Chapter 7

23 0 0
                                    




"May stain yung damit mo, galing ata sa kape." Nilayo nya yung bibig nya sa tenga ko. Yon lang sasabihin nya kailangan nya pa ko hatakin dito?

"May extrang shirt ako, dalhin ko dito. Hintayin mo ko."

Willing naman ako hintayin ka Levs, kahit gano pa katagal! EMS! Tinignan ko at may stain nga, pucha wala man lang nag sabi sakin? Mga pekeng kaibigan.

Bumalik si Levi na may dalang white shirt, may maliit na embroidery sa gitna ng scale of justice. Gusto nya ba mag lawyer? Pag abot nya sakin, umalis na agad sya para makapag bihis ako.

Pag labas ko, andon pa rin mga kaklase ko. Hinatak agad ako ni Ielle.

"May pag punta sa cr, te?"

"Gaga pinagpalit lang ako kase may mancha raw yung uniform ko."

"May Mancha, eme!"

"MA-" sisigaw sana ko ng Matthew at alam naman ni Ielle yon, tinakpan nya agad bibig ko kaya di ko na tinuloy yung sasabihin ko.

"Panget mo ka bonding, sige na mag iikot pa kami ni Pat. Gagawa raw ng parang exhibit review para sa values natin."

"Ako rin?"

"Auto pass ka raw, dahil ikaw nag bantay! daya"


Nilibot ko paningin ko at di ko makita asan si Matthew, ang nakikita ko lang si Levi, Mannex. Maski yung isang sakristan na mukhang mas matanda ng onti kay Mannex pero mas bata sakin, wala rin.

Lalapitan ko sana sila Levi kaso hinatak ako ni Joseph papalapit sa mga kaklase namin na nag lilibot sa exhibit.

"Tour mo kami!"

Wala na ko nagawa kasi naka-tingin sakin iba naming kaklase na parang hopeless na. Kinwento naman sakin yung mga kwento ng images kaya mato-tour ko naman sila ng maayos.

I looked at Levi habang nag sasabi ng infos about the images and he's looking at me, smiling even. He raised a thumbs up to me before turning his back to fix something.

That made me smile kaya napa tigil ako sa pagsasalita. My classmates teased me about it.

"Joseph, tigilan mo kase! Kinikilig tuloy si Gemini!"

Napatingin ako kay Joseph kasi di ko nga alam ginagawa nya eh. Si Levi naman kase talaga tinitignan ko. Joseph was just smiling and nung tumingin ako sa kanya, he winked. Di ba nya alam na mas awkward sa feeling? Denial na nga ako na napapansin ko na may gusto sya sakin, sinasagad naman nya.

I continued the tour and when it ended, iniwan ko na sila. Hinayaan ko sila mag ikot ikot. Lalapit sana ko kela Mannex kaso humarang si Joseph, na naman. I just looked at him, waiting na may sabihin siya. He's making things more awkward than they already are.

He was about to hug me, again. I stepped back pero di niya ata cinredit yon dahil lumapit lang siya lalo. When he was near again, inakbayan ako bigla ni Azi pati ni Matthew.

"Gem, lunch na tayo. Andyan na binili namin." Kahit ang inappropriate ng pag akbay nila, mas okay na sakin yon kesa sa ginagawa ni Joseph.


We were eating, andon pa rin mga kaklase ko nag iikot. Ayaw lang mag klase nyang mga yan kaya andito. Nag kukwentuhan lang kaming lima habang kumakain. Pinakilala nila sakin yung isang sakristan, Kapatid pala ni Azrael yon, si Gabriel. Mga angels pangalan pero ang babardagul ng ugali.

"Sobrang awkward kanina, yayakapin kasi dapat sya nung kaklase nya." Bungad ni Azarael.

"Oo, ambobo pa. Nakita na ngang lumayo si Gemini, lalapit pa." gatong naman ni Matthew.

In fateWhere stories live. Discover now