Chapter 51

3.7K 126 46
                                    


GHA Chapter 51

Xian and I bade a farewell to Manang Trinidad. Kaming dalawa ang naghatid sa kaniya sa terminal ng bus gamit ang SUV ni Daddy. Napabuntong hininga ako nang makapasok na sa sasakyan namin.

Pabalik na kami sa Ylarde nang makita na nag-reply na si Cyron sa tanong ko kung saan kami magkikita.

From: Engr. Alfante

Sa dating lugar.

That was my comfort place; and Cyron's favorite waiting area.

"Ibaba mo na ako sa kanto," utos ko kay Xian nang makarating na kami sa Ylarde.

"Saan ka?"

"Pupunta ako sa dulo ng Palaisdaan."

Malapit lang sa amin 'yung dulo ng Palaisdaan. Walking distance lang actually 'pag dito sa Ylarde. Si Cyron taga-Lacro, malapit sa kanila ang bungad ng Palaisdaan kaya malamang sumakay siya para makarating sa dulo.

"Sige, Jie. Basta uuwi raw tayo sa Manila mamaya." I nodded at him and stepped out of the car.

Almost everyone's eyes were fixated on me. People were craning their necks. Mukha ata akong turista at nangingibabaw din talaga 'yung puti ng kutis ko. Diretso kong binaybay ang daan hanggang sa makarating na ako sa Palaisdaan.

My hair was blown by the gentle wind. I held it on the right side of my neck habang dinarama ang suot kong isinasayaw din ng hangin. I'm wearing a simple dress with ruffled sleeves. It's kinda flowy. Malaking hat na lang talaga ang kulang at mukha na akong turista na namamasyal sa malawak na lupain.

I smiled when I noticed a man's figure beside the big tree. Hindi talaga mahirap makilala si Cyron kahit malayuan pa.

Simple lang ang suot niya. Just a black T-shirt and maong pants, plus his silver watch. Naka-upo siya sa damuhan. Nakataas 'yung isang tuhod niya at doon nakasandal ang kanan niyang kamay na may hawak na cellphone. He was as if waiting for it to light up or vibrate.

"Cyron," kuha ko sa kaniyang atensyon.

He immediately stood up. Kung siya tiningala ako kanina, ngayon ako naman dahil hanggang chest niya lang ako 'pag hindi ako naka-high heels. He's incredibly towering over me.

Mabilis niyang pinagpag ang pantalon niya at itinago na ang cellphone sa bulsa habang hindi inaalis sa'kin ang mga mata. His gaze was so intense and deep. Bumagsak ang tingin niya sa suot ko at bumalik sa aking mukha.

My face flushed.

What's with that stare, like he was dazed and starstruck at the sight of me?

I pursed my lips. May ganito pala akong epekto sa kaniya. O sadyang naninibago lang siya sa itsura ko na hindi niya madalas makita noon.

"Pinaghintay ba kita?"

He blinked. "That... hindi naman."

I nodded. Pero hindi ko natiis na hindi siya sipatin at idampi ang likod ng palad ko sa noo niya. Thank God. No fever. Nag-alala talaga ako sa kaniya kagabi. Mabuti sumakay na siya sa taxi kaya nasiguro kong makakauwi siyang ligtas.

"Sorry." Binawi ko agad ang kamay ko nang mapansin na nabigla ko ata siya. "Just checking. Akala ko nilagnat ka."

"No time to get sick. Ito lang ang araw na pumayag ka... at baka maging huli na," he said, a smile crept onto his lips, but faded instantly. "Tara na?"

I nodded, letting him guide the way.

This felt like the good old days. Cyron requested this... act as if no shits happened between us. We should not bring the issue up nor argue about that. Just have a civil and casual conversation.

Getting His Attention (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें