Chapter 2

8.6K 247 19
                                    


GHA Chapter 2

The sunlight had already seeped through the window, giving me hint that it was already late morning. I jumped out of my bed and did my morning routine.

Napailing ako nang makita ang mga naiwan na marka sa aking balat dahil sa kuko ng babaeng nakaaway ko kagabi.

Scratches, bruises, and headaches. Iyan ang mga madalas bumungad sa akin tuwing gigising ako. I get used to it. Well, having physical pain is still bearable. Except for a certain pain that has been instilled in me for ages. I've even learned to live with it. Nothing's new.

Mabibigat na hakbang ang aking ginawa pababa sa hagdan. Tumungo ako sa hapagkainan at nadatnan na ang mga nakahaing pagkain para sa'kin.

I sat on a chair and stared blankly at the wide spaces of the long table. What's the purpose of putting so many chairs when no one will sit on it? Nagiging display lang ang mga ito.

Napaka laki ng bahay; ako at dalawang katulong lang naman ang palaging nandito. Same scenario as always. Ganito madalas ang datnan ko, nakakabagot at araw-araw kong nararamdaman na may kulang—pilit mang punan, hindi pa rin sapat.

It's distressing as hell.

"Hija, ubusin mo sana ang pagkain mo. Baka sabihin nila Sir at Madam na pinapabayaan ka namin," pag-aalala ni Manang Trinidad habang nililigpit ang pinagkainan ko.

"Well, to begin with, malabong sabihin nila 'yon, Manang. Saka, sa kwarto ko na po sana dalhin 'yung pagkain sa susunod. Baka ganahan pa po ako," saad ko.

Wala rin namang pinagkaiba iyon. Parehong kakain din nang mag-isa.

"Hindi maaari. Hindi ba bilin ng Daddy mo na ugaliin mo raw kumain sa hapagkainan at dapat nasa tamang oras ka kumain."

Tanging tango na lang ang itinugon ko. Wala rin naman akong mapapala kung aapela pa ako. Umalis na lamang ako at naisipang mamalagi sandali sa bulwagan ng aming mansyon.

This is our family ancestral house. Sa side ng father ko ang malaking bahay na ito. Ancient style ang bahay, karamihan sa furniture ay antique at may classic designs. Ang flooring ay gawa sa makintab at kakaibang klase ng kahoy. May nakalulula ring silver chandelier at mga magagarang painting na hindi ko kailanman na-appreciate.

Ang engrandeng staircase ang pinaka agaw pansin pagpasok pa lang ng mansyon. It is made of polished old-hardwood with intricate designs on every edge of the stair and baluster. Pagtuntong sa itaas, makikita ang malaking picture frame kung saan nandoon ang family picture namin.

It was taken three years ago. Masyadong pormal ang pose. Apat kaming nandoon—my father, my mother, and my younger brother. My father, Liam Cojuangco is a Chinese-Filipino, rito na sa Areniego pinanganak at lumaki si Daddy. He met my mother—Cheril Serna Cojuangco na isang pure Filipina.

My Mom has a fair skin, rosy cheeks, thin lips and long-silky black hair. Hawig kami ni Mommy, ngunit mas maamo ang mukha niya. Medyo singkit ang aking mga mata na namana ko sa Daddy ko.

Si Xian na siyang nakababata kong kapatid ay kahawig naman ni Daddy.

Unang kita pa lang, malalaman na kabilang kami sa marangyang pamilya.

It seems like we have a perfect and happy family, but that's too far-fetched to be real. Kompleto kami sa picture na ito, ngunit bihirang makompleto sa personal.

Abala ang Daddy ko sa business niya. He has established his own mart here in Areniego. May bagong bukas din na branch sa Manila. Dahil may bahay din kami roon, mas pinili roon ni Daddy mag-stay upang maasikaso niyang maigi ang nagsisimula pa lamang na family business namin.

Getting His Attention (Completed)Where stories live. Discover now