Chapter 7

1.5K 48 3
                                    


CHAPTER 7


Grabe! Nanghihina ako. Wala naman akong masyadong pinaggagawa pero bakit  parang pagod na pagod ako? Nai-stress ako sa guardian angel ko! Mabuti pang lumabas na ko ng kwarto at baka kung ano na naman ang pinaggagawa niya sa bahay ko...

Paglabas ko ay hindi ko siya nakita sa sala. Naaawa rin naman ako sa kanya dahil sa sala siya natutulog. Hindi ko pa kasi naiaayos yung isang kwarto dahil maraming nakatambak na gamit. Kapag yun ang pinagamit ko sa kanya baka galisin lang siya sa dami ng alikabok baka masira pa ang makinis niyang kutis. Mas lalong hindi rin naman siya pwede sa kwarto ko...baka kung ano lang magawa ko sa kanya at pagsisihan lang namin parehas.

Bakit kaya wala si Angel kahit sa kitchen wala rin. Saan kaya nagpunta ang babaeng yun? Sumilip ako sa banyo pero wala rin siya doon. Bigla akong nag-alala sa kanya. Baka kung napaano na sya? Tatanga-tanga pa namang anghel yun!(Sorry lord pero totoo naman kasi). Saan kaya siya nagpunta? Lumabas ako ng unit ko pagtingin ko malapit sa elevator ay nakita ko si Angel kausap ni Migs! Nagtatawanan pa ang dalawa habang nag-uusap. Shit! Baka inuuto na ng gunggong na yun si Angel ah! Masasapak ko siya kahit kaibigan ko pa siya.

"Angel!!!" tawag ko sa kanya kaya napalingon silang dalawa ni Migs sa akin. Nakita ko si Angel na inirapan ako! Bakit kaya? Ano naman kaya ang problema ng anghel na ito? Mabuti na lang at nakadamit na ang guardian angel ko. Suot niya ang malaking tshirt na itim na binili ko sa kanya at short na maong.

"Lucas! Kamusta na? Sabi ni Angel sa akin masama daw pakiramdam mo dahil maghapon ka nakakulong sa kwarto.Mabuti na lang dumating ang pinsan mong si Angel kahit paano may mag-aasikaso sa iyo. Hindi mo sinasabi sa akin na may maganda ka palang pinsan i mean sobrang ganda."sabi ni Migs sa akin na nakangiti na siyang nagpainit lalo ng ulo ko. Gusto ko na siyang bigwasan dahil nakita kong hawak hawak niya ang kamay ni Angel. Ito namang anghel na ito hindi ba niya nahahalata na tsinatsansingan na siya nitong gag*ng ito? Shit!

"Ah pare hiramin ko muna ang PINSAN ko ha? May ipapagawa lang ako sa kanya. Sige." sabi ko kay Migs sabay hatak sa kamay ni Angel papunta sa unit ko. Hindi ko na hinintay sumagot si Migs at ayoko ring marinig ang kung ano pa mang sasabihin niya. Naiinis ako talaga sa kanya...sa kanilang dalawa.


Pagkapasok sa loob ng unit ko biglang hinatak ni Angel ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

"Don't touch me!" sigaw sa akin ni Angel na ikinagulat ko.

"Why? Galit ka ba sa akin?" tanong ko na sobrang nagtataka.

"Pagkatapos mo kong sigaw-sigawan kanina? Bakit ba lagi mo kong sinisigawan? Hindi mo ko alipin! Guardian angel mo ko pero bakit ganyan mo ko pakitunguhan? Naiinis ako sa iyo! Gusto kitang gawing kuto! Pinipigilan ko lang ang sarili ko..."sabi ni Angel sa akin na umiiyak na. Hindi ko inakala na masama pala ang naging dating sa kanya ng sinabi ko kanina. Pinalabas ko lang naman siya ng kwarto ko dahil natatakot ako sa sarili ko na baka kung ano magawa ko sa kanya...

"Sorry. I didn't mean to hurt you. Nabigla lang ako talaga kanina nung nagpunta ka sa kwarto ko... Sorry na..Hwag ka nang umiyak please..."sabi ko kay Angel habang pinupunasan ang luha niya sa mata. Sobrang amo talaga ng mukha niya. Kanina ko pa gustong-gustong halikan ang mga labi niya kaya lang natatakot ako...

"Natatakot ka saan?" tanong sa akin ni Angel. Iyan na naman at nabasa niya ang nasa isip ko. Ano ba ang gagawin ko sa iyo Angel? Nadedemonyo talaga ako sa iyo. Shit naman itong nararamdaman ko! Nagulat ako nang bigla akong halikan ni Angel sa labi! Shit! Ang lambot ng labi niya... Saglit lang ang pagdampi ng labi nya sa labi ko pero para akong mamamatay sa sobrang saya na nararamdaman ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa guardian angel ko?

"I kissed you para tumigil ka na sa pagmumura. Kahit anong sabi ko sa iyo na masama iyon lagi mo pa ring binabanggit." sabi ni Angel sa akin na nakangiti.

"Paano kung hindi ko makontrol ang pagmumura ko? Anong gagawin mo? I-kikiss mo uli ako?" tanong ko sa kanya na nakangiti rin.

"Hindi noh! Isa-isa kong aalisin ang ngipin mo. Isang mura, isang ngipin. ahahaha!"sabi ni Angel na nakatawa kaya nahawa na rin ako sa pagtawa niya. Sobrang ganda niya talaga. Hindi ko mapapayagan na magkalapit sila ni Migs. Mukhang hindi ko pwedeng iwang mag-isa si Angel at baka masalisihan ako...

"Ano nga pala kinain mo kaninang lunch? Sorry ha hindi na kita naipagluto medyo sumama lang kasi kanina pakiramdam ko." sabi ko kay Angel dahil sa sobrang pagkabigla ko kanina sa pagpasok niya sa kwarto ko ng walang saplot hindi na ko lumabas ng kwarto. Nakalimutan ko tuloy na magluto para sa lunch namin.

"Yung milk lang na nasa ref. Sorry naubos ko na." sabi ni Angel sa akin. Bigla akong naawa sa kanya. Hindi pala siya kumain ng lunch. Kunsabagay parehas lang naman kami.

"Halika sa kitchen. May spam ako at tasty bread yun na lang ang kainin muna natin mamya sa dinner na lang tayo bumawi." aya ko kay Angel sabay hawak sa kamay niya. Bakit ganun? May kuryente akong nararamdaman kapag hinahawakan ko ang kamay niya? Hindi ko yun naramdaman sa asawa ko dati...


My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon