Chapter 26

1K 25 2
                                    

CHAPTER 26


Sa kabilang kwarto ko pinatulog si Rachel at si Angel ay pinalipat ko sa kwarto ko. Ayaw niya sana pero sinabihan ko na siya na maldita si Rachel kaya hindi sila pwedeng magsama sa kwarto. Yung mga damit ni Angel ay nilagay ko muna sa closet ko para magamit ni Rachel yung closet sa kabila.


"Paano yan Lucas saan ako matutulog? Sabi ko sa iyo ok lang ako sa sofa sa salas."sabi ni Angel na nahihiya at namumula.


"No! Mahihirapan ka doon saka hindi mo kilala si Rachel...gagawan ka lang ng kalokohan noon kapag nakita kang natutulog sa sofa sa salas. Baka paggising ko na lang makita ko na kayong nagpapatayan sa labas! Kaya mas mainam na dito ka na lang. Don't worry I'll behave."sabi ko na lang sa kaniya para hindi na siya mag-alala.


"Pero baka masikipan ka lang sa..."sabi ni Angel kaya bigla kong pinutol para wala na siyang maidahilan pa.


"Diyan ka sa kama, ako dito sa sahig. May extra comforter pa naman ako kaya iyon ang gagamitin ko. Now pwede na tayong matulog dahil may pasok pa tayo bukas." sabi ko na lang habang inilalatag ang comforter sa sahig.


"Sure ka Lucas? Baka mahirapan ka dyan...kasya naman ata tayo dito sa kama kaya lang baka malikot ka matulog."sabi ni Angel na nakamasid sa akin habang nag-aayos ako ng higaan ko. Alam ba niya ang sinasabi niya? Baka kapag natulog ako sa tabi niya hindi ko lang mapigilan ang sarili ko.

"Malikot nga ko...matulog ka na. Ok lang ako dito sa sahig. Goodnight Angel! Sweet dreams." sabi  ko na lang sa kaniya habang humihiga sabay pikit ng mga mata. Mahirap na baka  kung ano lang magawa ko sa kaniya lalo at nandito kaming dalawa sa loob ng kwarto ko.

"Goodnight Lucas..."sagot ni Angel sa malamyos na boses kaya pinigilan ko ang sarili kong dumilat. Dumapa na lang ako para hindi makita ni Angel ang pagpipigil ko. Hindi ko alam kung makakatulog ako nito. Nakailang biling na ko pero di pa rin ako dalawin ng antok.

Sinilip ko sa kama si Angel at nakita ko siyang himbing na sa pagkakatulog.

Mabuti pa siya mabilis nakatulog samantalang ako eto mukhang mapupuyat na naman.


Ilang gabi na kong hindi nakakatulog dahil kay Angel...


Kinabukasan


Nagulat ako sa lakas ng alarm ng cellphone ko. Naalala ko may pasok pa nga pala ko sa office kaya agad akong bumangon at nagtungo sa bathrooom. Hahawakan ko pa lang ang doorknob ng pinto nang bigla itong bumukas at lumabas si Angel. Parehas kaming natulala sa isa't isa.

Nakabalot lang kasi ng bath towel si Angel na obvious na katatapos lang magshower. Sa gulat ni Angel ay agad umalis sa pinto para makapasok ako sa loob ng bathroom. Naiwan naman akong tulala sa harap ng pinto.


***Angel's POV


Oh-em-gee! Nakakahiya...Akala ko mamya pa siya magigising.

Masyado kasi ko nalibang sa pagtingin sa loob ng banyo ni Lucas eh! Naghahanap kasi ako ng shampoo na kagaya ng ginagamit ko sa amin sa bahay pero wala.

Ok naman yung scent nung mga shampoo at sabon kaya lang parang kaamoy ko na si Lucas. Nakakahiya pa baka magalit siya dahil ginamit ko yung mga sabon at shampoo niya. Kailangang bilisan ko na lang pagbihis baka lumabas na siya galing banyo!

Naalala ko kagabi na muntik na kong mahuli ni Lucas na gising pa. Gusto ko sana siyang silipin sa sahig kung tulog na pero nagulat ako dahil naunahan niya ko kaya bigla kong pinikit ang mga mata ko. Isang oras lang yata ang itinulog ko dahil naiilang ako sa kaniya kaya pagkagising ko kanina ay agad akong naligo kaso nagpang-abot pa rin kami.


Pagkaayos ko ay agad akong lumabas sa salas para doon ko na lang hihintayin si Lucas. Nakita ko si Ms.Rachel maldita na nakaupo sa sofa habang hawak sa kaliwang kamay ang isang cup ng coffee.

"Oh! You're awake...How's Lucas in bed?" tanong sa akin nung maldita na nakataas ang kilay. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayokong makipag-away sa kaniya.


"You better keep your eyes on him or else..." sabi nito na hindi natuloy dahil sa biglang pagsagot ni Lucas na nasa likod ko na pala.


"Or else what Rachel???" tanong ni Lucas na namumula sa galit. Si Rachel naman ay biglang tumayo at dumiretso sa kwarto.


"H'wag mong papansinin si Rachel. Napaka-maldita talaga nun kung hindi pa ko nakalabas baka kung ano na gawin sa iyo!"sabi ni Lucas sa akin sabay hatak ng kamay ko para lumabas ng unit.


Naiilang talaga ko kapag hinahawakan ako ni Lucas. Lagi kasi akong nakukuryente sa kanya! Para siyang kalahi ni Zeus sa tindi ng kuryente na nararamdaman ko sa kaniya kapag nagdidikit ang balat namin.

My Sweet Naughty AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon