Chapter 22

1.2K 25 2
                                    

CHAPTER 22


Kanina pa ko nakauwi dito sa unit ko pero hindi pa rin ako mapakali. Iniisip ko ang kalagayan ni Angel doon sa pamilyang napuntahan niya lalo na doon sa nagpapanggap niyang kuya! Feeling ko may gusto sa Angel ko ang ungas na iyon eh. Kailangang mailayo ko siya doon at baka may gawin lang kalokohan sa kaniya!

"Kailangang makagawa ako ng paraan para maibalik ko ang memory niya pero paano? Tss!" sabi ko sa sarili ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa opisina. Excited na kasi akong makita at makasama muli si Angel.

Time check 7:20 am

Maaga pa kaya iilan pa lang ang empleyado sa office. Wala pa si Angel kaya nagbilin ako kay Ms.Cruz na naka-assign sa reception na pagdating ni Angel ay padiretsuhin agad sa office ko.

Nag-check muna ako ng mga contracts para sa mga existing projects namin. Mahigit isang buwan pa lang tumatakbo ang business ay naka-tatlong clients agad kami. Magaling talaga si uncle Jo. Maya-maya ay nakarinig ako ng mahinang katok kaya napatingin ako sa pinto.

"Come in!" sabi ko na lang habang walang tigil sa pagdrible ng puso ko sa loob ng dibdib ko.

"Good morning po sir..." bati sa akin ni Angel pagkapasok sa loob ng office ko. Naka-dress na white lang siya na pinatungan ng blazer na brown. Nakasapatos siya na stilleto na brown din ang kulay. Wala syang make-up kundi lip gloss lang sa labi niya.

Over-all, sobrang ganda ng Angel ko. Walang panama ang mga artista at supermodel sa kaniya!

"Sir?" tanong ni Angel sabay kumpas ng kamay sa harap ko dahil sa tagal kong pagkatitig sa kaniya.

"Ah-eh, sorry...Nakikita mo yang table na iyan sa right side ko? Diyan ang pwesto mo para madali mo kong ma-assist when I need your help."sabi ko kay Angel na nakangiti sabay senyas sa kaniya ng pwesto niya. Dapat talaga ay sa labas siya ng office ko bago pagpasok sa pinto pero dahil gusto kong lagi siyang nakikita kaya pinalipat ko ang table niya sa loob ng office ko.

Saka ayoko rin na mapalapit siya sa ibang employees dito lalo na sa mga lalake. No way!

Nakita ko siyang kiming nagpunta sa pwesto niya at pinatong ang puting bag sa ibabaw ng table.  Sinusundan ko lahat ng kilos niya kaya naiilang siya sa akin.

"Sir coffee po?" tanong sa akin ni Angel para maalis ang paagkailang sa akin.

"No,thanks katatapos ko lang. Ikaw baka gusto mo?" tanong ko sa kaniya dahil kapag gusto niya ako pa mismo magtitimpla para sa kaniya.

"Thanks po pero hindi po ako umiinom ng coffee. Milk lang po ang iniinom ko." sabi ni Angel na nakangiti bagaman na naiilang.

Naalala ko na naman kung gaano siya kalakas uminom ng gatas dati kaya napangiti ako.

Tama! Ipagdadala ko siya ng milk baka sakali na maging way din iyon para kahit paano ay may maalala siya...

"Ok, magstart na tayo. Marunong ka ba mag-computer? May ipapa-encode sana ako sa iyo." baling ko uli kay Angel kaya nahuli ko siya na nakatitig sa akin. Naalala na kaya niya ko? How I wish!

"Hindi pa po ako nakahawak ng computer sir pasensya na po. Pero mabilis naman po akong matuto, gagawin ko po lahat ng ipag-uutos nyo. Kahit ano po kaya sana hindi po iyon maging dahilan para alisin nyo ko sa trabaho."mahabang sabi ni Angel sa akin.

Nag-aalala ba siya na aalisin ko siya sa trabaho dahil hindi siya marunong gumamit ng computer? Kahit wala pa siyang alam sa kahit ano at umupo lang siya sa office ko ay ok lang sa akin.

"Don't worry hindi kita tatanggalin ok? Tuturuan na lang kita kung paano gamitin itong computer." sabi ko sa  kaniya sabay turo kung paano i-operate ang computer sa table niya. Hindi ko alam pero sobrang saya ko lang sa ayos namin ni Angel ngayon.

Halos nakayakap na kasi ako sa kaniya habang itinuturo ang dapat niyang pindutin sa keyboard. Nalalanghap ko ang mabango niyang buhok kaya hindi ko mapigil ang sobrang pagtibok ng puso ko.

"Lucas magpupunta lang ako sa..."sabi ni uncle Jo na nagulat pagpasok sa office ko dahil nakita niya kami na halos nakayakap na ko kay Angel habang nagtuturo sa computer. Bigla tuloy akong napaayos ng tayo at lumayo kay Angel para lumapit kay uncle.

Ayokong mapahiya si Angel kay uncle at pag-isipan siya ng masama.

"Uncle, tinuturuan ko lang si Angel sa mga dapat iencode niya sa computer. Saan nga po pala kayo pupunta?" sabi ko kay uncle para hindi na siya magtanong pa.

"Ah ganun ba? Pupunta kasi ako sa site ng isang client natin sa bandang tagaytay kaya tatanong ko lang kung may ipapadala ka." sabi sa akin ni uncle pero napansin kong nangingiti siya.

"Wala pa naman po. Magche-check pa lang po ako ng requisition slip para mai-forward sa purchasing department. Ingat po kayo pagpunta niyo sa site uncle." sabi ko na lang kay uncle kaya sumenyas na lang siya na aalis na siya at tinanguan ko na lang.

Napatingin uli ako kay Angel at nakita ko na siyang abala sa pag-encode ng mga contracts sa computer niya. Nagpadeliver ako ng pagkain isinama ko na ang para sa lahat ng empleyado para hindi sila managhili at pag-isipan ng masama si Angel.

Magkasabay kami ni Angel na kumain sa loob ng office ko. Ayoko siyang kumain pa sa labas baka kasi may mag-aya pa at pormahan siya. Hindi ko mapapayagan iyon dahil AKIN lang ang Angel ko.

Nang mag-uwian na ay inaya ko siya na sumabay sa akin kahit ayaw niya dahil alam kong nahihiya siya. Gusto kong safe siyang makarating sa kanila kahit sa totoo lang ay gusto ko siyang iuwi sa unit ko.

Magkasama kami sa loob ng elevator para papunta sa parking area nang biglang may bumati kay Angel na kinainis ko.

"Hello sir! Hi Angelica! Ikaw pala yung bagong secretary ng boss nating si sir Lucas. Totoo palang  napakaganda mo. I'm Van ang isa sa mga architect." bati nung Van kay Angel na saglit lang tumingin sa akin pagkabati pero naka-focus ang atensyon sa Angel ko sabay abot ng kamay.

"Nice to meet you Van." ngiting sagot ni Angel sabay abot ng palad kay Van para makipag-kamay. Nag-init ang ulo ko kaya hinatak ko ang kamay ni Angel sabay labas ng elevator dahil eksaktong huminto ito sa parking area.

"You are not allowed to talk to anyone of my employees lalo na sa harapan ko!" sabi ko kay Angel nang makapasok kami sa loob ng sasakyan ko. Hinihingal ako sa selos sa nakita ko kanina!

"Sir? Nakipagkilala lang naman po si Van sa akin..."sagot ni Angel na nagpadagdag ng inis ko dahil tinawag niya pa sa pangalan ang mokong na yun! Hindi ko mapigilan ang sobrang selos na nararamdaman ko kaya nahampas ko ang manibela ng sasakyan. Nakita kong nagulat si Angel kaya akmang bababa na siya ng sasakyan ko pero agad ko siyang pinigilan sa braso.

"A-angel...s-sorry. Masakit lang ang ulo ko." dahilan ko sa kaniya kaya agad kong ini-start ang makina ng sasakyan at napansin kong sobra siyang nagtataka sa kinikilos ko.

Hindi kumikibo si Angel sa buong oras ng biyahe namin kaya natatakot ako na baka hindi na siya pumasok bukas dahil sa pagsigaw ko sa kaniya kanina. Pero hindi naman siguro dahil alam kong kailangan niya ng trabaho. Mag-iingat na lang ako sa pagsasalita sa kaniya dahil ayokong lumayo ang loob sa akin ng Angel ko.


My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon