II. The Clock

30 4 0
                                    

╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
The Clock
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝

You may have a brilliant idea for a story. Once you add a time pressure on top of it, you have moved to the genre of thriller. Clock refers to the fact that when time pressure is applied to any character's struggle, that will create much higher stakes, which makes the experience of the reader more interesting.

The way you add the time pressure depends on your characters and their world. There are thousands of ways to add time pressure but don't be afraid to use standard clock elements like ticking bombs or villains who manage to stay one step ahead. The goal of this element is not to be original, but to invest a sort of pressure to prompt conflicts and intense responses from your characters.

━━━━━━━━━━━━━━━

Ibig sabihin nga nito, maglagay ka ng time pressure sa mga chapters o sa mga scene para mas maging suspense ang mga happenings. Sabi nga, depende sa characters ang time pressure, huwag basta-bastang i-add ang time pressure kung hindi naman accurate sa scenes. Kunwari ganito:

Correct time pressure:
Mayroong zombie apocalypse, na-trap ang bida sa isang kuwarto, laboratory, elevator o kung saan pang gusali. Pangalanan natin ang bida na Shanna, sinusubukan ni Shanna na kumawala sa kung nasaan siya, humahanap siya ng paraan para makalabas ngunit hindi niya alam, habang nakatalikod siya at tumatawag sa telepono, may mga zombie na sa labas. Sabihin na nating mayroong daan sa kisame, usually may mga ganito sa mga movies, nabubuksan ang kisame ng bahay tapos doon papasok o lalabas ang bida para makaligtas sa mga villains.

Habang sinisipat ni Shanna ang kuwarto kung saan siya nakulong ay rinig na rinig niya na ang mga sigaw ng mga zombie, halos mawasak na rin ang pinto sa pagkakalabog nila rito. Mas binilisan niya ang kilos upang makalabas sa kuwartong iyon. Nang mapansin niyang may parang bukasan sa taas ng kisame ay agad siyang tumungtong ng upuan, nanginginig ang mga kamay at paa niya. Hindi siya makakapit nang maayos sa kisame dahil hindi maalis ang tingin niya sa pintong kita na ang crack na ano mang oras ay mabubuksan na.

Sa ganitong sitwasyon, mas magkakaroon ng tension sa scenes dahil mas mati-thrill ang readers. Kakabahan na sila kung magbubukas ba ang pinto at makakain ng zombies si Shanna o makakaakyat ba siya sa taas bago sila tuluyang makapasok.

━━━━━━━━━━━━━━━

Incorrect time pressure:
May zombie apocalypse pa rin, si Shanna pa rin ang bida. Nasa isang hallway siya, mabagal na naglalakad kahit alam niyang anytime ay maaari siyang atakihin ng zombie. Yes, p'wede naman 'yon upang hindi siya marinig ng mga ito kung tatakbo siya, pero kung marami ang zombie tapos mabagal pa siyang kumilos, talagang mahuhuli siya ng mga ito at mamamatay agad ang bida kahit wala pa sa kalagitnaan ng kwento. Hindi masasabing time pressure iyong pagkamabagal niyang kumilos kahit ramdam niyang may zombie na likod niya, magiging plot hole pa iyon.

Tandaan, iayon ang time pressure sa karakter at kilos nila, idepende ito sa lugar at sa mismong sitwasyon. Gawing makatotohanan ang time pressure at kung paano ito ie-execute, thriller is not supposed to be pure fiction. Readers won't enjoy it if it's full of plot holes.

════════ ××× ════════

Source of information: https://writingcooperative.com/anatomy-of-a-thriller-dan-browns-rules-for-storytelling-fee7a94ac843

If you have questions, please don't hesitate to ask. Thank you.








Behind The MaskWhere stories live. Discover now