Vampire Princess 24 - Sunshine

3.2K 61 3
                                    

"Wag." cold na pagkakasabi ni Jag sa babae. Tsk. Ayan na naman siya eh. Hindi na ako nasanay sa masiyahin niyang ugali noong tinutulungan niya ako sa Royal Challenge noon

"Hmmm? Bakit?" tanong nung babae na may pang aakit sa boses niya. Nilagay niya pa yung kamay niya sa pisngi ni Jag

"Masakit." simpleng sagot niya. Hindi na nakasagot yung babae at tinignan naman kami. Tapos kay Ilecs

"Oh Ilecs! Matagal na nung huli tayong nagkita—!" sabi niya at lumapit siya pero mas lalo pang nagtago sa likod ko si Ilecs, "Tsk. Nagbabata bata parin para mapansin ng lahat" sabi niya. Alam ko naman na nainis si Ilecs dun at hindi naman siya umimik. Syempre lalo na kung sinabi nilang nagpapapansin lang siya sa ginagawa niya

"Hegamon? Grabe. Ang tangkad mo na kesa sa akin" sabi niya. Pero bago pa makalapit yung babae, nagsalita na si Mon Mon at tumalikod na

"Wag mo akong lalapitan" galit na pagkakasabi niya at pumunta sa kwarto nila

Tumingin siya sa parte ko. Okay. Alam kong kanina niya pa ako nakikita pero hindi niya lang ako pinapansin.

Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan yung kabilang side ng damit niya at yumuko para magpakilala, "Sunshine Jahebas. Ang prinsesa ng Kaneri Kingdom. Pinsan ni Hegamon." tapos humarap na siya sa akin.

Ewan ko kung bakit pero bigla nalang akong napaatras nang makita ko yung mga tingin niyang matalim. Tapos yung ngiti niya na parang may kakaiba sa akin. Na parang gusto niya akong hamunin sa laban.

"Oo nga pala, Prinsesa Khine?" patanong niyang sinabi na parang hindi siya sigurado sa pangalan ko. Tinignan ko naman siya at tumayo ako ng matindig kaya ngumiti namna siya dahil sa alam niyang tama ang hinala niya sa pangalan ko, "Sa hindi inaasahang pangyayari, "Inaatake narin ng mga bampira ang kaharian namin. Maliit lang ang kaharian namin at sana hindi maging hadlang ang mga tao namin sa kaharian ninyo," tapos yumuko ulit siya na parang nakikiusap

"Uhm.." tumingin ako kina Jag pero hindi lang din sila nagsalita, "Maaari kayong manatili hanggang matapos ang... sitwasyon," nasabi ko nalang

"Kung maaari, pwede mo ring makausap ang hari at reyna para bigyan ka nila ng impormasyon tungkol sa nangyayari,"

Mas madami silang alam sa nangyayari. Ayaw nga nilang sabihin sa akin kung ano nangyayari

Naglakad na ako papunta sa kung saan sila mom at dad

Bakita ganun? Si Ledgas ang alam kong prinsipe ng mga bampira. Bakit niya ginagawa ito? Ano ang ginawa ng mga tao sa mga bampira na parang gumagawa siya ng gyera. Inosente lang sila.

Dagdag pa sa sinabi niya sa akin na aatakehin sila ng mga lobo. Ang mga bampira ay aatake sa mga tao at ang mga lobo ay aatake sa mga bampira? Sino ba talaga ang nagsasabi ng too? Tsaka bakit ang kaharian namin ang hindi inaatake? Aish! Ang gulo!

Pinagbuksan si Sunshine ng pinto at pumasok siyang mag isa sa loob. Hindi na kami sumunod at naghintay lang kami sa labas

Kumalas na sa si Ilecs pagkakahawak sa damit ko kaya umupo ako at napatingin kay Jag tapos kay Ilecs ulit, "Wag ka nang mainis okay? Siya yung nagpapapansin dahil sa... damit niya. Naiinggit lang siya sayo. Ang cute cute mo kasi." sabi ko at pinisil pa yung mga pisngi niya. Nagningning naman yung mga mata niya at tumalon talon pa papunta sa kwarto nila Mon Mon

Titira pa yung Sunshine na yun dito sa amin. Tapos iisa nalang ang kwarto na natitira. Tsk. Katabi pa ng kwarto ni Jag yung kwarto na yun. Bakit pa kasi nila naisipang tumira dito sa palasyo namin?

"Jag... palala na" bulong ko sa kanya. Tumango lang siya at pumunta narin sa kwarto niya

Napagdesisyonan ko na ring pumunta sa kwarto nila para makapag usap naman kami. Ano kaya ang dahilan kung bakit takot at galit yung tatlong yun kay Sunshine. Alam kong mabait ang ugali niya pero alam kong may nililihim siyang iba pa.

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon