II. The Hero

19 4 0
                                    

╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
The Hero
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝

The main character the reader is rooting for. Despite the term "hero," they don't have to be a perfect specimen of bravery or strength; great heroes emerge from the trials they encounter.

━━━━━━━━━━━━━━━

Ang mga hero, heroine, protagonist, bida, o kung ano pa tawag sa pinakabida sa iyong kuwento. Tulad ng nasa taas, hindi porque sila ang main protagonist, perpekto na sila. Tandaan, nasa thriller ka at wala sa fantasy, nasa thriller ka at wala sa science fiction, nasa thriller ka, okay? So basically, dapat realistic pa rin. Minsan ang mga main character sa thriller novels ay antagonist para sa iba, kunwari ang MC ay psychopath, detective ngunit may sakit sa pag-iisip, serial killer at iba pa.

Kung iisiping mabuti, hindi laging masama ang mga balak at pakay nila sa kuwento. Malay ba natin kung bakit pumapatay ang serial killer? Is it only because he wants to kill? Who knows he's doing revenge? or maybe he's killing bad people to save his fellowmen? We never know, so whoever the main character is, regardless of stereotyping, they can still be a hero. A serial killer in the beginning can still be a hero in ending. A psychopath in the start, can still be a good person in the end.

Nasa sa iyo naman 'yan, depende sa plot mo, sa mga pangyayaring gagawin mo. Ayos lang kung ganito ang mga character, ayos lang kung hindi sila tulad ng mga usual na character na halos perpekto na: mayaman, maganda/gwapo, malakas, palaban, mature, matalino, o kaya nama'y may ka-ship. But of course, it would be better kung ganitong mga tipikal na anyo ng isang main character ang gagawin mo, timplahan mo lang ng bago para hindi nakakaumay sa panlasa ng mga mambababasa. Kasi sabi nga, the readers will be rooting for them.

Great heroes emerge from the trials they encounter. Ang mga mabubuti at epektibong main character daw ay hindi nga kailangang perpekto na halos hindi na kapani-paniwalang mayroon talagang may kaya ng ginagawa nila, ang epektibong bida ay kayang lutasan ang mga problema sa mahihirap na paraan, iyong ikamamatay talaga nila. We all know the heroes used to take risks for the sake of the people around them and they cope with it in a very dangerous way, hindi madaling lumutas ng problema lalo na't nasa thriller ka kaya para mas mapamahal at magustuhan ng mga mambabasa mo ang iyong bida, gawin mong mala-bayani talaga.

Halimbawa:
Ang bida sa kuwento mo ay mga magkakaibigang nag-outing at pumunta sa isang abandonadong lugar para doon mamasyal ('wag gayahin, cliché). Hindi nila alam may mga kakaibang nilalang pala sa lugar na 'yon, iyong pinakabida, siyempre selfless, uunahin ang kapakanan ng mga kaibigan. Magkakahiwa-hiwalay sila sa lugar na 'yon at susubukang makaligtas kahit napakalayo na nila sa syudad. How could the MC save his/her friends? Sa tingin mo ba makaliligtas sila nang puro barilan lang? Edi namatay agad ang mga kalaban, walang kahirap-hirap, walang thrill. Huwag gano'n, usual na ang paghihirap sa genre'ng ito kasi ang mga challenges ang mas nakapagbibigay ng suspense o thrill sa istorya, inaabang-abangan ng reader kung makalalagpas ba sila o hindi.

Nobody's literally perfect, but good flaws make you look perfect.

════════ ××× ════════

Sources of information:
https://www.masterclass.com/articles/writing-101-what-is-the-thriller-genre-definitions-and-examples-of-thriller-in-literature#8-things-every-thriller-should-include

If you have questions, please don't hesitate to ask. Thank you.




Behind The MaskWhere stories live. Discover now