Vampire Princess 25 - When She Finds Out

3K 70 3
                                    

"Teka... s-san mo n-nakuha yan? I-itapon mo n-nga. N-nakaka s-suka" sabi ni Mon Mon at tinakpan pa yung ilong niya.

Yan yung tela ng damit ni Jag na ginamit niyang panglinis sa dugo niya noong bilog na buwan. Ang pagkakaalam ko ay itinapon ko yan sa lugar na walang makakakita. Kapag nalaman ng mga maid na may dugo kung saan, magsusumbong sila kay Mom kaya... paano niya natagpuan yan?

"Tsk. Kumakain kami Sunshine. Mahiya ka naman" cold na pagkakasabi ni Jag

"Oppss. Sorry." sabi niya at nilagay sa plastic bag na nasa kabilang kamay niya, "Natagpuan ko lang naman ito sa kwarto ng mahal na prinsesa." tapos tumingin siya sa akin at ngumisi

Tatayo na sana ako nang paupuin ulit ako nj Jag. Posible kayang, alam ni Sunshine ang katauhan ko? Hindi dapat ito malaman ng iba..

"Siguro..." sabi niya at parang nag iisip pa. Kinakabahan ako sa kanya. Baka alam niya, "Tinamad lang ang mahal na prinsesa na ibasura ang naisuka niyang dugo. Tama, tama" sabi ni Sunshine at naglakad palapit sa akin

Kahit na naluwagan ako sa sinabi niya, hindi parin ako komportable ngayong nasa harap ko siya, "Yun ba?" mapaglarong tanong niya at nagmadaling umalis dito sa kwartong ito

Hinimas naman ni Mon Mon yung likod ko at ako... hindi ko alam. Hindi ako makapag isip at makapagsalita ng maayos habang siya yung kaharap ko. Parang may kakaiba talaga sa kanya

At posible rin na alam niya na pero ayaw niya lang banggitin sa akin. Ayaw niya rin siguro gumawa ng gulo dahil nandito sina Mon Mon. Mabuti naman at may konsensya din yung baabeng yun. Tsaka.. bakit pumunta siya sa kwarto ko? Anong karapatan niya?! Nakikituloy lang siya ah

"Okay lang yan. Ikain mo nalang" sabi ni Jag na sinusubukan pang pagaanin yung paligid. Kumain na lang ako kahit na nawala na yung gana ko. Tsk. Delikado yung babaeng yun.

"Pupunta muna ako sa kwarto ko" sabi ko sa kanila pagkatapos kong kumain. Tumango naman silang tatlo pero hindi kasali doon si Jag. Nakita ko sa mga mata niya yung pag aalala. Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta nalang sa kwarto ko

Nalaman niya ba agad simula nung unang pagkikita namin? Kaya nagkalikot siya sa kwarto ko? Pero paano siya nakapasok? May mga guwardya na nakapaligid. Hangga't wala akong sinasabi, walang makakapasok.

Pwera lang kung... magsisinungaling ka. Tsk. Yung babaeng yun talaga! Argh! Nakakainis!

Pagkapasok ko, halos malaglag ko sa nakita ko. Pinag uusapan lang namin siya kanina. Tapos iniisip ko pa siya. Ngayon naman nasa kwarto ko si Sunshine. Anong ginagawa niya dito? Grabe na ha! Masyado na niyang sinisira ang araw ko!

"Khine..." nanlambot ako sa narinig mula sa kanya. Yung dating kunot na noo ko, napalitan ng pag aalala

Hindi siya nandito para gumawa ng away. Nandito si Sunshine para kausapin ako

Yung boses niya. Parang nanghihina na nagmamakaawa na parang may gustong sabihin, "May sasabihin—"

"Ate Khine!" naputol yung sasabihin niya nang narinig ko si Dhine kaya napatingin ako sa kanya Tumakbo ako papunta doon at niyakap siya. Para kasing hindi ko siya nakita ng ilang araw eh

"San ka ba nagpuntang bata ka." sabi ko sa kanya at ginulo yung buhok niya. Nagpout pa siya.

"Ano ka ba ate. May inasikaso lang ako." sabi niya at napatingin sa may likuran ko. Ay di ko nga pala napapakilala

"Dhine, siya si—"

"Kilala ko ate" sabi niya at nakatitig lang kay Sunshine. Saan naman sila nagkakilala?

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon