Chapter 4

7.3K 238 32
                                    

GHA Chapter 4

Minamalas ako!

I've received two consecutive punishments just within a week!

Inaasahan kong malalaman ni Daddy ang gulong kinasangkutan ko noong enrollment dahil kaibigan niya si Dr. Suarez, ang president ng ACU at ang taong pinakiusapan ni Daddy na tanggapin ako roon... subalit hindi ko inaasahan ang matinding parusa na bumulaga sa'kin kaninang umaga.

Tinanggalan ako ng allowance at ang matindi, gusto ng mga magulang ko na magtrabaho ako!

This is the worst punishment I've ever received!

And the only words I got from them that they thought could console me was "para rin daw ito sa akin". They even told me that I needed to start at the beginning level in order to achieve the pinnacle of success. Mas nagtatagumpay daw kapag nasanay sa hirap at pagsubok—and so many sugar-coated reasons!

"Bilib na kami sa'yo, Chen! Inaasahan namin na first day of regular class, masasangkot ka na agad sa gulo... pero enrollment pa lang, Chen! Hindi mo na pinalagpas!" manghang turan ni Kyela.

"You beat the record, bitch! Ikaw na talaga!" dagdag ni Jerica at ginawaran pa nila ako nang mahinang palakpak.

Nilagok ko ang pang-limang baso ng vodka at napa-iling sa kanila. We are now in the bar, iba sa napuntahan namin noon. This is just one of my boring days 'cause all I want to do is vent my frustration.

"That's beyond my control. Hindi ko rin inaasahan na mapaparusahan ako nang ganito katindi!" I whined.

"Kaibigan ng Daddy mo ang president ng ACU. What do you expect? Yakapin ka sa tuwa dahil sa kahihiyan?"

I rolled my eyes at Kyela's remark.

Bawat sulok ata rito sa Areniego, may kaibigan si Daddy. Lahat sila mga big time kaya ayaw niya masira ang magandang reputasyon sa kaniya. Kung minsan, nais kong may naisusumbong sila kay Daddy upang maagaw ko ang pansin nito. Ngayon, hindi ko nagugustuhan! Wala sa plano at lalong hindi ko napaghandaan ang parusang ipinataw sa'kin.

Kung natunugan ko lamang, I would have withdrawn all my money from the bank.

"This is still too much. Mamumulubi ako." Wala akong allowance. My card is currently not in use as well.

"You can borrow to us," alok ni Jerick.

I declined. "Allowance ninyo 'yan. Isa pa, mangangailangan din kayo dahil malapit na ang pasukan," I reasoned out. "Ayaw din ni Daddy na manghiram ako. Gusto niya, magtrabaho ako."

"Then work at Universal Mart! Take the managerial position. Family business n'yo naman iyon kaya hindi ka na mahihirapan," ani Kyela.

That's my plan, too. Unfortunately, Dad can't trust me with our family business. Nakikita niya marahil na malulugi lang 'yung negosyo namin kapag sa akin pinahawak.

"Sa iba raw ako magtrabaho. Kailangan ko raw maranasan na mag-apply sa mga kompanya at masubukan ang kahit ano na pinaka mababang posisyon. Wala raw short cut, start from the basic," sagot ko habang inaalala ang mga linyahan ni Daddy kaninang umaga.

I tossed my drink down.

"Why do I have to suffer like this? Hindi naman ganito kalala ang mga parusa sa akin noon. Minsan, sermon lang. Now, inilipat na nila ako sa ibang university, tinanggalan na ng allowance at pinagtatrabaho pa!"

Halos sakalin ko na ang baso sa labis na panggigigil. Mabuti nasasapawan ng malakas na tugtugan ang pag-aalboroto ko kaya hindi ako pinagtitinginan ng mga tao.

"Mas malala ang parusa mo kapag nalaman ng parents mo ang kinasangkutan mo noon."

"Bitch spitting truth. Tatlo tayong mai-stress."

Getting His Attention (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon