Chapter 30

4.6K 141 42
                                    


GHA Chapter 30

"Sinasagot na kita agad Cyron..."


"Ma'am Jillian! Alas sais na! Hindi na po oras para managinip!"

Isang ingay ang gumambala sa mahimbing kong pagtulog. Sa kagustuhang ibalik ang napakagandang imahe at eksena sa aking isipan, hindi ako nagpatinag.

I am on cloud nine. I don't want to wake up from this euphoric dream!

"Gising na po ma'am Jillian! May klase po kayo ngayon!" walang tigil na pag-gising sa'kin na may kasamang pagyugyog. Yaya Rosalie was really persistent to break my dream until it faded into oblivion.

I groaned inwardly. "Ya! Just for once let me sleep like a pretty panda!"

"Pero ma'am, may klase po kayo. Kailangan mong pumasok at mag-aral. Mababawi naman po ang tulog—"

"Tulog, oo. Pero 'yung magandang panaginip ko, hindi na!" Padabog at dismayado akong bumangon.

Ugh! I really hate waking up just to attend school early in the morning! In fact, hindi 'study first' ang motto ko kaya hindi talaga ako gaganahan gumising ever.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tumayo at wala sa wisyong tumulala sa malaking salamin.

Was I dreaming or...

Nevermind. That's too good to be true. So yeah, I was basically dreaming about my dream.

Lukot ang mukha at bagsak ang aking mga balikat na humarap kay yaya Rosalie na abala sa pag-aayos ng higaan at paghahanda ng mga gamit ko.

"Where's my dad? Bumalik na ba sila sa Maynila?" nakabusangot kong tanong.

"Ay hindi pa ma'am. Si sir Liam, maaga pong pumunta sa bayan para bisitahin ang Universal Mart."

"And my brother?"

"Mahimbing pa pong natutulog..."

Mas lalong lumukot ang aking mukha dahil sa naramdamang inggit. Bagay ang katagang "sana all" sa ganitong sitwasyon.

"See. Gano'n din sana ako ya kung hindi ka nambubulabog sa kwarto ko," I hissed to vent my dismay. Gosh! Life is so unfair!

Diretso ligo na lang ako at isinara na ang pinto ng kwarto para payapang makapagbihis at makapag-ayos. Unfortunately, I heard three consecutive knocks on my door.

"Hija, tapos ka na ba?" si Manang Trinidad naman, "May naghihintay sa'yo sa labas ng gate. 'Yung kaibigan mo."

"Papasukin niyo na lang po manang. Patapos na ako."

"Nahihiya atang pumasok hija. Puntahan mo na lang sa labas pagtapos mo."

I furrowed my brow. Kailan pa nahiya ang mga kaibigan ko?

Binilisan ko na lamang ang pagkilos at binitbit na ang aking handbag palabas ng mansyon. Wala akong natanaw sa gate na kotse, o kahit anino man lang ng kaibigan ko sa tapat ng gate. Kinailangan ko pang tumapak sa labas at luminga sa gilid bago nakita ang taong naghihintay sa'kin.

Kaibigan, huh?

Likod at matipunong balikat pa lang, batid kong si Cyron na ito. May suot siyang white longsleeve na polo, itim na pantalon at may sukbit na bag sa likuran. He's looking on the ground while pacing back and forth. Nakahalukipkip din siya na tila ba may malalim na iniisip kaya ganoon na lang din ang pagkagulat niya nang mapansin akong nakatayo habang pinapanood siya.

Tumikhim siya at maagap na lumapit sa akin. "Good morning."

"Nananaginip na naman ba ako?" kausap ko sa aking sarili habang ilang beses kumurap-kurap kay Cyron.

Getting His Attention (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ