12. Ouch

190K 5.4K 560
                                    

"Good morning, Mama! Pa!"

I kissed both of my parents good morning after that I sat on my place in the dining table. Kumakain na sila Mama si Papa nagkakape. Ako naman ay kagigising ko lang. Excited ako ngayong araw na ito dahil ngayon ang punta ni Papa sa Urdaneta. Sasama ako sa kanya para madalaw si Kapitana at si Jorgia - doon na rin kami magkikita ni Carla - umuwi kasi siya kahapon. Ang plano pa nga namin ay dapat sabay kaming uuwi doon pero mas nauna na siya - nahihiya daw kasi siya kay Papa.

"Good morning parents and only sister!" My eyes caught a sight of Kuya Javier. He was smiling so boyishly. Nilapitan niya kami at isa-isang hinagkan sa pisngi. Papa just looked at him tapos ay ngumiti ito.

"Akala ko may kasama ka nang babae para magpakasal ka na din tulad ng kuya mo." Wika ni Papa. Kuya Javier grinned.

"Malapit na Pa. Bubuntisin ko muna saka na iyong kasal." Makahulugang wika niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Mama sa sinabi ni Javier. Ako naman ay napapatanga. Anong sinasabi ng kapatid ko? May girlfriend na siya?

"Magpapari ka ulit?!" Tanong ko. Javier made a face.

"Hindi no! Mambubuntis nga! Magpapari? Ano iyon?!" He laughed. Umiling ako at saka kumain na. Kuya Javie played with his eggs again habang ako naman ay pinaglalaruan ang jumbo hotdog sa plato ko. Tinitingnan ko lang silang tatlo. Hanggang ngayon sweet silang dalawa ni Papa si Kuya naman ay para bang tanga na pangisi-ngisi. Hindi siya uuwi ng dalawang araw tapos babalik siya na para bang nanalo siya sa lotto.

"Javier, sumama ka sa akin sa Urdaneta, may kakausapin tayong kliyente. Si Casiel din ay sasama ihahatid muna natin siya sa Amandiego."

"Umuwi kayo ng maaga. Magluluto ako ng masarap na hapunan and please little girl, ask Kapitana to spend Christmas with us." Nakita kong ngumiti si Papa kay Mama.

"Gusto mo pa ba ng isa pang bunso, mahal ko?" He winked at Mama. Napaubo kami ni Kuya Javier sa narinig. Nagpantig ang tainga ko.

"Pa! Hanggang ngayon pa ba naman?!" Komento ko. "Papa ha! Baka masundan pa ako!"

"Anong masama? Ayaw ninyo ba ng kapatid?" Our parents laughed out loud. Hindi naman kami magkamayaw ni Kuya Javier ng pag-iling. Natapos ang breakfast. Agad naman kaming nagpaalam kay Mama para bumyahe. Dala namin ang kotse ni Papa pero si Kuya Javier ang nagdrive. Si Papa at si kuya ang magkatabi sa harapan, ako naman sa likod. Habang nasa byahe ay ka-text ko si Carla. Sinabi niya na masama daw ang pakiramdam niya kaya baka hindi kami makapasyal ngayong araw. Hindi ko naman na siya nireplyan. Habang nasa byahe ay naiisip ko ang sinabi niya sa akin noong huli kaming magkita.

Iniisip ko ang pagbabalik ni Adan at kung makikita ko ba siya.

Paano kapag nakita ko siya? Anong gagawin ko? Hindi naman kami nakapag-usap noong nakaraan. Nilayasan niya kasi ako. Iniisip ko rin kung papansinin niya ba ako o kung galit pa siya sa akin o kung kapag nakita ko siya ay sasakit iyong part na sumasakit kapag naririnig ko ang pangalan niya at kapag naiisip ko siya.

In the first place, bakit ba sumasakita iyon? Sabi ni Ate Mara sa akin ay sumasakit iyon kapag namimiss ang isang tao. But I don't miss Adan. I just wanted to see him again so I can explain my side.

Huminga muli ako nang malalim. Ano na kayang hitsura niya? Halos makalimutan ko na nga ang tono ng boses niya. Palangiti pa rin kaya ang kanyang mga mata?

Noong nakaraan ay napaniginipan ko siya. Sa panaginip ko naging remote control daw ang potoytoy niya at iyon din ang ginamit ko na pang - on ng tv. Tapos ay iyak daw siya nang iyak - tumigil lang siya noong isubo ko iyong remote na naging ibon tapos lumipad - hinabol daw naming dalawa pero nawala na tapos nawala na rin siya.

Unkiss MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon