PROLOGUE

72 1 0
                                    


DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The story might contain grammatical errors.

This story is not associated with the Catholic church and this story wasn't written to offend any religion, belief or faith.

Hindi naman siguro ako nag iisa kung nung bata ako pangarap ko to diba? Sino ba naman hindi gugustuhin na isang araw, mag lalakad ka patungong altar habang nag hihintay duon ang taong makakasama mo habang buhay.

Nakatayo ako sa labas ng simbahan, at pag bukas ng mga malaking pintuan non ay sabay tumunog ang musika at ang pag tunog ng kampana.

Lahat nakatingin sa babaeng naglalakad papuntang altar. Maaaring nakikita nila ang kagandahan ng suot nito, pwede rin iniisip nila kung bakit papakasal na, oh kung ano pa. Ngunit ako, habang naglalakad patungo sa altar, nakandado lang ang mata ko sa lalaking nasa altar.

Ang lalaking minsan pinangarap kong mapasakin, yung lalaking kinulit ko para mahulog din sakin. Kasama ko tumawa, umiyak, mangarap, at kasama ko sana tumanda. Andon sya, naghihintay sa altar habang nakatingin sa bride na naglalakad, habang nakatingin sakin.

Sa iba, maaaring umpisa pa lang ang kasal sa kanilang kwento, ngunit ako? ito na ang katapusan ng kwento ko.

Pag tungtong ko sa altar, ito na, sa ganito na lumalabas ang 'The End' sa mga fairytale. Sa hinaba haba ng prusisyon, sa simbahan din naman ang tuloy. Marami man akong pinagdaanan kasama siya, baka hindi lang talaga to para sa aming dalawa.

Ang kasal na to ang tutuldok sa kwentong to, ang kasal na to ang hangganan ng kwentong minsan naming sinimulan.

In fateWhere stories live. Discover now