Chapter 2

38 0 0
                                    


HA? Dapat kasama siya? Alam mo kung assumera lang ako, iisipin ko talaga na crush ako ng lalaking to.

Tapos siya pala si Levi, Si Mr. Masungit at Levi ay iisa. So crush siya nung Alexis? Eh ano naman? ano pake ko tss!

"Bakit dapat kasama ka?" Masungit na sabi ko sa Levi na yon.

"Pano ko masisigurado na in good hands tong mga bata? Pati may organization sila dito, Ako nag aalaga! Kung ayaw mo ko kasama edi maghanap ka ng mga bata mo." Mas masungit na sagot ni Levi sakin.

Tumango na lang ako, Kung ma-attitude ako, mas ma-attitude si Levi. Yung kagwapuhan nya? nakaka inlove, pero yung kasungitan? okay nakaka inlove slight pero mas nakakasira ng mood. Alam nyo yung tipong parang achievement pag nice sayo yung masungit na tao? Parang ganon. Lord ano ba to? alam ko naman po na medyo di tayo close pero bakit naman po sa sakristan niyo ko shiniship? BAKA OTP NYO PA KAMI NI LEVI NYAN AH

"Okay, Sige. Sama ka na" Mahinang sambit ko pero bakas sa boses ang pagsuko.

"Go Fr. Levi! WHOO" cheer ni Matthew sa kanya.

Bakit kaya Fr. Levi? I mean it's none of my business pero gusto kaya nya mag pari? Sayang naman, ang gwapo pa naman nya.

"Ulul mo." Sabay batok sa kasamahan nyang sakristan.

Hala? Nagmumura pala mga sakristan? Kala ko di makabasag pinggan sila. Mysterious neto ni Levi, ang dami niyang traits siguro. Shet? na cucurious ako sa kanya? omg di pwede noh. Nakaka curious lang sya pero di ako interesado. hayst.

Pinaalam ko sa mga kaibigan ko na ka grupo ko sa task na yon na nagawa ko na ang part ko para sa program. Hindi ko rin maisip na may pasok na naman bukas, nakakapagod.

The week went by so fast, friday na naman. May first friday mass nga pala today and di ko alam bakit ako usherette jusko. Maybe dahil sa council, nakita ko kase na may sash na "USHERETTE" yung ibang student council officers.

Simba na naman, Feel ko plus points ako sa langit tapos mag se-serve pa ko? OMG plus points talaga to. First time ko rin mag serve kaya ewan kinakabahan ako? Kasi parang nakakahiya mag kamali eh.

I did my part as an usherette before the mass starts pero may gagawin pa pala kami habang alay mamaya. Yung mangongolekta ng offerings sa tao.

Di ko alam bakit kinakabahan ako makakita ng sakristan ngayon, it's not like I'll see a good looking sakristan na as good as Levi. Wtf? ano ba tong iniisip ko? Am I really thinking about Levi? yuck omg!

Marahan kong kinurot sarili ko para bumalik ako sa focus sa real world.

"Ouch" oh diba parang tanga lang, kinurot ko sarili ko pero as if naman may ibang kumurot sa akin para mag ouch ako.

"Gemini, Focus!" saway sakin nung SC President.

"Lei, I'm trying. Bakit kasi ako inutusan nyo? Dami daming pwede mag usherette."

"Reklamo ka nang reklamo te, di ka talaga papapasukin sa langit nyan."

Masama kaming tinitignan ng mga teacher sa paligid kasi mukha kaming nag dadaldalan. Kaya nanahimik na lang kaming dalawa nang biglang may lumapit kay Lei at nag tanong, pamilyar na boses na naman.

"Lei, Wag ka na raw mag usherette, di pumasok yung inassign nyong commentator."

Pasimple kong nilingon kung sino yon, at PUCHA si LEVI na naman! ano na naman ginagawa niya dito? LORD OTP MO BA TALAGA KAMI? SURE KA NA?

"HOY GEM! IKAW NA BAHALA SABE KO." Mahina pero pasigaw na bilin sakin ni Lei bago sya tuluyang umalis, bago sila mawala ni Levi sa paningin ko.

Bakit kaya kilala nya si Lei? Bakit kaya sya andito? AT TEKA bakit siya iniisip ko? May misa eh hindi naman sya si Lord noh!

In fateWhere stories live. Discover now