Chapter 23

1K 23 2
                                    

CHAPTER 23


I'm already here sa unit ko pero ang isip at puso ko ay lumilipad. Iniisip ko kung anong ginagawa ni Angel ngayong oras na ito ng gabi. It's 9 o'clock in the evening pero hindi ako mapakali. Di-nial ko ang number nila sa bahay.

Gusto kong magkaayos kami ni Angel dahil alam kong medyo sumama ang loob niya sa akin kanina. Hindi na kasi siya kumibo hanggang sa maihatid ko siya sa kanila.

Ring!

"Hello?" sagot ng boses lalaki sa kabilang linya.

"Hello, pwedeng makausap si Angelica? This is Lucas." tanong ko sa kausap ko.

"Ser? Kayo pala...pero natutulog na po si Angge...-- hoy Jay! Langya nasaan na yung pulutan natin? Saka nasaan na yung maganda mong kapatid? Gisingin mo muna para lalo kaming ganahan dito!" sagot nung Jay pero may narinig ako sa background na tinatawag ito para sa isang inuman at balak pa atang ipagising si Angel.

Sh- Oops! Bawal nga pala magmura. Kailangang puntahan ko si Angel at sunduin sa kanila. Baka mamaya niyan kung ano pang mangyari doon!

"Hello ser pasensya na...huh? binaba na pala.Tsk!"sabi nung Jay sa kabilang linya pero binaba ko na ang phone dahil nagmamadali akong umalis para sunduin si Angel.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya.


Makalipas ng ilang minuto ay nakarating ako sa bahay nina Angel. Nakita ko siya na naghihikab pa habang akay nung Jay papunta sa umpukan ng barkada niya na nag-iinuman. Agad akong bumaba ng sasakyan ko at nilapitan ko sila na kinagulat ni Angel at ng mga kasama niya.

"Sir Lucas?" takang tanong ni Angel na nakamulagat ang mata dahil sa pagkagulat.

"Kailangan nating mag-overtime ngayon kaya ako nagpunta dito. May ira-rush tayong mga bagong contracts."sabi ko sa kaniya para sumama siya sa akin.

"Ser? Hindi po ba pwedeng ipagpabukas yang trabaho tutal anong oras na po."singit nung Jay na ikinainis ko. Napansin ko naman ang isa sa barkada nito na nakaupo na kumikindat kay Angel kaya gusto kong tusukin ang mata.


"Importante kasi iyon kaya kailangang matapos sana ngayon. Angel?" sabi ko na lang at binalik ko ang atensyon kay Angel.

"Sige po sir magpapalit lang po ako ng damit."sagot ni Angel kaya napangiti ako.

"Kelan ba sahod ni Angge ser? Dapat may night differential bukod pa sa overtime pay!"sabi pa uli nung Jay sabay tungga ng gin.

"Syempre meron nun. Sasahod na siya sa katapusan."sabi ko na lang dahil obvious na ginagawa na lang palabigasan ang Angel ko.

Tatapatan ko na lang ng pera ang mga taong ito pero hindi ko na ibabalik si Angel sa kanila. Mukhang delikado siya sa magkapatid na ito.

"Ser shot ka muna kahit isa lang wala pa naman si Angge!" tawag sa akin nung Jay sabay abot ng baso na may lamang gin. Para hindi ito mapahiya ay tinungga ko na lang ang inabot nitong baso.


Maya-maya ay natanawan ko na si Angel na papunta sa akin kaya agad ko siyang inalalayan sa siko bago sumakay sa sasakyan ko.

Sumenyas na lang ako sa mga nakaumpok na naag-iinuman para magpaalam.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din kami sa unit ko. Nakita ko si Angel na nagtataka.

"Sir Lucas akala ko po ba may tatapusin po tayong contracts ngayon? Bakit dito po tayo nagpunta hindi sa office nyo?" tanong ni Angel sa akin na nakakunot ang noo.


"Dito tayo gagawa ng contracts sa unit ko. May copy naman ako sa flash drive ng format."sabi ko na lang kay Angel habang papasok kami sa loob ng unit ko.

Tinignan ko ang mukha niya at nakita kong para siyang nagtataka at iniikot ang paningin sa buong paligid ng unit ko.

"Gusto mo ba ng milk?" tanong ko kay Angel nang makaupo siya sa sofa sa salas.

"Sige po sir." sagot sa akin ni Angel na nakangiti pero nakita ko sa mata niya ang pagtataka.


Binigay ko sa kaniya ang milk na favorite niya dati. Kinuha ko saglit ang laptop ko para hindi naman ako pagdudahan ni Angel kung bakit ko siya dinala dito sa unit ko.

"Parang nakita ko na po itong place na ito sir...ang sarap naman po nitong milk."sabi ni Angel kaya napangiti ako. Hahayaan ko na lang siya na unti-unting maalala ang nakaraan sa pamamagitan ng mga bagay na pwedeng makapagpabalik ng memory niya.

"Ganun ba? Ito nga pala yung laptop para makapag-encode ka ng mga contracts. You can use the other room para tapusin ang mga contracts and feel at home. Kapag may gusto kang kainin or inumin magpunta ka na lang sa kitchen." sabi ko sa kaniya na nakangiti.


"Ok po sir. Thanks. By the way sir paano nga po pala bukas pagpasok sa office? Hindi po ako nakapagdala ng damit."tanong sa akin ni Angel.

"Don't worry...may mga naiwan ka pa namang mga damit..oh I mean may mga damit sa closet doon sa room na gagamitin mo. Check mo na lang kung kasya sa iyo."sabi ko sa kaniya na ipinagtaka ni Angel.

"Ok po. Hindi po kaya magalit yung may-ari ng mga damit kung gagamitin ko po? Baka magalit po yung girlfriend nyo..."sabi ni Angel sa akin na hindi makatingin ng diretso sa mga mata ko kaya napapangiti na lang ako.

"Ha? Hindi siya magagalit...I mean ok lang gamitin mo lahat ng iyon. Balak ko kasing dito ka na muna sa unit ko dahil marami tayong mga trabaho ngayon dahil sa mga new clients kaya I need you always here with me para mapabilis yung trabaho natin." mahabang sabi ko kay Angel na sana ay hindi niya mahalata ang intensyon ko at hindi sana siya tumanggi.


My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon