V. Memorable Locations

13 4 0
                                    

╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
Memorable Locations
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝

Writing thrillers is exciting because of the wide variety of settings you can explore as a writer. A clear and detailed location is an essential part of writing a good thriller. This isn't to say that your novel can't explore numerous physical locations and time periods, but you should be sure that each place feels full and lived in. Your readers should feel as if your characters are inhabiting a rich and detailed world; they should be able to picture the physical environment in which your action unfolds.

━━━━━━━━━━━━━━━

Sa parteng ito naman natin pag-aaralan ang settings o iyong lokasyon na pagdadausan ng mga scenario mo. Saan ba magaganap ang pagpatay? Sa bahay ba ng biktima? Sa hideout ng killer? Sa isang tagong lugar dahil k-in-idnap siya? Sa mataong lugar nang hindi nahuhuli?

Sabi rito, essential o mahalagang parte ng isang magandang thriller story ang detailed location o detalyadong lugar na paggaganapan ng mga pangyayari. Dito na papasok iyong tinatawag nating 'show vs. tell'. Kung ikaw ay isang manunulat at nagpupunta ka rin sa mga critique shop upang magpa-critique sa mga critic, maaaring sinasabi rin nila sa iyo iyong show vs. tell. Ngayon, paano ba papasok ito sa araling ito para masabing detailed iyong pagkakasulat mo sa lugar na tinatayuan ng mga karakter?

Ang show vs. tell ay iyong kung paano mo isinulat ang isang sitwasyon. Show kung ito ay isinulat mo sa pamamagitan ng paglalarawan sa isang sitwasyon, kadalasan itong ginagamit kapag Third Person's POV, walang mga dayalogo rito dahil nga ipinapaliwanag mo kung ano ang nakikita ng karakter mo. Tell naman kung ito ay inilarawan ng isang karakter, kumbaga hindi ito isinulat na parang may narrator, iyong mga karakter mismo ang nagsasabi sa mga mambabasa kung nasaan sila, ano ang hitsura ng lugar, at kung ano-ano pa tulad ng five senses.

Kadalasang sinasabi ng mga critic na mas mainam gamitin ang SHOW upang mas lumawak ang imahinasyon ng mga mambabasa, para mas maramdaman nila iyong mga pangyayari sa kuwento, kumbaga para mas malinawan sila at mas mabigyan ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa paligid. Hindi naman mali ang TELL, mainam din ito, so basically, dapat balanse lang ang dalawa. Ngunit gaya nga ng sabi ko, para maging epektibo ang thrill sa isang thriller story, I advise you to use SHOW than TELL. Importante rin kasing mailahad iyong five senses-smell, touch, hear, taste, and sight. Hindi naman lahat pero at least tatlo riyan.

Example of SHOW:
Sa paghakbang ng aking mga paa sa labas ng pintuan, naramdaman ko na kaagad ang matinding kaba. Ingat na ingat ako habang binubuksan ang kahoy na pinto dahil paniguradong lalangitngit ito, at kapag nangyari iyon ay mahuhuli ako ng k-um-idnap sa akin. Nanginginig ang mga paa't kamay akong lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ko'y tanging amoy ng lumang kahoy na lugar na 'to ang naaamoy ko, dagdag pa ang mga masangsang na amoy, parang maraming patay na daga o ano mang hayop. Napakadilim ng paligid, tanging sinag ng buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa daang tinatahak ko, palinga-linga ako sa paligid at baka nandito lang iyong humuli sa akin. May kalakihan ang lugar na ito, may mga nadadaanan akong pinto na mukhang mga kuwarto. May mga picture frame sa pagitan ng mga iyon ngunit walang mga litrato, sobrang maalikabok din ang mga bintanang nahahawakan ko, malambot ang sahig dahil tingin ko'y may carpet dito. Para akong nasa isang abandonadong bahay. Habang naglalakad palabas ay nakahawak lang ako sa pader at nangangapa, ramdam ko ang hapdi ng mga kamay kong nagdurugo dahil sa higpit ng tali kanina, hindi ko iyong pinansin kahit na nalalasahan ko na rin ang dugong tumutulo mula sa ulo ko. Hindi ko na napigilang mapaluha nang may marinig akong kaluskos sa labas, mabato yata sa labas dahil naririnig ko ang mga nagkikiskisang mga bato habang naglalakad ang kung sino man. Mabilis ngunit maingat akong naglakad palabas hanggang sa marating ko na ang pinto. Gan'on na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang kumatok ito.

See? Detailed, naisulat ang five senses, nai-describe kung ano ang hitsura ng lugar na dinadaanan niya, kung nasaan siya, kung ano ang nararamdaman niya, and etc. Mararamdaman mo rin iyong kaba dahil sa detalyadong paglalarawan.

Example of TELL:
Gumuhit ang napakalaking ngiti sa aking labi nang maputol na ang tali sa mga kamay at paa ko, ngunit nawala rin ito agad nang maramdaman ko na ang hapdi ng mga sugat ko dahil sa kutsilyong pinangtanggal ko sa mga tali. Agad kong kinuha ang cellphone na nakita ko sa ibabaw ng mesa. Nang mabuksan ko ito'y d-in-ial ko na agad ang number ni Archie para makahingi na ng tulong.

Habang nagri-ring ito'y palinga-linga ako sa paligid para makiramdam. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nag-iingat na huwag makagawa ng ingay dahil lumalangitngit na ang lumang kahoy na pinto. Mayamaya lang ay sinagot niya na ito agad. Pabulong akong nagsasalita habang maingat na lumalabas ng kuwartong ito.

"Hello! Shanna, nasaan ka?!" bungad niya mula sa kabilang linya. "H-Hindi ko alam, nandito ako sa isang a-abandonadong bahay. Basta marumi dito, mabaho, parang ang daming patay na daga o anong hayop. Hanapin mo ako, Archie, tulungan mo 'ko!" umiiyak kong sabi habang naglalakad palabas.

"Ita-track ko ang location ng cellphone mo. Can you describe me the place again? Nasa byahe na ako. Wait for me, Shanne, hold on."

Sumilip ako sa bintana kahit puno ng takot. Mas kinilabutan ako nang bumungad sa akin ang maliwanag na buwan. "Nasa tabi lang ng highway itong bahay, may garden sa harap na maraming kulay puting bulaklak, hindi ko alam. Tapos kulay pula iyong gate, may mga dilaw na ilaw sa taas. May mga nakikita akong picture frame sa mga pinto ng kuwarto pero walang pictures. Maganda itong disensyo ng bintana, wala ring salamin."

"May mga bahay rin ba malapit diyan?"

"W-Wala, gubat na iyong katapat ng bahay na 'to. Nasa liblib akong lugar!"

See? Maganda naman 'yong ganitong style kaso hindi talaga masiyadong advisable dahil limitado lang ang mga detalyeng mailalarawan mo dahil idedepende mo pa sa aksiyon at sitwasyon ng karakter.

Siyempre, para maging memorable naman iyong lugar na paggaganapan ng lahat, gawin mong unique. Maaaring sa gubat, restaurant, factory, jail, etc. Para mas maintindihan mo kung paano magiging detailed ang isang magandang lokasyon para sa Thriller story, basahin mo ulit iyong halimbawa ng show.

════════ ××× ════════

Sources of information:
https://www.masterclass.com/articles/how-to-write-a-bestselling-thriller-novel

If you have questions, don't hesitate to ask. Thank you.








Behind The MaskWhere stories live. Discover now