Chapter 1

43 1 0
                                    


"GEMINI, UTANG NA LOOB GUMISING KA NA! PURO KA GALA PERO PAG MAGSISIMBA, NAPAKA TAMAD MONG BATA KA" sigaw ng nanay ko na kala mo naman huling misa na sa mundo.

Nag kusot ako ng mata bago dumilat at tignan ang oras, 6 AM? 6 AM pa lang ginigising na ko ng nanay ko? pumikit ako sandali at nag buntong hininga bago tumayo para kunin ang twalya ko at dumiretso sa banyo para maligo.

Lord, paki minusan mo nga po si mama ng ligtas points, nang gigising po eh may misa naman ng hapon.

Pagkatapos ko maligo ay dumiretso na ko sa kusina namin at doon naka upo ang nanay at tatay ko na nag a-almusal.

"Ma, Bakit maaga po tayo mag-sisimba?" Tanong ko habang nag papatuyo ng buhok gamit ang twalya ko at naglalakad patungo sa lamesa.

"Didiretso kasi kami ni papa mo mamaya sa Cebu, diba may bakasyon kami?" Banggit nya habang nag lalagay ng kung ano ano sa plato ko.

Tumango na lang ako at kinain kung ano ang nilagay ng nanay ko sa plato ko.

Di naman sa masamang bata pero di kasi ako maka-diyos. Lumaki ako na linggo-linggo nagsisimba pero walang dahilan, nagsisimba ko dahil obligado ko ni mama. Hindi ko nga maintindihan yung mga binabasa nila, ang alam ko lang eh pag ama namin ay mag hahawak-hawak ng kamay, palakpakan naman pagkatapos ng misa.

Nag cecellphone lang ako dahil di pa naman nag umpisa ang misa, nga pala andito na kami sa simbahan. Napaka aga pa namin para sa sunod na misa.

"Alexis! Andyan na si Levi!" Mahina ngunit rinig ko na asaran at pagkukurutan nung mga babae sa may gilid.

"Hay nako, Alexis. Wag ka na umasa dyan kay Levi. Baka mauna pa yan mag pari kesa jowain ka" sabi ng nakakatandang babae sa kanila.

Ayoko at wala naman akong pakialam kaya hindi ko na pinakinggan. Nasa simbahan pa man din tapos ang haharot. Di ako maka-diyos pero marunong naman ako rumespeto noh!

Nag umpisa na ang misa at nag lakad na ang mga panauhin papuntang altar. As usual tinitignan ko lang ang mga tao sa paligid dahil wala naman akong naiintindihan. Bukod sa hindi ako nakikinig eh sabog pa ang sound system nitong simbahan. Marami silang pa events pero walang pondo para sa sound system? Oh well di naman ako nakikinig ano bang pake ko?

Naramdaman ko ang kurot ni mama sa tagiliran ko nung nakita nyang nakatalikod ako dahil pinagmamasdan ko yung bata sa likod na nakatitig sakin, kamukha nya kasi yung sakristan kanina.

"Go forth in Peace, the mass has ended." Saad ng pari sa harap na hudyat ng katapusan na ng misa.

"Thanks be to God" sagot ng mga dumalo sa misa sabay palakpakan ng lahat.

Hindi ko mapigilan pero naiihi na talaga ko, normally di kami umaalis agad dahil sabi ng nanay ko dapat daw tapusin pa yung closing song bago lumabas.

"Ma, di ko na talaga kaya! Naiihi na ko. Uwi na tayo" pag mamakaawa ko habang marahang pinipisil ang kamay nya.

"Nako! May banyo dyan sa gilid. Maki-ihi ka na lang muna may kikitain pa kami eh." Mahinahon nyang sambit habang tinutulak ako patungo sa daan papuntang banyo.

Ayoko nakiki CR sa public CR kasi di ko alam kung sinanitize ba yon ng mga gumamit or may sakit ba mga gumamit. OPS DI AKO MAARTE AH! MAINGAT LANG!

Dire-diretso lang ako mag lakad patungong kung saan pero di ko makita ang banyo. May nakita akong mga lalake na naka white t-shirt at slacks at mukhang prenteng prente lang sila kaya sa kanila na lang ako lumapit.

"Excuse me, Saan yung CR?" Mahinang pagkaka-sabi ko buhat ng kahihiyan.

"Ay diretso ka na lang po dun oh, yung dulo po nyan ate eh CR" Banggit ng pinakamaliit sa kanila. Tancha ko mga 12 Y.O pa lang sya.

In fateWhere stories live. Discover now