Chapter 9

14 0 0
                                    



Ngayon ko lang naisip at narealize ng lahat ng ginawa nila Azi, maski yung sinabi ni Azrael sa exhibit. Nag replay sa utak ko yung sinabi ni Azi "Jealousy doesn't suit you bestie." Tinignan ko lang ng masama si Levi dahil nabigla naman talaga ko sa tanong niya. Paano niya kinakaya na pabilisin tibok ng puso ko ng ganito.

"Baliw?" Sasakyan ko muna ang trip nila Azi. You've been in control too much Levi, It's my turn.

"Tsss." He walked out on me after that. Nag lalakad na siya pabalik don sa office na pinang galingan namin kanina. If assumera ko iisipin ko na talaga na nag seselos siya kay Azi.



Nakita kong papasok si Sir Michael sa room namin kaya binilisan ko takbo ko para makapasok don. Wala na kami halos acad centered subjects puro research na halos. I scanned the room to check kung san may vacant seat dahil late ako because of oversleeping. Nakita ko ang bakanting upuan sa tabi ni Joseph. Shit! Bakit sa tabi pa ng lalaking yan? Nyeta awkward lang kami lalo sure.

"Gem, take your seat. I have some announcements."

Umupo ako sa tabi ni Jose at sinalubong niya ko ng napaka laking ngiti bago siya humarap kay sir para sa announcement nito.

"For your final activity for my subject, I want you to have at least 4 days church exposure. I'll play a video of the different choices you have for your church exposure."

The video played and showed faces na nakikita ko sa simbahan tuwing sunday. I smiled widely nang makita ko si Gabriel na nag sasalita. Nang lumipat ang video at si Mannex na ang nag sasalita, napa lingon ako kay Marielle. Malapad ang ngiti niya. Wow proud kapatid. Azi, Matthew and Levi's face appeared and I noticed how everyone looked at me. Wala ako ganong naintindihan sa video dahil distracted ako sa ginagawa ni Joseph, he was trying to reach my hand. Dati okay lang naman sakin kasi di ko nilalagyan ng malisya pero after all the realizations, I felt like he was taking advantage of the friendship.

"Ano kukunin mong church exposure?" Tanong ni Joseph sa tabi ko. Naka pabilog na kami by community ngayon para makapag tulung tulungan kung anong pipiliin ng bawat isa sa amin.

"Hindi ko naintindihan choices eh."

"Sabagay ako rin." Pag tapos niya sabihin yon ay hinawakan nya ang kamay ko na parang wala lang, parang normal na normal sa kanya. Marahan kong binawi ang kamay ko at nilabas na lang ang cellphone ko para sana mag tanong sa gc namin kung ano ano yung choices.


*Church bois + Gem* 

Di ko namalayan na pinalitan na nila pangalan, anyway.

Gem: Ano choices sa church exposure?

Nex: Sa inyo pinanood ate?

Gem: oo, requirement.

Azi: Masid kunin mo Gem, para kasama mo kami.

Levi: kunin mo kung san sa tingin mo pinaka makakapg serve ka.

Matthew: Sunget mo babe!!

Gab: *sent an attachment* open mo yung file ate andyan mga choices.

Gem: G, sa masid na lang.

Azi: bait talaga ng bebe ko.

Levi: Tss.

Azi: Ikaw nga yung bebe ko Levs, ambait mo kasi papapasukin natin yung mga kailangan ng church exposure.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In fateWhere stories live. Discover now