Chapter 36

3.9K 135 31
                                    


GHA Chapter 36

Game is really over. No playing. No regrets. My heart already knows that he's the one.

Cyron is by far the best among the boys I've known.

Kaya ko talagang i-justify na siya 'yung the best 'cause I'd been in a relationship with different boys. Alam ko talaga na temporary lang sila dahil ramdam ko na may kulang. May mali.

And knowing myself, I never settle for anything less than I deserve.

Kung sa itsura ang pag-uusapan, lahat sila may laban. But when it comes to character and wisdom, Cyron is definitely the winner.

Na-attract niya ako noong una sa itsura. But him, being intellectually attractive, it always hits different.

I am too blown away by his intelligence and principle. I fall hard because... it's him.

Si Cyron na talaga. Sigurado na ako kaya sinagot ko na siya at handa nang ipangalandakan 'to sa mga kaibigan ko ngayon. Hmm...maybe soon, I'll formally introduce him to my family. Kapag umuwi na sila rito para personal kong maipakilala.

"Hey, bitch! What's the meaning of that?" Jerick asked as soon as I came together with Cyron.

Sinabihan ko sila na maghintay sa cafeteria dahil may ibabalita ako sa kanila. At ito na 'yon.

Tinaas ko ang nakasalikop na kamay namin ni Cyron na unang napuna ng mga kaibigan ko.

"Kami na," I announced, trying to contain my excitement, but I couldn't mask the wide smile on my face and my enthusiastic tone.

"I want you to meet Cyron again..." Sinulyapan ko muna siya bago muling tinignan ang dalawa kong kaibigan. "He's now my boyfriend."

"Y-You two are officially in a relationship? Omg Chen!"

"Wow bitch... Wow! I'm gonna cry!"

Gustuhin man nilang tumili sa labis na kilig, they opted not to, and just suppressed it by covering their mouths. Marami kasing tao ngayon dito. May ibang nakiki-usyuso na kaya kapag tumili pa sila ay masyado nang agaw-pansin.

Left with one choice, naghampasan na lamang sila at hindi rin ako nakaligtas sa mapanakit nilang kamay.

"Ang daya Chen! Ikaw lang pinagpapala sa ating tatlo!" asik ni Jerick.

"Crush mo lang siya noon, jowa mo na ngayon!" panunuya naman ni Kyela.

"Wala na! Taken na si Cyron. Wait! May kaibigan 'yan, right? Engineering student na available pa sana."

Pinandilatan ko siya. "Your mouth. Nakakahiya kay Cyron," pabulong kong suway.

Nilingon ko si Cyron at sinipat kung komportable pa ba siya. He flashed a smile and gently pinched my hand, as if assuring me that he's fine.

Kunyari pa 'to. Alam ko namang medyo nahihiya siya. Ako pa nga lang na nanunukso sa kaniya, hindi niya na kinakaya. What more pa na pati kaibigan ko na? Maiilang na siya for sure. I even not missed to notice a blush on his face when I proudly announced to my friends that he's my boyfriend.

He really has this soft side behind his enigmatic and rigorous facade.

"Libre naman diyan, oh! Sakto break time at nasa cafeteria na tayo," parinig ni Kyela na ginatungan pa ng isa.

"She's right! Come on lovebirds! Celebrate natin 'yan!"

"Bakit kami ang manlilibre?" I frowned at them.

"Sige," Cyron butted in. Bahagya akong nagulat, pati mga kaibigan ko na hindi siguro inaasahan na papatulan ni Cyon ang pasimple nilang biro.

"Ako na magbabayad," he said in finality. Binitawan niya sandali ang kamay ko para kuhain ang wallet niya.

Getting His Attention (Completed)Where stories live. Discover now