Vampire Princess 8 - Last Day

5K 96 5
                                    

"Hindi ganyan." parang naiinis na ata siya "Wag mo kasing titignan yung paa natin. Dapat sa mga mata ko ang tignan mo para wala kang maisip na iba" sabi niya.

Tumingin ako sa mga mata niya at tumibok na naman yung puso ko kaya umiwas ako ng tingin. Ramdam ko tuloy na namumula na yung mukha ko, lalo na at hawak niya pa yung kamay ko at bewang ko, "Hahaha. Ganyan din ako noong tinuturuan ako. Naiilang ako sa nagturo sa akin"

Napatigil ako at nagtaka siya sa kinilos ko. Naiilang siya. Sabi niya malapit lang yung mahal niya sa kanya. Siya kaya yung babaeng nagturo noon kay Jag? Siya ba yung babaeng gusto ni Jag?

"May problema ba?" tanong niya. Hindi ako sumagot. May mahal siya. At dapat hindi ko na pakialaman yun

Ahhhh! Noo! Wala akong gusto kay Jag! No, nope, nope.

Ngumiti ako ng pilit, at hinawakan ng mahigpit yung kamay niya, "W-wala, ipagpatuloy na natin" sabi ko sa kanya

Hindi ako makatingin sa kanya at hindi naman siya nagsalita kaya siguro naintindihan niya na naiilang ako. May mahal siyang iba. At bukas na yung.. yung kaarawan ko. Yung engagement party namin. Pag nagkataon ba na naimbitahan yung babaeng yun, magagalit ba siya? Magseselos—

"Omph"

Binitawan ko yung kamay ko sa kanya at yumuko, "Sorry" sabi ko sa kanya.

"Okay lang. Haha" sabi niya at nagkamot ng batok

"Naapakan ko yang paa mo tapos okay lang? Hoy. Umayos ka nga" sabi ko. Biglang nagseryoso yung mukha niya

"Hindi ba dapat ikaw ang umayos?" umiwas ako ng tingin. Napansin na naman niya yung naiiba kong kilos. Khine huwag mong ipahalata!

"Oo na. Tara ituloy na natin" sabi ko nalang

"Hindi na. Siguro pagod ka nga. Mamaya nalang natin ituloy ang pagsasayaw" sabi niya at tinalikuran ako. Bakit ganun na naman siya sa akin, "Alam ko naman na naiilang ka sa akin" tapos umalis na siya. Bigla bigla nalang nag iiba ang ugali niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Yun ba ang dahilan kung bakit hindi ko magawa ng maayos yung pagsasayaw ko kanina? Iniisip ko lang naman kung... sino yung gusto niya.

Iniisip ko yung engagement party. Alam ko na napipilitan siya sa ginagawa niya. Pero paano na yung mahal niya? At paano naman ako na may gusto na kay Jag? Dapat ba akong matuwa?

Napabalikwas ako ng tingin nang may tumunog na bagay sa mesa dito. Wahhhh. Ano to? Bakit ito tumutonog? Hindi akin ito kaya malamang kay Jag to. Kami lang naman kasi yung nasa kwarto. Lumapit ako doon at.. wala namang mali kung hahawakan ko diba?

"Hello!" masayang bati nung nasa kabilang linya.

"Yaaaa!" napasigaw ako nang may nagsalita sa kabila. Ano to?! Bakit may nagsasalitang lalaki sa bagay na to?!

Wala akong alam dito. Walang nakalagay sa libro ang tungkol sa bagay na ito. At hindi rin ako lumabalas ng bahay kaya hindi ko talaga alam T^T

Inilapit ko yung tenga ko sa bagay na ito para pakinggan yung boses, "H-hello?" tanong ko

"Hello? Bakit naging babae ka na yata na sumisigaw Jag?" sabi niya kaya natawa ako. Kilala niya si Jag... sino kaya ito?

"Uhhhhh... sino?— Oh! Khine Alona Ecahausta." pagpapakilala ko, "Kung si Jag ang hinahanap mo, lumabas siya saglit" patuloy ko

Hindi siya nakapagsalita. Hala, may nasabi ba akong mali? Masasalita na sana ako nang... "Khine!! Nako! Gusto na kitang makilala! Ako nga pala si Hegamon Jahebas. Pwede mo akong tawagin na Mon. Prinsipe ng Owhana Kingdom!" sigaw niya, "I mean, okay ka lang ba? Napasigaw ka kasi nung nasagot mo yung tawag ko,"

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon