Chapter 22

3.8K 145 18
                                    


GHA Chapter 22

I'm not drunk, but it feels exactly like I'm intoxicated—not by alcohol, but because of Cyron's kiss. I can't get over! Hindi ko makalimutan na kahit anong pilit ko itulog, wala. Ang hyper ng utak ko buong magdamag.

I thought it wouldn't be a big deal since it's not my first time to experience that kind of kiss. It's just a kiss! Nothing's special. But, who am I kidding? Deep inside, alam kong naapektuhan ako.

Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang nangyari. Halos mabaliw na ako sa kama ko, nagwawala dahil sa kahihiyan.

"Hey bitch! Are you with us?" Jerick snapped me.

"Kanina pa gan'yan si Chen. Preoccupied na puyat," si Kyela naman.

Inangat ko ang aking ulo mula sa pagkakatungo sa lamesa. I took a sip of my iced coffee to keep me somehow awake. Ilang oras lang kasi ako nakatulog tapos need din agad gumising since morning class kami. Hindi pa nga ako sigurado if considered ba na tulog 'yon dahil nakapikit man ako, aware akong gising na gising ang diwa ko.

"May pumuyat ba sa 'yo kagabi?" walang preno na tanong ni Jerick.

"W-What?"

"Frankly, I won't buy your reason if it was either because of acads or your work. I'm intrigued so tell me bitch."

Hindi nila ako nilubayan ng tingin kaya napabuntong hininga ako.

"Later. Huwag dito sa cafeteria dahil expected kong mabibigla kayo." They grinned wickedly. Mas lalo silang na-intriga kaya iniba ko na ang topic.

"Balik tayo sa pinag-uusapan ninyo kanina. Parang may pina-plano kayo?"

"Are you too preoccupied to forget that tomorrow is your special day?" hindi makapaniwalang tanong ni Kyela.

Confused, I arched my brow. "Ano mayroon?"

"Gaga ka! Birthday mo na bukas bitch!" Jerick exclaimed on top of his high-pitched vocal cords.

Walang hiya rin talaga. Pinagtinginan tuloy kami.

"Thank you for reminding me," bored kong tugon. "So, ano 'yang sinusulat ninyo?"

"Plano. Kami na nag-iisip dahil wala ka atang balak paghandaan ang birthday mo. It's up to you kung anong pipiliin mo."

I frowned. Hindi ako excited sa birthday ko kaya ayoko rin magplano. I'm not yet sure kung uuwi ba sina daddy at Xian, then kung magkakaroon ba ng celebration sa bahay. I wish na ganoon nga ang mangyari para makabawi man lang 'yung parents ko sa mga parusa nila sa 'kin.

Kyela suddenly raised a suggestion, "If ever na sa mansyon ninyo ang celebration, pupunta kami at isasama na ang tropa para makapag-bonding, or better mag-sleepover kami sa inyo."

"Plan b: If walang ganap sa mansyon ninyo, sa resto bar tayo. Let's get wild and wasted! Then the party will continue in your house, sleepover with the gals and guys," si Jerick naman ngayon. "Great idea, right? I know you'll agree bitch."

Natawa ako at napa-iling. I really appreciate their effort to plan for my own birthday. Sila na mismo ang nag-outline ng mga gagawin. Handa at venue na lang siguro 'yung ambag ko.

"Bahala na bukas. I'll update you kung plan a, or plan b tayo," I said sabay ubos ng aking inumin.

"You'll spill the beans pa, right? Sa field tayo tambay," ani Kyela. Hindi talaga nila ako tatantanan kaya hindi na ako umangal pa. Kailangan ko rin 'tong i-share dahil baka mabaliw ako kaka-isip.

Tumayo na kami agad at pumunta sa field. Nang makahanap ng bakanteng pavilion, umupo na kami. Kaharap ko ang dalawa kong kaibigan dahil pabilog ang upo namin. Illogically, ganito madalas ang pwesto namin 'pag nagtsi-tsismisan or may sikretong ibubunyag.

Getting His Attention (Completed)Where stories live. Discover now