Vampire Princess 23 - Lady In A Red Dress

3.3K 72 1
                                    

Kinukusot kusot ko pa yung mga mata ko dahil kagigising ko lang. *unat ng kamay* Wooh! Bagong araw na naman ito!

Natapos na yung morning routine ko at bumaba na ako para kumain pero bumungas nalang sa akin yung mga guards ni Ilecs na may hawak hawak na box. As in maraming box.

"Uhhh... para kanino yang mga yan?" tanong ko. Nagulat naman sila at huminto at nagbigay galang sa akin

"Kay Prince Ilecs po, mahal na prinsesa" sagot sa akin nung isa habang nakayuko. Para kay Ilecs? Bakit ang dami naman yata? Tatlong kahon kada guwardya. Tapos mga sampung guard na nagbibitbit. Ano ba yan? Damit?

"Onee-chan!" napalingon ako sa gilid ko nang makita ko si Ilecs na tumatakbo papunta sa akin. Yumuko naman yung mga guard sa kanya.

"Ilecs, ano ba yang box na yan. Ang dami naman yata" tanong ko sa kanya pero mukhang hindi niya yata ako narinig kasi busy siya kakayakap sa dress ko. Ang liit niya kasi kaya hanggang bewang ko lang siya

"Gusto mo? Gusto mo?!" sabi niya sa akin tapos nagspark pa yung mga mata niya. Eh ano ba kasi yung mga laman nun? May donation bang nagaganap?

Narinig ko naman yung mga yapak ni Mon Mon at ni Jag kaya napatingin ako sa kanila. Nagkamot naman ng ulo si Mon Mon na parang kagigising lang tapos sinabi na sa mga guards na ilagay na sa pwesto yung mga yun sa may mesa

Nagulat nalang ako nang tumakbo si Mon Mon papunta sa akin nung nakita niya ako at nagcling sa kamay ko. "Gusto mo? Gusto mo?!" tanong niya rin kagaya ng pagtatanong ni Ilecs kanina sa akin.

Ang mga baliw. -___- Isang bata, nakakapit sa damit ko tapos isang baliw na ewan na nakakapit sa kamay ko >____<

"Cake.." sabi ni Jag kaya napatingin ako sa kanya, "Cake na kakainin ni Ilecs" patuloy niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Yun yung mga nasa box?!

"Ang aga pa Ilecs! Grabe ka. Isa ka pa Mon Mon. Para kayong tuko na kumakapit sa akin. Anong problema niyo?" sabi ko at pilit na umaalis sa kanila

"Jag oh. Tulungan mo naman ako dito." pakiusap ko sa kanya. Tinignan niya kami este sila ng masama. Kaya ayun, humiwalay din

Meron paring benda yung leeg niya. Ganun ata napalalim yung sugat na ginawa ko. *sigh* Tatlong araw na ang nakakalipas pero hindi ko parin nakakalimutan yung pangyayaring yun

Tumakbo ako papunta kay Jag pero tumalikod ako, "Kapag sinundan niyo ako, ipapatapon ko yung cake" pananakot ko sa kanila. Natahimik naman sila at hindi nga sumunod

Sinundan ko si Jag hanggang sa napunta siya sa garden at naalala ko doon yung nahulog ako sa fountain dahil pesteng daga na yun.

"Jag.. ipaliwanag mo na sa akin ang lahat. Wala pa akong kaalam alam sa kalagayan ko at mukhang mas may alam ka tungkol dito" habol ko sa kanya. Umupo siya doon sa table kung saan kami nagchess at kung saan naahulog yung chess pieces ni Lolo -___-

Nagsign naman ako na umalis muna yung mga guards para makapag usap kami ng maayos ni Jag. Umupo ako sa tapat niya at nakita ko naman na napabuntong hinga siya, "Gusto mo talagang malaman?" tanong niya kaya tumango ako. Gusto kong malaman ang nalalaman niya sa mga 'kalahi' ko

"Nalaman ko ang pagiging bampira mo noong napansin ko yung pulang mata mo. Dahil sa nagbabasa ako ng libro, yun na ang hinihintay kong senyales na baka bampira ka. Nagtaka ako kaya ginawa ko yung... yung sugat sa braso mo" tahimik lang akong nakikinig sa kanya

"Si Ledgas, konti palang ang nasasabi niya sayo diba?" tumango ulit ako. Malamang alam niya kasi alam niya na kinagat ako ni Ledgas, "Nalaman mo na rin na nagkasakit siya noon at nagdesisyon ang pamilya niya na gawin siyang bampira." tango lang ako ng tango.

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon