Vampire Princess 5 - Day 4

5.5K 126 6
                                    

Tatlong araw bago ko ipagdiwang ang kaarawan at coronation ko. Lahat na naghahanda para doon. Hindi ako tinanong ni mom at daw kung ano ano yung mga pagkain at yung itsura ng damit ko. Pati yung kabayo ko, si Ayn, hinahanda na nila.

At yung pana.

"Hoy! Bakit ka nandito?" naiiritang binanggit ko sa kanya at sinundan ako. Papunta kasi ako sa maze garden. Kahit na nandito yung nakakahiyang moment na nangyari sa akin, gusto ko parin makita yung mga kulay ng bulaklak para kumalma ako

"Masama ba na bisitahin ang mahal na prinsesa?" tapos umupo siya sa tabi ko pero lumayo ako

Humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masama, "Hindi. Pero kung ikaw, nabwibiwisit ako. Kaya pwede ba, hayaan mo na ako dito" sabi ko

Pero imbes na umalis na siya, inutusan niya yung maid. May ipinakuha ata

Psh. Wala akong pakealam. Basta gusto kong umalis na itong Jag sa garden na toh. Bakit ba siya nandito? Inutusan na naman ni mom? Ayoko nga diba? Kaya kong gawin mag-isa ang mga challenges

Napatingin ako sa fountain. Tapos biglang nagflashback yung nangyaring hindi niya pagtulong sa akin. Yung tinakot niya ako. Yung pinagtawanan niya ako

Dumating na yung maid na may dalang bag. Tapos ngumiti si Jag nang nakakaloko. "Wear this." tapos binigay niya yung itim na... armband? Tumingin ako sa kanya na parang... ano ang nangyayari?

"If you don't mind, archery for today" sabi niya at iniwan akong nakatunganga dito. Ano sabi niya? Archery?

A-archery?

"Three days my princess! Meet me in the lawn infront of the forest!" sigaw niya umalis gamit si Jagger.

"Teka!" sigaw ko pero nakaalis na siya. Napayuko ako, "Dahil ba ito sa kaharian ko? O gusto mo akong mapahiya? Bakit Jag?" sabi ko sa sarili ko

Bakit? Bakit ba sinasabi nalang nila ang kailangan kong gawin? Prinsesa ako diba? Bakit ako nagiging sunod sunuran? I'm twenty and I should be deciding for myself.

Hindi na ako nagbihis at naglakad na paalis ng castle and the guards are following me again, "Please stop" sabi ko sa kanila. Dumiretso ako sa paglalakad pero nakasunod parin sila.

Ano ako? Magnanakaw?! Makasalanan?! Na dapat may guwardya na nakapaligid sa akin? Tamad ba ako kaya may katulong ako?!

"Pwede bang iwan niyo nalang ako?! Yung lawn ay nasa tabi lang nang kastilyong to! Kaya ko ang sarili ko!" sigaw ko sa kanila

"But.. we need to protect you—" sabi nung isa kaya mas lalo akong nagalit

"Ako ang prinsesa kaya ako ang masusunod!" wala na silang nagawa. Muntik na akong umiyak. Muntik ko nang ipakita na mahina ako. Na hindi ko kaya ang sinasabi nila.

Nung nakarating ako doon. Kinuha ko agad yung pana at sinimulan na ang paggamit nito.

"Khine?" Jag

Pinapanood ko si dad kaya hindi pwedeng hindi ko alam ang paggamit nito. Ilalagay mo lang yung daliri mo sa string tapos hihilain... tapos bibitawan.

"Princess..."

Hindi. Nagkamali lang yung pana. Hindi ko kasalanan kung tinaboy ito ng hangin.

"I can do this" sabi ko at sumubok ulit ng isa. Lalapit na sana si Jag nang binitawan ko na yung string.

Pero nagkamali ulit ako

"Khine.."

"Sinabi ko naman na kaya ko diba?" nanlalabo na yung paningin ko. Ayoko. Ayokong ipakita sa kanila na hindi ko kaya. Pinunasan ko ito gamit yung braso ko.

Binitawan ko ulit yung string. Tapos.. tapos.. "Bakit ba hindi niyo ako hinahayaan na gawin kong ano ang gusto ko?! Bakit?!" sigaw ko at binato yung pana na hawak ko. Napaupo ako at doon na umiyak.

Nilapitan ako ni Jag. Tumingala ako para makita ko siya. At yung tingin niya...

Yung tingin niya sa akin... kinaaawaan niya ako.

Porket alam niya lahat ng ito at magaling siya?! Sya na ang magaling! Ako ang walang alam

Kinaaawaan niya ako dahil hindi ko kaya ang mga ginagawa nang mga prinsesa?!

"Sinong may sabi na maawa ka Jag? Ang yabang mo! Ikaw na ang nakaka alam ng lahat. Kayo na ang may kakayahn na gawin kung ano ang gusto niyong gawin," hinampas ko yung dibdib niya at nagpatuloy parin sa pag iyak, "Hindi mo ba alam ang sitwasyon ko?" sabi ko sa kanya at pilit niya akong pinapatayo.

"Hindi ko alam kung bakit ako pa ang magiging prinsesa! Dahil ba sa ako ang panganay na anak ng Ecahausta! Pwede namang si Dhine diba? Bakit? Bakit ako pa?!" sigaw ko at pinagpatuloy ko ang pag iyak ko

Wala na akong pakealam kung mahina ako. Sinubukan ko naman ang lahat diba? Bakit hindi ko parin magawa?

Hinayaan ako ni Jag na umiyak. Umupo din siya sa tabi ko at nakaharap siya sa akin.

Pero hindi ko inaasahan ang ang ginawa niya. Napatigil ako sa paghagulgol. Nagtaka ako sa ginawa niya

Bakit ba gainito ang kinikilos niya?

"Hindi ako gaya ng iniisip mo Khine. Oo alam ko na mayabang ako. Pero yung mga ginagawa ko sayo, para sa ikinabubuti mo" sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin. May kumakalikot na naman sa tiyan ko. Pero hindi ko yung pinansin at niyakap siya pabalik

Ang sarap sa pakiramdam

Someone's POV

Pinapanood ko silang magyakapan habang nakaupo sa lawn.

Umiiyak na naman siya.

Pero hindi na ako ang nagpapatahan sa kanya.

"Hanggang kelan mo ba siya papanoorin?" napatingin ako sa kanya at tinignan siya nang masama, "Hindi mo siya makakasama kasi magkaiba kayo. Magkaibang magkaiba" sabi niya

Tumingin pa ako nang saglit sa kanya. Nakangiti na siya at tumatawa sa tulong nang lalaking yun. Umalis na ako doon

Balang araw.

Makakasama din kita, Khine Alona Ecahausta

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon