Vampire Princess 6 - Day 5

5.5K 110 0
                                    

Khine's POV

"Place the arrow within the small dent found in the string. Siguraduhin mo lang na may maririnig kang tunog tapos ilagay mo lang siya sa may rubber rest" sabi niya at ginawa ko naman yung sinabi niya. Nilagay ko yung arrow.. sa string. Ganun din ang ginawa niya sa kanya. Pareho kaming may hawak na bow. Para maidemonstrate niya.

Kahapon, pinaliwanag niya rin lahat. Pero hindi ko pa naintindihan kaya inulit niya ngayon

"Grasp the string around the arrow. Your index finger above the arrow, middle finger and ring finger below. Leave your little finger and thumb away from them and do not touch the string with them"

"And.. gently pull the string back." ginawa ko pero namanhid agad yung kamay ko. Sinabi ni Jag kahapon na normal ito kaya dapat masanay ko para marelax yung muscles ko.

"Pull the string back so that the string touches the tip of your nose and you hand is below your jaw"

"Breathe calmly to losen your muscle." ginawa ko at tinitigan yung target ng mabuti. Kailangan ko tong magawa.

Para sa kaharian ko.

Para sa mga tao ko

Para sa.. "Then release" akin

*applause*

Napatulala ako at nahulog ko yung pana ko. N-natamaan ko? "Khine! Nagawa mo!" sigaw ni Jag kaya lumapit ako sa kanya at niyakap. Patalon talon pa ako dahil sa tuwa.

Nagawa ko. Nagawa ko nga!

Kumalas ako at tumakbo papalapit sa puno kung saan tumama yung arrow na ginamit ko kanina. "8 points" masayang binanggit ni Jag sa akin, "Konti nalang." patuloy niya

"Hindi ako makapaniwalang nagawa ko to. Jag, salamat" sabi ko sa kanya

"Buti naman at hindi na Punish?" natatawang sabi niya kaya napaiwas ako ng tingin. Alam niya yun? Alam niya talaga? Wahhhh T^T

"How about a break?" tanong niya kaya napangiti ako at sumama sa kanya

Napaisip ako. Bakit pumupunta dito si Jag? Bakit siya napapayagan? Bakit hindi ako napapayagan na pumunta ibang kaharian nila? Sa kaharian ni Jag? Sa Hismohd?

Hinila niya yung upuan para sa akin. Nginitian ko siya at umupo siya sa kabilang parte

Kumain ako gaya nang tinuro ni mom, "Hindi mo naman kailangan sobrahan" sabi ni Jag. Ginawa ko yung sinabi niya. Oo, mas nakabubuti yung sinabi niya.

Sino kaya ang nagturo sa kanya? Madami siyang alam. Gusto ko rin ang matuto.

Nilunok ko muna yung kinakain ko bago ako magsalita, "Itutuloy ba natin ulit?" tanong ko sa kanya tapos napatawa siya

"Ano namang nakakatawa? Ayan ka na naman Jag eh" tumigil ako sa pagkain at pinunasan yung bibig ko

"Wala. Nagtataka lang ako kasi parang nagugustuhan mo na yung ginagawa mo" natatawang sinabi niya. Umiwas ako ng tingin tapos tumigil na siya

"Nagugustuhan ko kasi masaya. Pero para sa akin, tinulak lang nila ako na gawin to" sabi ko peor hindi nakatingin sa kanya

"Para naman ito sa mga tao mo diba? Sa kaharian mo?" sabi niya

"Hindi naman pagiging 'reyna' ang punto kodito. Magiging prinsesa palang naman ako" sabi ko sa kanya. Hindi siya nakapag salita kaya tumingin ako sa kanya

Bakit siya natataranta? "Hoy. Anong ginagawa mo?" sabi ko sa kanya. Tapos parang nagulat pa siya nung nagsalita ako

"Uhmm. A-ano? H-hindi noh. P-pagiging prinsesa m-mo? Oo. A-ayos yun" sabi niya. Magiging prinsesa naman talaga ako. Bakit ba?

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon