Vampire Princess 11 - Dancing Queen

4.6K 92 2
                                    

Kasalukuyan kaming nakatayo ni Dhine dito sa tabi ni mom at dad. Tahimik nilang pinagmamasdan ang mga bisita namin

Hindi ba sila masaya sa nagawa ko? Nagawa kong malampasan yung pagsusubok nang walang problema. Hindi ko sila pinahiya

Lahat ng mga bisita namin ay kumakain at nakikipag usap lang sa isa't isa. Hindi pa ako nakakakain dahil kailangan kong tumayo sa tabi nila para ipresenta ang kaharian namin

"Pumunta ka na, mahal na Prinsesa" may pang aasar sa boses ni mom kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya ng nakakaloko kaya umirap naman ako at umalis na sa tabi nila. Prinsesa daw. Psh

Gusto kong tumakbo para makakuha na ng pagkain pero baka matisod na naman ako at mahulog. Naglakad ako hawak yung dress at napansin ko na nakasunod na naman si Jag sa akin.

Mukhang nakatakas din siya mula sa mga magulang niya.

"Onii-chan!"

-_-

Maganda na sana na makapag moment kami ni Jad pero nakita ko na naman yung batang lalaki na nasa likod niya, "Onii-chan. Gusto ko nang chocolate" sabi niya. Mahilig ba to sa matatamis? May hawak hawak kaya siyang lollipop tapos gusto niya pa ng chocolate?

"Ano ang gusto mong kainin mahal na prinsesa? Maaari niyong sabihin sa akin para maikuha kita" pormal na sinabi ni Mon Mon kaso binatukan siya ni Jag

"Fruit salad" sabi ko nang may ngiti. Para maakit siya. Hahaha!

Agad naman siyang tumakbo doon at naiwan kaming tatlo dito. Ngayon ko lang napansin na puro lalaki na yung nakikilala ko dito. Si Mon Mon, si Ilecs, at si Jag. Parang wala namang gustong makipag kaibigan sa akin na babae. Hindi bale, meron naman ang katapid kong si Dhine. Kahit na pasaway siya, tinuturing ko parin siyang kaibigan

Baka naman maging kaibigan ko yung babaeng mahal ni Jag? Argh! Tama na pagseselos, okay Khine?

Kailangan kong tanungin kung sino yung babae na nagturo kay Jag. Kung tanungin ko kaya kung inimbita miya? Tama tama. "Uhmm.. Nandito ba yung babaeng... nagturo sayo?" sabi ko sa kanya. Ngumiti siya nang pagkalaki laki at tinuro yung babae

Nung tinuro niya, sinundan ko nang tingin.

Umiwas ako ng tingin ng makita ko yung babae. Ang ganda nung babae. Mas maganda pa kesa sa akin.

Pero sinamaan ko nang tingin kung sino man yung nakakapit sa likod ni Jag, "Kung ano ano iniisip mo. Matanda yung tinuturo niya. Yun oh!" Sinundan ko nang tingin yung babaeng itinuturo ni Ilecrs. Katabi nung magandang babaeng yun, isang masaya na matanda naman ang nakita ko

"Ah.." maikling sagot ko at napayuko. Nakakahiya naman nun..

Ang ibig sabihin, iba ang mahal ni Jag? Sabi niya ay napakalapit sa kanya. Kung hindi yung matandang babae na yun, sino? Hindi naman nanay niya. Wala naman siyang nababanggit na ibang babae. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti

May kumalabit sa akin kaya napalingon ako. Inabot sa akin ni Mon Mon yung hawak hawak niyang fruit salad, "Salamat" sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya kasi may pagkain sa bunganga niya

Kumain na ako. Ang sarap sarap talaga nang fruit salad *~*

"Ang tagal mag start" bored na sinabi ni Jag. Yung sayaw ang tinutukoy niya. Pagkatapos ng coronation ang start. I wonder kung sino yung babaeng unang isasayaw niya

Napatingin ako sa giant wall clock habang kumakain. Malapit na. Ito na nga lang titignan ko habang kumakain.

Pero napapansin ko na habang papalapit yung pagpitik ng orasan ay mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung sino yung babaeng unang isasayaw ni Jag. Yung babae este yung matanda ba?

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon