Chapter 19

1K 25 3
                                    

CHAPTER 19

Nandito ako ngayon sa eruplano at nakatanaw sa labas ng bintana. Kapraningan man pero nagbabaka-sakali pa rin ako na makikita si Angel sa pagitan ng mga ulap.

Hindi ako dinadalaw ng antok kaya nakinig na lang ako ng music sa i-pod ko habang nakapasak sa tenga ko ang  headset. Nag-play ang I wont give up ni Jason Mraz, ninamnam ko ang lyrics habang iniisip si Angel.

I wont give up on us

Even if the skies get rough

I'm giving you all my love

I'm still looking up


Lalo ko tuloy namimiss si Angel...

Kailan kita uli makikita at makakasama my Angel?


Makalipas ang mahabang oras ay nakarating din kami ng NAIA. Hindi ako natulog sa oras ng byahe dahil hindi ko maalis sa isip ko si Angel.

Nagmamadali akong sumakay ng taxi para magpahatid sa unit ko. Hindi na kasi ako nagpasundo pa kay uncle Jo dahil alam kong busy siya dahil nag-ooperate na ang construction business namin. Kahit paano naman kasi ay may tatlo na siyang nakuhang magaling na engineers at isang architect. May siyam na rin siyang nakuhang babaeng empleyado para sa loob ng office para sa clerical at accounting.

Sampu na lang ang kailangan kaya ako na ang bahalang mag-interview. Dalawang engineers pa, dalawang architect, limang coordinators at isang secretary para sa akin.

Maselan kasi ako lalo sa pagpili ng secretary. Gusto ko kasi yung madaling makaintindi at madaling matuto. Katulad ng secretary ko dati na si Ms.Reyes noong nasa company pa ko ng biyenan ko.


Pagkarating ko dito sa dati kong unit ay agad akong umupo sa sofa kung saan marami kaming alaala ni Angel. Nilibot ko ang mga mata ko sa buong unit at naalala ko ang isang kwarto na pinagamit ko kay Angel. Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pinto. Nalanghap ko ang amoy ni Angel na naiwan sa buong kwarto.

Lumipas man ang kung ilang buwan pero nandito pa rin ang amoy ni Angel. Napatingin ako sa closet at bigla kong naalala ang mga damit na binili ko para sa kaniya.

"Ang engot ko, nandito nga pala ang mga gamit ni Angel..."nasabi ko na lang sa sarili ko pagkabukas ko ng closet at makita ang mga damit ni Angel.

Nakita ko yung poloshirt ko na pinasuot ko sa kaniya bago yung nangyaring engkwentro kina Marcus.

Mukhang hindi ko naisama sa pina-laundry ko dati...kaya pala hindi ko makita sa mga gamit ko itong poloshirt ko.

Agad kong kinuha ang poloshirt at dinala sa tapat ng ilong ko para masamyo ko ang naiwang amoy ni Angel.

Bakit hindi ko naalala na  may mga gamit nga pala si Angel dito?

Nagpunta ko sa kama habang dala ang poloshirt na ginamit ni Angel. Kung makikita ko ng iba maaaring maisip nila na nababaliw na ko sa ginagawa ko. Humiga ako sa kama na ginamit ni Angel kung saan unang may nangyari sa amin. Muli kong binalikan lahat ng mga alaala namin ni Angel hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatulog na ko.


Nagising na lang ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad kong kinuha mula sa bulsa ng pants ko.

Daddy's calling...

"Dad?"

"Anak kamusta? I'm sure nasa Manila ka na. Kumain ka na ba? Yung bilin ko sa iyo ha. Pakikamusta mo na lang din ako kay balae kapag nagkita kayo." sabi sa akin ni daddy kaya nawala na ang antok ko lumabas ako ng kwarto dala ang cellphone sa kaliwang kamay ko habang kausap pa si daddy.

"Ok po dad."sagot ko na lang at hindi ko na dinugtungan dahil baka humaba pa at kung saan na naman mapunta ang usapan.

"Sige ingat ka dyan anak." sabi ni dad at nagpaalam na rin ako. Napailing na lang ako ng maalala ko ang bilin niya sa akin bago ako sumakay sa eruplano. H'wag ko na raw pakawalan si Angel dahil tingin niya ay mahal na mahal ko siya. Magpropose na raw ako para hindi na maagaw pa ng iba.

Kung pwede lang talaga kahit hindi sabihin ni daddy ay gagawin ko lahat ng iyon!


Nagpunta ako sa sarili kong kwarto at nagpalit ng damit. Pupunta ko ng office ngayon para makita at mabistahan ang bagong opisina.  Bago ako makalabas ng kwarto ay napansin ko ang picture ng mag-ina ko na nakalagay sa side table.

Naalala ko ang sinabi ni Angel na masaya na sila sa taas kaya hindi na ko dapat mag-alala.

Napabuntung-hininga tuloy ako. Buti pa sila masaya na pero ako hanggang ngayon malungkot pa rin dahil sa pagkawala naman ni Angel.

Agad akong umalis ng unit ko at sumakay sa naiwan kong sasakyan sa parking area. Maayos pa rin ang makina dahil ibinilin ko ito sa security guard ng building na paandarin niya ang makina twice a month para hindi ma-stuck-up.

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon