

Sinasabi niya - sinabi niya noong nakaraan na ako ay para sa kanya lang pero on the side meron naman siyang iba! Nanggigil ako! Pinaasa niya ako. Kung hindi naman niya kasi iyon ginawa sana hindi ako mahuhulog ng ganito sa kanya. Ang kapal lang niya. Sana makalbo siya down there para hindi na niya ipakita sa kahit na kanino ang tete niya o kaya man sana lumiit at pumayat ang kanya nang matahimik siya sa buhay niyang walang hiya siya! At para sa babaeng kumalantari sa kanya - sana amagin ang pukengkeng niya para hindi na niya magamit!

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon