19. Secrets

201K 4.8K 812
                                    

Adan is a bit paranoid this past few days. Wala siyang bukambibig kundi ang pagtuturo sa akin ng self-defense. Minsan ay dinala niya pa ako sa firing arena para mag-aral ng pagbaril. Nag-enjoy naman ako sa date namin. Nakakatuwa naman kasi dahil kakaiba ang tema ng date naming dalawa. Astigin ang dating na para bang pag-action movie. Laging may excitement na nagaganap sa dibdib ko kapag kasama ko siya ---hindi lang iyon dahil sa kilig---kundi dahil nakakakaba talaga ang mga ginagawa namin.

That day, I was in my shop, taking care of the business pero ang nasa isip ko ay kung gaano ko nami-miss si Adan. Wala kasi siya. Umalis siya sakay ng eroplano pero ayaw niyang sabihinsa akin kung saan siya pupunta. Ang sabi niya, mas mabuti na wala na lang daw akong alam. Ikapapahamak ko pa kasi kung may alam daw ako. Hindi ko talaga siya maintindihan. Gusto kong isipin na paranoid lang si Adan kaya siya ganoon pero kapag naaalala ko ang nangyari kay Martha ay naiintindihan ko na rin siya. Iniisip ko na naka dahil ayaw niya akong mawala. Pero sumasagi pa rin sa isipan ko ang selos dahil palagi niyang kasama ang babaeng puki na iyon. Baka mamaya ay ipinapakita niya kay Adan ang kanyang perlas --- hinihiling ko lang na sana ay snob si Adan para hindi niya pansinin ang babaeng puki na iyon.

"Kapag talaga nagkataon, babarilin ko iyong babaeng puki." Nakakunot ang noong bulong ko. I just missed Adan so much. Hindi siya nagpaparamdam sa akin. Pinipilit kong intindihin talaga na para sa kaligtasan koi to. Ayoko naman na mawala siya sa akin. I just sighed again. Pinagpatuloy ko na lang ang paggawa ng inventory ko. Iniisip ko n asana ay bumalik na siya.

"Casi, hey!" I looked up and saw Hera standing in front of me. Dala niya si Percy - her newest baby boy. Napangiti ako at saka tumayo para kunin ang baby niya. I want a baby boy too - tapos kamukha ni Adan. Sana talaga bumalik na siya para makapagpakasal na kami. Gusto ko na talaga. I don't wanna spend another moment without him. Gusto ko panay ko siya kasama at alam ko naman na ganoon din siya.

Iniisip ko nga si Papa, baka kasi magalit siya pero kilala ko ang tatay ko. Makikinig muna siya sa akin. Minsan niya nang nasabi na ayaw niyang maulit ang puro na lang galit ang pinaiiral niya. Marami na siyang nasaktan sa ugali niyang ganoon kaya alam kong makikinig talaga siya sa akin.

"Ayaw naman sumama! Nakakainis, hindi kita bati!" Nakaismid kong wika sa anak ni Hera na para bang naiintidihan niya ako. Hera just grinned at me. Naupo si Hera sa couch ko at inigoy-ugoy si Percy. She was sighing.

"I found out that Apollo isn't Papa's first love. It's kinda devastating." Malungkot na wika niya. Napangisi na lang ako. Kilala ko si Hera. Masyado siyang fan ng pagmamahalan ng mga magulang niya. Masyado niyang mahal ang kaisipan na si Uncle Luke at si Mama Apollo ay may forever. Parang si Dalaga at Binata.

"Hera, kung si Mama Apollo naka-move on. Ikaw pa kaya? Parang si Romeo at Rosaline lang iyan. Pero si Juliet ang eternal love niya."

"Ang just like Juliet, Mom died." Hera commented. "I wonder who the woman is..."

"Huuu, 'wag mong sabihing hahanapin mo?" Hindi sumagot ang pinsan ko. Isinubo niya ang daliri niya kay Percy at saka ngumiti. "Kamusta na si Gianna?" Tanong ko. Wala akong balita sa pinsan kong iyon. Noong huli kaming nag-usap ay sinasabi niya sa akin nab aka daw mahulog siya kay King Inang David - pero I doubt it - galit siya kay Zeus at alam ko na kapag galit ka sa isang tao ay halos katumbas na iyon ng pagmamahal. I know that Gianna will come around. Naiintidihan ko naman ang sakit na nararamdaman niya.

"Hera..." Tawag ko sa kanya. She looked at me. Nakataas ang kilay niya - tila galit. "Magpapakasal na ako..." Bulong ko sa kanya. Kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Nag-straight line ang labi niya at sa unang pagkakataon sa buhay ko - nakita kong walang masabi si Hera Adriana Consunji.

I wasn't sure if I really saw tears coming down from her eyes but when she gasped and when she bit her lower lip - I knew already that she was crying.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon