Vampire Princess 1 - Royal Challenge

15.1K 317 14
                                    

Nakaupo lang ako dito sa gilid at nagmumukmok habang kumakain ng fruit salad.

Napatingin ako sa kanan, nandun si mom kausap ang mga ibang reyna sa ibang kaharian. Sa kaliwa naman, si dad na kausap yung mga hari sa ibang kaharian. At yung nagmamagaling kong kapatid, nakikipaglaro sa mga little princesses ng mga reyna. Ang boring ng buhay ko.

Princess, princess, princess nye nye nye.

Dammit!

"Hi Princess!" pang aasar nang kapatid kong babae at hinawakan pa yung dress niya para mag bow. I just rolled my eyes at kumain nalang

Dhine Alion Ecahausta, ang kapatid ko. 17 na siya ngayon. Mas bata siya sa akin pero mas mature na utak niya 'daw'. Mas maganda 'daw' siya at mas matalino 'daw' siya kesa sa akin. Ang bait niyang kapatid noh?

"Yung mga kaibigan mo oh. Hinahanap ka na." sabi ko sa kanya nang hindi man lang tumitingin at pinagpatuloy ang pagkain

"Akala mo naman bata pa ako." sabi niya at nagpout. Mas bata siya nang isang taon sa akin. Ang kaso lang, ampon siya. Tanggap naman niya. Pagkatapos ko daw kasing ipinanganak, hindi na pwede magkaanak ulit si mom so, nag ampon sila ng babae. Turns out to be Dhine. Tanggap ko rin kasi ako rin naman ang may gusto ng kapatid noon. Palagi ko daw sinasabi sa kanila na gusto ko nang kapatid kaya pinagbigyan nila ako

"Iwan mo nalang ako dito," bored na sinabi ko sa kanya at nagpatuloy lang sa pag obserba sa mga bisita namin

May mga bagong mukha dito sa birthday ni Dhine. Malamang baka kaibigan ng kaibigan niya. Ang mga iba naman ay ang parehong tao na umaatenda sa mga okasyon namin since time.

"Alam mo ba kung bakit ka magiging prinsesa?" tanong niya na parang binalewala niya lang yung sinabi ko kanina. Tumigil ako sa pagkain at tinignan ko siya ng may-alam-ka-ba-sa-sitwasyon-ko. Kasi I don't want this title. Wala akong pakealam sa pagiging prinsesa. Ew

Umiling iling siya bago nagsalita, "You're turning 18 in the next few days remember?" hindi ko siya pinakinggan? Hindi ka talaga nakinig sa sinabi sayo nung Royal Teacher" asar niya pa sa akin

Royal Teacher yung nagtuturo ng dapat mong matutunan sa pagiging prinsesa mo. I mean, hindi naman siya mali sa sinabi niya. Sabi nila hindi daw ako nakikinig nung bata ako kaya wala akong masyadong alam ngayon.

"Kung makapag salita ka akala mo 20 years old ka na. 17 years old mo palang." sagot ko naman sa kanya. Nagpout siya at sinamahan niya ako na tumingin tingin sa mga bisita niya. Gusto ko na talagang umalis dito T^T

"Good luck! Tandaan mo, para maging isang prinsesa.." napatigil siya at ngumisi, "You must pass the Royal Challenge" tapos umalis na siya. Royal Challenge lang pala...

Eh?! ROYAL CHALLENGE?! YUNG.. yung.. wahh!

Padabog akong umalis doon sa lood dahil sa inis. Nagpunta nalang ako sa maze garden dito sa likod ng castle

Dito ako nagpupunta pag may masama kong saloobin o problema. Sa gitna nitong maze, dito mo makikita yung garden at fountain na malaki.

Bakit kasi kailangan ko pang maging prinsesa? Para mamahala ng kaharian ko? Bakit?

Aha! Kung ayoko maging prinsesa, edi hindi ko ipapasa yung Royal Challenge. Huehuehue. Andali lang naman pala eh—

Magagalit sina mom and dad T^T Desisyon nila ito at alam kong hindi sila matutuwa kapag hindi ko sineryoso ang desisyon nila

Sigh

Wala nga akong kontrol sa kung ano ang gusto kong gawin

Dapat lahat ay nasusunod. Kung hindi, may parusa. Hindi ko nagustuhan ang mga parusa

Sabi nila, may isang gabi daw na lumabas ako noon para maglaro. Umakyat ako ng puno at nahulog. Nagkasugat ako

Sabi nila, naparusahan daw ako. Ang parusa ko ay hinayaan nila akong dumugo yung sugat ko. Hindi nila ako tinulungan na gamutin ang mga sugat ko. Pati mismo kong nanay, hindi niya ako natulungan

Wala akong masyadong naalala nung bata ako pero naaalala ko parin yung itsura nung buwan. Dahil siguro sa taas ng puno na naakyat ko, mas malapit ako sa buwan. Hanggang ngayon, ramdam ko parin ang lamig ng simoy ng hangin nung gabing yun.

Sigh

Kumuha ako ng bato at tinapon yun sa fountain. Pero nagiging kalmado parin ako dahil sa mga bulaklak. Nakakarelax lalo na yung amoy ng mga bulaklak dito.

Ang pagiging prinsesa kasi ang pinakamahirap na posisyon. Kahit na yung hari ang pinakamataas, ikaw yung gagawa ng pinapagawa niya. Kung sasabihin niya na pakainin mo yung mahihirap, gawin mo. Kasi ang inutos sayo. Hanggang sa paglami namin, ang tumatatak lang sa isipan namin ay ang sundin ang ano mang utos nila

Pero maganda rin ang pagiging prinsesa kasi ginagalang ka nila.

At tama si Dhine. Kailangan mong ipasa ang Royal Challenge para mamangha silang lahat sayo. Madaming aatenda sa araw ng yun para saksihan ang babae o lalake na magawa lahat ng pagsusubok para lang maging prinsesa o prinsipe. Kung hindi mo magawa o naipasa, mawawala at masisira ang reputasyon niyo kasi iniisip nila na mahina ka. Kahit isang pangalan lang ang nasangkot, nasira na ang repustasyon ng buong pamilya mo.

Sasabihin nila na walang kwenta ang kaharian niyo at hindi ka nababagay na maging prinsesa. Kaya wala akong magagawa. Kailangan kong maipasa yung challenge;

Alamin kung ano ang mga guidelines sa pagiging prinsesa. Pagsakay sa kabayo nang nakadress. Umaktong prinsesa. Kumain nang maarte. Bisitahin ang mga tao mo. At... ang pinakaayaw ko sa lahat...

Archery

Ayoko! Ayoko! Ayoko ng archery kasi ayoko!

"Sorry to disturb you my princess, pinapatawag ka po ni Queen." sabi niya habang nakabow sa akin.

Hinawakan ko yung magkabilang parte ng dress ko at naglakad na papunta sa loob. Nakita ko si mom na nakikipag usap sa ibang queens.

Umalis na yung tatlong babae na tumawag sa akin at nagbow ako hawak yung dress ko.

Ramdam ko na napatingin sila sa akin kaya nag ayos ako. Isang lalaki din ang napatingin sa akin ng diretso

"Eating fruit salad in the corner does not look good for a beautiful princess like you" sabi niya habang natatawa siya. Pinunasan ko yung bibig ko gamit yung likod ng palad ko at tinignan ako ni mom na parang nandidiri. Anak niya ako pero ganyan niya ang turing sa kin T.T

"Bakit mo ako ipinatawag" nasabi ko nalang at lahat naman ng mga mata nila ay napunta sa lalaking nang asar sa akin

Nagbow siya na yung isang kamay niya nasa may tiyan at yung isa sa likod...

"Prince Jag Dwayne Pusnih from the kingdom of Hismohd. At your service" tapos tumayo na siya ng maayos at ngumiti

Nakakaramdam ako ng mali dito.

There's something with his playful smile

"Okay?" tumingin ako kay mom

Ngumiti siya sa akin at sinabing,

"He will be the one to help you prepare for Royal Challenge starting tomorrow"

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon