Chapter 9

1.4K 47 5
                                    


CHAPTER 9


We both tired kaya nakatulog kami agad sa kama.

8 pm na nang nagising ako kaya agad akong bumangon nang naalala ko ang nangyari kanina sa amin ni Angel.

Shit! Ano itong naggawa ko? Hindi maaari ito!

Paglingon ko wala na si Angel sa tabi ko. Nasaan kaya siya? Baka umalis siya dahil nagalit sa ginawa ko?

Ano bang dapat kong gawin??? Nakalimot ako...Hindi ko dapat ginawa yun kay Angel...Isang malaking pagkakamali yun dahil hindi kami magkatulad...saka guardian angel ko siya...

Paano kung hindi na siya makabalik sa langit?

Shit! Naalala ko na naman ang ginawa namin kanina. Feeling ko ay nasa langit na ako kanina. Sobrang hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko.

Baka parehas kaming parusahan...


Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Angel. Mabuti naman at nakadamit na siya dahil kung hindi...hindi ko maipapangako na hindi ko uulitin yung ginawa ko kanina sa kanya.Kasalanan man pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.

"Lucas...nagpunta kanina si Migs at may dalang pagkain. Nilagay ko sa table sa kitchen." sabi sa akin ni Angel na ikinagulat ko. Hindi ko alam pero sobrang naaakit ako sa boses niya. Ang sarap sarap pakinggan.

"Nagpunta siya? Pumasok ba dito sa loob ng unit ko? Next time huwag mo na siyang kakausapin!" sabi ko kay Angel  sabay tayo at nakita ko siyang namula dahil hindi pa pala ako nakapagsuot ng damit. Agad akong nagbihis at hinatak si Angel palabas ng kwarto. Kapag nagtagal pa kami dun sa kwarto ay baka maulit ng maulit ang ginawa ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo kong kausapin ko si Migs? Mabait naman siya. Saka sabi niya ay friends kayo kaya gusto ko rin siyang maging friend." sabi sa akin ni Angel at napansin ko na medyo namamaga ang labi niya. Matindi ata ang  pagkakahalik ko sa kanya kanina kaya namaga ng ganun ang labi niya.

"Hindi naman sa ayaw. Kaya lang kasi kilala ko si Migs. Babaero yun...baka may gawing kalokohan lang sa iyo yun." sabi ko na hindi makatingin dahil kung tutuusin ay ako ang may ginawang kalokohan sa kanya.

"Anong kalokohan?"

"Basta. Tara kain na tayo nagugutom na ko." sabi ko sabay hatak sa kamay ni Angel.

Pagpunta namin sa kitchen ay nakita ko ang chicken cordon bleu sa ibabaw ng table kaya natakam ako dahil isa sa paborito ko iyon ng luto ng asawa ko.

Oo nga pala...

My wife...

Bakit parang lately hindi ko na siya naiisip?

Hindi na ko nalulungkot sa pagkawala nila...

Dahil ba kay Angel?

"Sarap talaga ng pagkain ng tao. Sana may ganito din sa taas." sabi ni Angel na hindi na nakatiis na tumikim.

Nag-ayos ako sa dining table ng kakainin namin. Inasikaso ko maige si Angel at nagsandok ng pagkain sa plato niya.

"Kamusta naman anng mission mo dito sa lupa Angel?" tanong kong bigla kay Angel na ikinabigla niya. Actually hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam ko na nandito lang siya para gabayan at alisin ako sa kalungkutan pero paano kapag ok na ko?

Gaya ngayon...Babalik na ba siya sa langit? Iiwan na niya ko? Shit! Parang hindi ko kakayanin. Hindi ko alam pero may ibang damdamin ang bumabalot sa puso ko para kay Angel.

"Sa palagay ko medyo ok ka naman na. Tingin ko kasi hindi mo na masyado iniinda ang pagkawala ng mag-ina mo. Maybe one of these days ay makabalik na rin ako sa langit..."sagot ni Angel pero napansin ko na naiiyak siya.

Bakit kaya? May feelings din ba sa akin ang guardian angel ko?

"Paano yung nangyari sa atin kanina?" tanong ko sa kanya at nakita ko siyang namula ng todo. Hindi siya kumibo at tinuloy na lang ang pagkain.

Parehas kaya kami ng nararamdaman ni Angel sa isa't isa?

Sa totoo lang ayoko na siyang umalis...

I think I'm in love with my guardian angel...

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon