Chapter 28

1.1K 26 4
                                    

CHAPTER 28

***Angelica's POV

Anong nangyari bakit ako nandito? Ang huling naalala ko ay nasa loob ako ng office ni Lucas tapos bigla na lang sumakit ang ulo ko dahil sa paghampas niya sa table. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Lucas.


"Angel..." tawag sa akin ni Lucas kaya bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Naalala ko na ang lahat! Naalala ko na ang pinakamamahal kong si Lucas...Ang dahilan ng pagbabalik ko dito sa lupa.


"L-lucas..." tawag ko sa pangalan niya sabay yakap kay Lucas. Sobrang miss na miss ko siya. Ilang buwan ko siyang hindi nakita kaya mabuti na lang sa kabila ng trahedyang nangyari sa akin ay nagtagpo pa rin kami.


Isang buwang mahigit na ako nandito sa lupa na hindi alam kung saan hahanapin si Lucas. Pagbalik ko kasi sa langit ay hindi na ako ang naka-assign na guardian angel niya kaya hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kaniya. Lumipas ang ilang buwan pero napapansin ng mga kasama kong anghel ang laki ng pinagbago ko.

Hindi na ko katulad ng dati na laging nangungulit sa kanila at laging nagpapatawa. Lagi na lang akong tulala kaya wala nang ini-assign sa akin para bantayan ko. Nagulat na lang ako isang araw at ipatawag ako ni master. Pinayagan na niya akong bumaba at manirahan sa lupa pero ang kapalit ay mawawala lahat ng powers ko at hindi na ko pwedeng magpabalik-balik sa langit gaya ng ginagawa ko dati. Sinabihan niya ako na ilihim ko kahit kanino ang identity ko maliban na nga lang kay Lucas na kilala na talaga ako.

Kapag daw bumaba na  ko sa lupa at maging tao ay maari na raw akong makaranas ng iba't ibang emosyon, magkasakit at mamatay. Pumayag ako dahil sa kagustuhan kong makasama ang mahal kong si Lucas. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nangyaring masama sa akin.


Nawala ang pakpak ko nang oras na pagbaba ko sa lupa. Nagulat na lang ako nang may mga sasakyang bumubusina sa harapan ko. Patayo na ko nang biglang may isang sasakyan na humaharurot papunta sa akin. Nagulat na lang ako nang tumama sa katawan ko ang matigas na metal at ako ay tumilapon sa kung saan.

"Hindi ko alam na bumalik ka Angel...kung alam ko lang hindi sana nangyari sa iyo 'yan!Hindi sana ako umalis at nagpunta sa states..."sabi ni Lucas pagkatapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari sa akin nang pagbalik ko dito sa lupa.


"Wala kang kasalanan Lucas! Hindi rin naman ako nangako sa iyo na babalik ako dahil hindi ko rin inaasahan na makakabalik pa ko dito sa lupa."sabi ko pa sabay halik sa labi ni Lucas. Pinunasan ko ang luha na pumapatak sa pisngi niya. Alam kong sinisisi niya ang sarili niya sa mga nangyari sa akin.

***Lucas POV


Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa nalaman kong masamang nangyari kay Angel. Hindi ko na maitago sa kaniya ang pag-iyak ko dahil sobrang naaawa ako sa kinasapitan ni Angel ng dahil lang sa akin. Napakalaki ng sinakripisyo niya para sa akin... Pero ako wala pa kong nagagawa na tama para kay Angel. Nahihiya ako sa kaniya at nagagalit naman ako sa sarili ko.

"Kaya pala isang buwan kang na-comatose...pero saan kayo nagkakilala ng mga nagpapanggap na mga kapatid mo?"tanong ko sa kaniya nang maalala ko sina ate Jack at kuya Jay niya.


"Ah...naalala ko paggising ko na lang sabi nila ako daw ang bunso nilang kapatid at naaksidente daw kami ni nanay kaya nawala ang memory ko. Galit na galit nga sila sa akin lalo na si ate Jack! Ako daw ang dahilan ng pagkamatay ng nanay nila kaya lagi nila kong pinapahirapan. Minsan nga may pinapuntang lalaki si ate Jack at pinipilit niya akong sumama doon pero mabuti na lang at hindi pumayag si kuya Jay..."mahabang sabi ni Angel na agad kong pinutol ng marinig ang pangalan nung Jay.


"Kasi may gusto sa iyo yung Jay! Mabuti na lang pala at nakauwi agad ako dito sa manila..."sabi ko na lang  na sobrang naiinis sa mga paghihirap na naranasan ng Angel ko.

"Pero paano nila nalaman ang pangalan mo?"tanong ko na naguguluhan din.

"Nakalagay doon sa white dress ko...lahat kaming angels ay may nakalagay na name sa left side sa bandang dibdib."sabi ni Angel sa akin na nakangiti.

"Katulad lang pala ng sa mga nurse dito..."sabi ko na nangingiti na dahil walang tigil sa paghaplos sa mukha ko si Angel.

"Yup! Lucas bakit ba sobrang gwapo mo? Kaya ka hinahabol nung malditang Rachel eh!"sabi pa ni Angel sabay yakap sa akin.

"Wala akong magagawa kung pinanganak akong gwapo...Hindi ko kasalanan iyon kung pati anghel ay nababaliw sa akin... ahahaha!"sabi ko na natatawa dahil bigla akong kinurot sa braso ni Angel. Hinawakan ko ang baba niya at hinalikan siya sa labi nang makita kong sasagot pa siya. Muntik na kaming mahulog sa sahig nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"Angge! Kamusta na? Tinawag sa akin ni Ms.Cruz na nahimatay ka raw at dinala dito sa ospital..."sabi ni Jay pagkapasok sa loob ng kwarto ng ospital. Bago pa ito makalapit kay Angel ay agad na akong humarang sa daraanan niya.

"My Angel's memory is finally back! Natatandaan na niya lahat nang nangyari sa kaniya pati ang mga panloloko niyo!"sabi ko na ambang susuntukin ko sana pero bigla akong pinigilan ni Angel.

"Ha? Sorry ser... Hindi ko naman ideya iyon kundi kay ate Jack. Pero totoong si Angge ang dahilan ng pagkamatay ng nanay ko. Tumatakbo ang sasakyan nila kasama ang ate Jack nang nagulat sila sa paglitaw niya sa daan kaya naaksidente sila. Bumusina na sila pero hindi daw tuminag si Angge sa halip ay tumingin lang daw."mahabang kwento ni Jay pero hindi ko pa rin maalis ang galit ko sa kanilang magkapatid.

"Patatawarin ko kayo kung hindi ninyo na guguluhin pa si Angel."sabi ko na lang para umalis na ito sa ospital.

"I think Lucas mas mainam kung bigyan mo na lang ng trabaho si kuya Jay at ate Jack. Kasi totoong naging dahilan din ako sa pagkamatay ng nanay nila. Much better kung tulungan na lang natin sila saka kahit paano naman hindi sila naging malupit sa akin."sabi ni Angel sa akin kaya wala akong nagawa kundi pumayag na lang sa gusto niyang mangyari. Isa nga talaga siyang anghel. Napakabuti ng kalooban kahit na nagawan na ng kalokohan.


<pls try to listen to video on the right side "Angel of Mine" parang bagay lang kasi sa scene>

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon