Vampire Princess 34 - Love

2.7K 59 0
                                    

Dhine's POV

Sana hindi lumabas si Khine. Sana hindi lumabas si Khine. Ligtas siya sa loob at ayokong makita niya ang lugar kung saan madami na ang namatay

"Anong iniisip mo, mahal na prinsesa?" pang aasar ng babaeng ito sa akin

Kung mapapatay ko siya, mawawala ang isa sa pinakamalapit na bampirang konektado kay Ledgas. Ang tagapayo niya lang naman ang isa sa pinakamalakas na bampira sa angkan nila. Isa pa, kapag napatay ko siya, binibigyan ko na si Ledgas ng isang pabor. Alam ko naman kung gaanong gustong patayin ni Ledgas ang babaeng ito

"Dhine," pagpapakilala ko, "Dhine Ecahausta," nasugatan ko siya sa binti niya at nasuntok ko ang labi niya

"Fay," pinunasan niya ang labi niya at sumugod na naman sa akin

Naamoy namin ang dugo ni Jag. Nasugatan siya at mabagal ding naghihilom ang sugat niya. Tsk.

"Jag!" pagtatawag ko sa kanya. Umatras naman ako palayo sa babaeng ito at tatakbo na sana papunta sa kanya nang itinaas niya ang kamay niya. Bakit kasi ayaw niya kasing gumamit ng blessed weapon? Tsk. Alam niya naman na wala siyang laban kay Ledgas kung normal lang na espada ang gagamitin niya. Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig kay Ledgas?

Labanan ito at wala nang paraan pa para kausapin ng matino si Ledgas. Hinding hindi na magbabago ang utak ng bampirang yan

Ano ba talaga ang gusto niyang mangyari? Bakit gustong gusto niyang kunin si Khine?

"Paano kaya kung bigyan mo naman ng payo ang mahal mong prinsipe na sumuko nalang sa laban na ito?" pangsusumbat ko kay Fay

"Ah. Sinubukan ko na pero, wala talaga eh," parang nadismaya siya, "Gusto ko pa man din patayin ang kapatid—" napatigil siya sa sinasabi niya, "Wops"

"Ano?!" nawala ang atensyon ko nang marinig ko ang ungol ni Ilecs

Napatingin sa gawi kung saan si Ilecs at napansin ko na dumadami na ang kalaban niya

"Jag! Mas dumadami sila! Hindi natin to kaya!" sigaw ko habang iniiwasan na ang atake ni Fay.

"Ang prinsesa ng mga lobo..." rinig kong pagtatawag ni Ledgas sa akin kaya napatingin ako ng masama sa kanya. Sa pag iwas ko ng tingin ay nakatakas si Fay

"Tsk." itinutok ko ang espada ko sa kanya at dahan dahan na lumapit sa kanya.

Sa pag-ungol ni Hegamon at Ilecs ay napatigil ang mga bampira sa amin. Humarang naman sa harapan ko si Jag

"Wag mong sasaktan ang prinsesa namin" matigas niyang sinabi habang sinesenyasan niya akong umalis na

Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Jag at hanapin si Fay. Sa paghahanap ko sa kanya ay iba naman ang nahanap ko

Naamoy ko na rin ang pamilyar niyang amoy

Bakit siya lumabas? Ano ang nangyari kay mom?

"Tumigil kayo!"

Khine's POV

"Tumigil kayo!" sigaw ko sa kanila.

Napatigil ang lahat sa paglalaban. Nakita ko ang mga katawan na nakahandusay. Mga dugo sa bawat parte ng nakikita ko. Mga lobo at bampirang nagpapatayan.

Napaluhod ang lahat bampira nang makita nila ako. Hindi ako pumayag bilang prinsesa nila. Hindi ko hahayaan na mangyari ito

"Ako lang naman ang dahilan kung bakit kayo nag aaway diba?!" naglakad ako papunta sa gitna hanggang sa makita ko si Legdas. Nakita ko naman ang isang itim na lobo sa harap niya, si Jag, "Hindi ko alam kung ano ba talaga ang rason ninyo pero alam ko na ako ang dahilan. Kaya kung ako lang naman ang dahilan—" nilabas ko ang hawak kong isang silver na dagger at itinutok ito sa leeg ko

Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon