Chapter 6

6.5K 202 22
                                    


GHA Chapter 6

If he thinks his words can turn me off, then he's wrong!

Don't mess him again? Duh. I'm not—not even once. Pang-gugulo ba sa tingin niya ang ginagawa ko? Well, sort of. But, patikim pa lang 'yon.

It's not that serious. Wala pa iyon sa mas malala at kaya kong gawin, pero binalaan niya na ako.

What's that? Safety precautions?

Kung sa tingin niya mapapasuko niya na ako bago pa ako magsimula, mali siya ng inaakala. Binigyan niya ako ng dahilan para mas maging interesado sa kaniya—at kulitin na rin.

For now, I need to work. Bumalik na ako sa kusina at tumulong. Sa mga susunod na araw, tuturuan na ako magluto at iyon na ang magiging main task ko. Madali siya panoorin, pero mahirap gawin.

Some says, magaling at maalam magluto ang isang babae. It's a necessary skill. Dapat taglayin o kailangan matutunan. Karamihan sa mga babae ay marunong at masarap magluto. In my case, isa ako sa hindi pinalad na mapasama sa karamihan.

I'm not into cooking. I tried, but never did it again. May katulong kami sa mansyon kaya hindi na ako nag-effort matutunan iyon. Now, I need to. Ayoko magkalat sa kusina. Ayoko rin ulanin ng reklamo ang store at sisihin ako dahil sa hindi kaaya-ayang lasa ng niluto ko.

But it depends. Maaaring mag-effort ako para maging perfect at masarap ang luto ko, or pwede ring isabotahe ko lalo na 'pag nalaman ko kung sino ang customer. Right! Gano'n ang gagawin ko.

"Paligpit muna nito Jillian," utos ulit sa 'kin. Ginawa ko ito agad at tinapon na sa trash bin ang mga kalat. Nang matapos, nagpalusot ulit ako na kailangan kong lumabas. Kung kanina, hindi totoo na restroom ang punta ko, ngayon legit na.

Inayos ko ang aking sarili sa tapat ng salamin at pinunasan ang pawis sa mukha. I shot a sideways glance at the door. May tatlong maiingay na babae ang pumasok.

"Dalian niyo umihi!" sigaw ng isa at pumasok na sa cubicle ang dalawa niyang kasama.

Ang babaeng naiwan ay katabi ko ngayon, naglalagay ng kolorete sa mukha habang pangiti-ngiti.

I rolled my eyes. Naghugas na ako ng kamay at nag-sanitizer. Lalabas na sana ako, pero pinili ko muna manatili dahil narinig ko ang pamilyar na pangalan.

"Order na tayo!" aya ng babae na kalalabas sa cubicle. Lumabas na rin ang isa at nagsalamin.

"Mapapansin na kaya ako ni Cyron?" kinikilig na tanong ng katabi ko. Naningkit lalo ang mga mata ko at pinasadahan siya ng tingin sa salamin. She's trying hard to fix her face. Her motive? To attract Cyron? Pathetic.

"Sure iyan! Order ka ng marami. Tapos dating gawi, lagi natin tawagin!"

"Harutin mo lang. Tapos mamaya, pa-picture tayo!"

At nagtilian silang tatlo, nag-echo pa ang matitinis nilang boses.

"Let's go! Spotted ko na si Cyron kanina!" Nagmadali na silang umalis para gawin ang kanilang binabalak.

Hindi pagkain ang pakay nila rito, isang crew ang binabalik-balikan. Cyron is not in the menu, but seems like he's the best seller huh? Malaki siguro ang kita ng store dahil maraming customer ang pabalik-balik at nagda-dine in, lalo na tuwing umaga.

I strode outside and stayed near the counter. Hinagilap ko ang mga babae kanina at natagpuan sila sa gitna. Tapos na sila um-order dahil may numero nang nakalagay sa kanilang mesa.

"Miss, pasuyo ng dalawang baso ng tubig." Nilingon ko ang customer na may hawak na tray. I only nodded, pero nanatili pa rin akong nakatayo sa aking pwesto. Sisiguraduhin ko muna kung si Cyron ba—huwag sana—ang maghahatid ng order sa tatlong babae na na-encounter ko sa restroom kanina.

Getting His Attention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon