VIII. Exciting Climax

15 3 0
                                    

╔═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╗
Exciting Climax
╚═════ ▓▓ ࿇ ▓▓ ═════╝

Thrillers built toward one exciting moment. This is when the hero faces their biggest obstacle and the reader learns all of the remaining information that's been kept a secret.

━━━━━━━━━━━━━━━

Alam na alam naman na natin kung ano ang climax. Dito nakakasulat o rito mababasa ng readers iyong pinakaaabangan sa kuwento. Kunwari sa movie na "Girl in the basement". Sa movie na 'yon, kinulong si Sara ng tatay niya sa kanilang basement for 24 years. She was raped and abused, in real life, they had seven children but in the movie, they had only three. Iyong climax doon ay iyong nasa around 19th year na sila at nagsusumikap makalabas ng basement.

One night nagkasakit iyong panganay niyang anak na si Marie, so kinakailangan nilang lumabas at pumuntang hospital. Noong una'y ayaw ng tatay niya na tatay rin ng mga anak niya dahil siyempre makakalabas na sila after almost two decades. At dahil nga halos mamatay na si Marie sa asthma, pumayag na iyong tatay na lumabas sila at pumuntang hospital. And then there, nakahingi ng tulong si Sara at tuluyan na silang nakalaya.

What makes it more exciting is that, ilang attempt iyong ginawa ni Sara to escape that basement pero lagi silang nahuhuli at iyon iyong mas nakapagpapa-thrill sa movie, kasi nahuhuli sila lagi so hindi sila makatakas. Until iyong na-hospital nga si Marie.

Sabi pa sa taas, dito rin nalalaman ng readers iyong mga impormasiyong nakatago pa, p'wedeng alam na ng readers na tinatago sa ibang characters, or iyong mismong characters ang may itinatago sa readers. Sa climax ng movie na ito, nalaman ng mama ni Marie at ng ate niya na wala siya sa Florida kung 'di naroon lang siya sa basement ng bahay nila, and what's more shocking sa mama at ate niya ay may mga anak na siya dahil sa gago niyang tatay.

The point of this tip is that, make your climax intriguing, hindi iyong imbis na mag-abang ang readers ay mas mawawalan pa sila ng gana. Kumbaga sa larong plants vs. zombies, ang final wave ang climax. Dito mo rin kasi malalaman if the protagonist will succeed of lose, so rito pa lang may idea na ang reader kung tragic ba o happy ending. Dito ka rin magkakaroon ng chance na takpan iyong mga plot holes by answering the questions of the readers. In short, climax is the revelation, iyong makapigil-hininga na parte ng isang istorya.

Put the bomb in climax and let your readers say "wow".

════════ ××× ════════

Sources of information:
https://www.masterclass.com/articles/writing-101-what-is-the-thriller-genre-definitions-and-examples-of-thriller-in-literature#7-tips-for-writing-a-thriller

If you have questions, please don't hesitate to ask. Thank you.



Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon