Chapter 24

1.1K 27 3
                                    


CHAPTER 24


Kanina pa ko pabiling-biling sa kama ko pero hindi ako dalawin ng antok sa kaalamang nasa kabilang silid lang si Angel. Ala-una na ng madaling araw pero gising pa rin ako! Gusto ko siyang silipin sa kabilang kwarto pero baka hindi ko mapigilan ang sarili ko...

***Angelica's POV


Ala-una pasado na pala hindi pa ko tapos dito sa contracts.

Bakit kasi hindi pa binigay kanina ni sir Lucas wala naman akong masyadong ginagawa kanina sa office.Tss! Narinig kong tumunog ang sikmura ko kaya agad akong tumayo para kumuha ng pagkain.


Binilin naman na sa akin ni sir na kapag nagutom ako ay kumuha na lang ng food sa kitchen. Tulog naman na siguro si sir Lucas kaya hindi na ko maiilang.

Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kitchen. Hindi ko alam pero parang sanay na sanay na ko sa pasikot-sikot dito. Parang alam na agad ng mga paa ko kung saan ako dapat pumunta.

Pagpunta ko sa kitchen ay agad kong binuksan ang ref at agad kinuha ang milk na nakalagay sa bote. May nakita rin akong slice ng cake kaya agad kong kinuha para kainin. Paubos ko na ang pagkain ko nang biglang mapansin ko si sir Lucas sa harap ko.

"Sir Lucas? Sorry kung ginalaw ko yung food nagutom po kasi ako..."sabi ko na nahihiya sa harapan niya.


"H'wag kang mag-sorry ok? Kahit anong gusto mong kainin dito ay ok lang sa akin. Kung gusto mong manood ng tv ay ok lang din. Sabi ko nga sa iyo di ba na feel at home."sabi sa akin ni sir Lucas na nakangiti.

"Thanks po. Bakit po pala gising pa kayo sa ganitong oras? Malapit ko na po pala matapos yung contract." sabi ko sa kaniya dahil nagtataka rin ako kung bakit madaling araw na ay gising pa si sir. Sa itsura nito mukhang hindi pa nakakatulog pero kanina pang 11pm ito pumasok sa kwarto niya.

"Hindi kasi ako makatulog kaya kukuha lang muna ako ng beer."sabi ni Lucas habang nagbubukas ng ref para kumuha ng beer in can.


"Pagkatapos mo kumain pwede ka nang matulog. Bukas mo na lang ituloy yung mga contracts sa office. Goodnight Angel!" sabi ni sir Lucas sa akin bago umalis para magpunta sa kwarto niya.

Agad kong hinugasan ang mga pinaggamitan ko at nagmamadaling  nagtungo sa silid na tinutuluyan ko.

Bakit kaya ganito ang pakiramdam ko?

Para bang natira na ko dito...

Totoo kaya yung sinabi dati ni sir Lucas na may pinagsamahan na kami dati?

Naguguluhan ang utak ko...

Pero ang sabi sa akin ni ate Jack ako daw ang bunso nilang kapatid ni kuya Jay. Namatay daw ang mga magulang namin noong nakaraang buwan dahil sa aksidente. Ako daw ang dahilan ng aksidente nina nanay at tatay kaya galit sila sa akin kaya pinipilit nila akong makahanap ng trabaho. Si kuya Jay ang gumawa ng resume ko kaya hindi ko alam kung ano ang pinaglalagay niya. Sinisisi nila ako na kung hindi daw sa akin ay buhay pa sana ang mga magulang namin.

Dahil daw sa aksidente na iyon ay nacomatose ako kaya naging dahilan ng pagkawala ng mga alaala ko.

Pero bakit kaya wala akong maramdaman na kahit ano sa mga kapatid ko? Lalo na si kuya Jay...Lagi niya kong hinahawakan sa mga private parts ko kaya natatakot ako. Mabuti na nga lang at nandito ako ngayon sa unit ni sir Lucas kundi baka may gawing di maganda si kuya Jay sa akin lalo na at lasing pa siya!

Agad naman akong nakatulog pagkahiga ko sa kama. Hindi dahil sa pagod kundi dahil parang hindi ako namamahay pero palaisipan parin sa akin ang sinabi sa akin dati ni sir Lucas about sa pinagsamahan namin.


Kinabukasan pagkagising ko ay agad akong naligo. Pagbukas ko ng closet ay nakita ko ang maraming damit na pamilyar sa akin.

Agad na lang akong pumili ng damit na isusuot at nagmamadaling nag-ayos dahil sa nakita kong oras. Twenty minutes na lang ay mag-a-alas otso na!

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si sir Lucas na naghihintay sa akin sa sofa. Agad siyang tumayo para lumapit sa akin.

"Good morning Angel! Let's go...sa office na lang tayo mag-breakfast." sabi ni sir Lucas sabay hawak sa braso ko para alalayan ako sa paglakad na muntik ko nang bawiin dahil sa kuryenteng naramdaman ko.


****Lucas POV


Bumalik lahat ng memories nang pinagsamahan namin ni Angel nang makita kong suot niya ang binili kong damit sa kaniya noon.

Naka-bestida siya na baby pink at blazer na cream color. Sobrang ganda ng Angel ko kahit anong suot. Muntik ko ng siyang halikan sa labi kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.

Dumaan lang ako sa drive-thru ng fastfood para makabili ng breakfast namin bago dumiretso sa office.

Pagkarating namin sa loob ng office ay napansin ko ang three red roses na nakapatong sa table ni Angel.

"Kanino galing iyan?" malamig kong tanong dahil sa sobrang inis. Sino naman kayang sira-ulong naglagay ng flowers sa table niya? Meron na agad siyang secret admirer?

"Wala pong nakalagay sir kung kanino galing..."sagot ni Angel na hawak ang roses habang inaamoy. Na-badtrip tuloy ako lalo kaya agad kong inagaw sa kaniya ang flowers at tinapon sa waste can.

"Sir?" nagtatakang tanong ni Angel sa ginawa ko.

"Hindi mo alam kung kanino galing iyon baka mamya niyan may nilagay na kung anong gamot sa flowers hindi mo dapat inamoy yun!" sabi ko na lang sabay talikod sa kaniya.
 

Hindi ko alam kung bakit nagiging sobrang seloso ako pagdating kay Angel...

Naninikip ang dibdib ko kapag may pinapansin siyang ibang lalake...

I want to cuss all those men pero hindi pwede dahil nangako ako kay Angel.

Binalik ko ang tingin ko kay Angel at nakita ko siyang nag-eencode na sa computer habang kumakagat ng burger na binili ko kanina para sa kaniya. Nakita kong may naiwang mayonnaise sa gilid ng labi niya kaya agad akong lumapit para punasan na kinagulat naman niya sa akin.


Walang kibong bumalik na lang uli ako sa table ko at uminom ng coffee. Sinimulan ko nang magcheck ng mga documents at reports na nasa ibabaw ng table habang si Angel ay patuloy pa rin sa pag-encode.

Lumabas ako sa saglit para puntahan si Ms.Cruz sa reception area.

"Sir?" tanong sa akin ni Ms.Cruz paglapit ko sa kaniya.

"Kilala mo ba kung sino ang nagpadala ng flowers kay Angel?"tanong ko kay Ms.Cruz na nakakunot ang noo. Gusto kong malaman kung sino ang bwiset na nagtatangkang pormahan ang Angel ko.

"Parang napansin ko lang po si Architect Van na may dalang flowers kanina pagpasok niya. Para kay Angel pala yun..."sagot ni Ms. Cruz na mukhang nalungkot sa nalaman. Tingin ko ay type nito si Van, pero sa ngayon kailangan kong pigilan ang anumang balak ng ungas na yun sa Angel ko!

"Bago mag-uwian papuntahin mo si Architect Van sa office ko. Don't forget!"sabi kO na lang at nakita kong tumango si Ms.Cruz kaya iniwan ko na siya at bumalik ako sa office ko.


 

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon