Vampire Princess 18 - His Blood

3.5K 70 0
                                    

"Ano ang masasabi mo... tungkol sa mga bampira at lobo?" hindi ko alam kung matatakot, magugulat o magiging masaya ako sa sinabi niya ni Ilecs. Bigla bigla nalang niya akong tatanungin tungkol sa mga nilalang na yun. Tapos ang mga ngiti ngayon ni Ilecs na parang may balak siyang gawin sa akin.

"W-wolves? V-vampires?" hala. Nauutal na ako. Hindi nila pwedeng malaman kung ano ako ngayon o sa kung ano ang nalalaman ko, "A-no yung mga yun? M-meron pa bang ganun n-na nabubuhay? Nakakatakot ka ha Ilecs" pagkukunwari ko sa kanya.

Yung matalim na tingin niya sa akin ay napalitan ng takot. Niyakap niya ako, "Onee-chan! Waahhhh! Natatakot din ako! Natatakot ako Onee-chan" sabi niya at parang iiyak na yata dahil sa boses niya.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa narinig mula sa kanya. Hay. Nagkamali ako. Iba lang siguro ang mood nila ngayon kaya ako natakot sa itsura ni Ilecs.

Syempre, imposible naman na maging bampira sila. O kaya naman mga lobo

Teka.. wolves. Narinig ko na yan ah. Galing kay... kay... Ledgas! Tama!

Sinabi niya na aatakihin ng wolves ang mga bampira. Ang ibig sabihin, magkalaban sila. Magkakalaban ang wolves at bampira. Pero bakit?

"Oh" napatingin kaming lahat kay Jag na may bitbit na bag sa likod niya. Sa likod niya ay ang madaming guwardya na may hawak hawak na mga maleta. Napansin ko naman yung ibang guwardya na galing sa kaharian nila Mon Mon at Ilecs dahil sa suot nilang uniform. Hindi kasi pwedeng magkakapareho ang mga uniforms ng guwardya sa mga iba't ibang kaharian.

"Ano yan? Bakit may mga maleta diyan?" tanong ko sa kanila. Hinawakan ni Monmon yung pisngi ko na ikinagulat ko. Ibinaba niya pa yung kamay niya sa may baba ko sabay ng ngiti niya kaya kinilabutan naman ako. I-inaakit niya a-ako! Wahh!

"Hegamon.." banta sa kanya ni Jag kaya napangisi si Mon Mon at tumawa,

Inalis na niya ang kamay niya sa may pisngi ko at itinaas ang dalawang kamay niya kay Jag, "Chill lang tol! Hahaha. Nagbibiro lang ako" sabi niya pero seryoso parin si Jag

"Hindi yun magandang biro." sabi niya at tinignan yung mga guwardya sa likuran niya, "Ilagay niyo na yan sa magiging kwarto namin."

Wah...

Magiging kwarto?! Dito na sila matutulog?! Bakit?! May balak ba sila sa akin?! Wahhhh!

"Princess Khine, mag usap tayo" napabalik ako sa diwa nang marinig ko yung seryosong pananalita ni Jag. Ano na naman ba problema niya? Aangkinin ba nila itong kaharian ko?

Napadpad kami sa lawn. Sa malayo pa talaga niya ako hinila? Oo, hinila niya ako. Peste. Matatanggal na yata yung kamay ko eh. Tsaka, bakit ganito pa kalayo ang pinunta namin? Ganun ba kaseryoso ang pag uusapan namin?

Tumigil siya sa paglalakad kaya inalis ko naman yung kamay ko sa pagkakahawak niya,

"Titira na kami di—"

"Halata naman diba?" pagsisingit ko sa kanya. Tsk. Masapak ko na kaya yung mukha niya noh?

Hindi na siya nagsalita at umupo nalang sa lawn. Hays. Prinsipe ba talaga toh?

"Kailangan ka naming protektahan" eh? Ano ulit? Hindi yata gumagana yung pandinig ko sa binulong niya eh

"Aish. Bahala kayo sa buhay niyo. May pupuntahan pa ako" sabi ko at naglakad papunta sa direksyon ng gubat kung saan ako tumakbo noon. Kung saan nagsimula ang pagbabago sa sarili ko

Gusto ko kasing makita si Ledgas. Gusto kong ipakita niya sa akin ang kaharian niya. Yung mga tao niya. Yung pamilya niya.

Napatigil nalang ako nang hawakan ni Jag yung kamay ko. "Bakit ka diyan pupunta?" kahit na nagtatanong lang siya, nandoon yung pag aalala niya sa akin at yung pagtataka kung bakit doon ako pupunta.

"Naalala ko kasi na nahulog yung sapatos ko--"

"Palusot mo," sabi niya at hinila na naman ako sa ibang direksyon. -_- Trip niya atang tanggalin yung kamay ko

"Bakit na naman ba, Jag?" tanong ko. Pero nagpatuloy lang siya sa paghila sa akin. Aba. Wala ba siyang tenga?

Naramdaman ko na napahigpit yung pagkakahawak niya sa akin tapos umiwas siya ng tingin kaya nagtaka ako, "Bakit?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko. Anong bakit? Nasisiraan na yata ng ulo to

"Bakit hindi ka nasasaktan?" tanong niya kaya hindi ako nakapagsalita sa tanong niya. Ito na ba ang katapusan ko? Malalaman niya na ba kung ano ako? Papatayin niya ba ako dahil malalaman niya na bampira ako? Hindi ko yun hahayaan

"W-wala namang masakit... tsaka anong... nasaktan?." kalmadong sagot ko. Pero sa koloob looban ko, nanginginig na ako sa kaba. Wala talaga akong alam sa sinasabi niya. Kung may sugat nga ako, bakit hindi ko nararamdaman? Dapat may dugo na diba? O baka naman naghilom na. Sana talag walang mangyare na ikakapahamak ko

Hawak hawak niya parin yung braso ko. Napabuntong hinga siya at inikot yung kamay ko dahilan para makita ko yung sugat na tinutukoy niya. Hindi siya malaking sugat. Parang kalmot lang ng pusa yun. Hindi pa naghihilom kaya pinapalanangin ko na wag pa sanang sumara.

Binawi ko naman yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya at pinagtuunan na ng pansin yung galos, "H-hinahawakan mo kasi ng m-mahigpit. Syempre wala akong mararamdaman k-kasi namamanhid sa pagkahigpit ng hawak mo—" wahhhh. Ngayon nararamdaman ko na yung sakit T^T

"Patawad napahigpit ang hawak ko." sabi niya. Ngumiti nalang ako sa kanya kaya nagsimula na siyang maglakad. Napatingin naman ako sa sugat ko. Saan ba kasi ito galing? Aish

Nag iwan siya ng panyo sa kamay ko para matakpan ko yung sugat ko. Unti unti na rin itong sumasara pero binalot ko nalang yung sugat ko para hindi rin nila makita na nahilom na agad yung sugat

Pero nakakapagtaka lang kasi.. bakit ako nagkaroon ng ganitong sugat sa braso ko? Hindi naman ako natuloy sa gubat at tanging si Jag lang ang humawak sa braso ko nung pinigilan niya ako. Sa pagkakatanda ko, hindi naman matulis yung mga kuko niya.

Agad akong tumakbo papunta sa palasyo nang hindi iniintindi yung damit o sapatos ko.

Dugo...

May naaamoy akong dugo

Mabuti nalang at nauna na si Jag na pumasok bago ako. Baka kasi mahahalata niya kung bakit nagmamadali akong pumasok.

Agad kong pinuntahan si Ilecs at Mon Mon sa kwarto na binigaysa kanila. Dito ko naaamoy kung saan nanggagaling yung dugo.

Nagulat si Mon Mon at Ilecs noong nakita nila ako na pumasok sa kwarto nila. Pero buti nalang, napigilan ko ang sarili ko at pumunta sa may banyo para kunin yung first aid kit at binigay yun kay Mon Mon.

Nakakailang at nakaka... nakakatakam..

Yung dugo na nasa tuhod ni Ilecs. "H-hindi k-ko a-alam kung paano eh" sabi ko kay Mon Mon habang nakatingin sa malayo. Tinanggap niya naman yung first aid kit na inaabot ko at ginamot na yung sugat ni Ilecs

Pigilan mo sarili mo Khine. Naman... hindi dugo ang kailangan mo!

Tapos.. tapos.. nawala na yung amoy dugo kaya lumuwag yung kalooban ko. Umupo ako sa tabi ni Ilecs at inayos yung buhok niya.

"A-ano bang ginawa mo Ilecs? Hindi pwede sa prinsipe ang magkasugat" sabi ko sa kanya. Umiwas lang siya ng tingin kasi ang alam ko, hindi siya sanay na pinagsasabihan. Tapos kumakain pa siya ng marshmallows

Hindi ko lang alam pero nakikita ko kasi si Mon Mon sa gilid ng paningin ko na iba yung tingin niya sa akin.

Masama ito. Nagdududa na sila sa akin.

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon