Chapter 6

21 0 0
                                    


"Ate, nalaglag mo wallet mo!" Hindi tumitigil ang pag katok ng katok ni Mannex. 

"Nex!" rinig kong boses  ni Matthew na tinatawag si Mannex.


I shrugged what I'm feeling at nag hilamos na lang bago lumabas. Wala na si Levi, wala na rin si Alexis. Ang nasa daanan na lang ay si Matthew at Mannex. Mannex handed me my wallet habang naka tingin lang samin si Matthew na mukhang alam kung ano ang nangyari.


"Hinahanap ka na ata nila Mama mo, tinanong ako ng mama ni Marielle eh."  banggit ni Matthew habang pinapatong ang surplice nya sa sutana nya. 


Tumango ako at inexcuse ang sarili ko sabay tuluyang umalis sa pinaparuonan naming tatlo. 


Nag paalam na ko kela Mama na mauuna na ko dahil mag cacatch up daw sila nila ng mama nila Marielle, wala naman si Ielle kaya di ako sumama.


*Mayeng*

'review. mcdo. sagot ko na reviewers mo hehe :)'

Agad ko syang nireplyan kaya dumiretso na ko sa Mcdo na malapit sa simbahan. Pag dating ko ay nag hanap agad ako ng mauupuan namin. 


"Kanina ka pa dito?" Pambungad na tanong ni Marielle habang binababa ang mga gamit na dala nya. Hingal na hingal pa nga sya, kala mo tumakbo.

"San ka galing? Bat ka hingal?"

"Te nag lakad lang ako, sorry ah!" sarkastikong sagot nya.


"Nga pala, eto reviewers mo. Libre kita, ano sayo?" 

"Bakit mo ko lilibre? ano meron?"

"bobo mo syempre maganda ko!"

"pero di pinag laban"

"Corny mo, kain ka sago"

"corny mo, kainin mo mga sinabe mo."

Inirapan nya lang ako dahil sa sinabe ko at tumalikod na para umorder. Ganon talaga biruan namin ni Ielle kaya alam kong di yon na-offend. 


Nag review lang kami ni Ielle dahil mock exams bukas. 

"Nakaka windang soc-sci." sabat ni Ielle sa mga bulong ko ng mga nirereview ko.

"Tss, kaya mo yan! Madali lang yan." 

"Strength mo kasi soc-sci." 

"Magaling ka naman sa research."

"Eh yon, san magaling?"


I looked to where she was pouting her lips at, si Levi na umoorder ang nakita ko. Is he alone? Asan na yung 'love' nya. 

"I saw you kanina." She opened.

It was an awkward silence between us after niyang sabihin yon. Naka tingin lang kami kay Levi pareho at sabay din kaming nagulat lumapit sya sa isang table na may babaeng naka upo.


"Di si Alexis yon diba?" Tanong ni Marielle habang naka tingin pa rin kay Levi na nakaupo na sa harap ng babae na di namin kilala.

"Di eh."

Nag basa na lang kami ulit pero biglang bumulong si Ielle habang nag lalakad papuntang cr si Levi at dumaan kung saan kami naka pwesto.

In fateWhere stories live. Discover now