Chapter 5

34 0 0
                                    


Shiz! Puso ko naman! Dahan dahan ka lang, Leviticus! Hindi masaya yung ganyan baka akala nya marupok ako, oo nga marupok nga! Damang dama ko pag taas ng dugo ko sa buong kalamnan ko lalo na sa mukha.

"Pinag sasabi mo, Leviticus? Tara na nga."

Hindi sya sumagot pero ngumisi sya, galing ng lalaking to ah. Naeenjoy nya ba makita akong namumula?

Hinatak ko sya sa pulsuhan at diretso pumasok sa gate, pero bago kami tuluyang maka-pasok ay hinarang kami ni Chief,  yung head guard ng school.

"Kuya, baket?"

"Gem, pirmahan mo muna to." Sabay abot nya sakin ng papel na hawak nya na mukhang listahan ng kung ano.

"Ano to kuya papa autograph ka sakin?" Sabay tawa ko na ikinatawa rin ng guard.

"Hinde, listahan yan ng ipapalengke mamaya." Tuloy pa rin ang tawa naming dalawa, napa lingon ako kay Levi at nagulat sa nakita ko. Nakangiti si Levi, ang genuine ng ngiti nya. May bago na kong life goal. Oplan pasiyahin si Levi araw araw.

Pinirmahan ko na kaya naka pasok na kami sa looban mismo. Yung papel nakalagay don yung list ng names na iaallow nila papasukin basta nandon ang name. Habang naglalakad  kami papunta sa hall na pag gaganapan ng exhibit ay narinig ko boses ni Marielle mula sa isang silid mula sa storey na yon.

"Ms. Vice President! Bawal po PDA dito sa school."

Napalingon ako sa kanya, no, mali. Napalingon kami ni Levi sa kanya.  Pag tingin ko sa kanya ay tawang tawa syang nag lakad papuntang cr, meaning naka patalikod na sya samin. Tinignan ko si Levi dahil di ko alam kung pano kami naging PDA at shiz, doon ko naramdaman na hawak ko nga pala si Levi sa pulsuhan. Sabay nag sambit si Levi ng pambasag katahimikan na namamagitan saming dalawa..

"Ayaw mo kasi ako bitawan eh"

Binitawan ko na sya mula don at napa buntong hininga na lang kami parehas.

Oo, Levs. Ayaw na nga ata kita bitawan. I smiled at him and naka poker face na lang sya. Ang gulo nya, sya ba may regla saming dalawa? Mas moody pa sya sakin eh.


We reached the hall kung saan gaganapin yung exhibit and di ako maka diyos pero feel ko ang banal ko sa ginagawa ko. Plain  pa yung hall dahil di pa raw nadadala lahat ng religious images pero meron naman nang iilan ang andito.

Nag simula na sya mag gayak at mag ayos ng kung ano ano at unti unti rin dumating yung ibang kasamahan nya. Habang ako nag aayos ng iba kong requirements at nag babantay lang sa kanila. 


"So, di mo pa ba kami sasabihan ng do's and dont's?" It was Matthew.

"Alam nyo naman na ata eh." Blangkong saad ko, nakakastress kasi tong academic requirements ko. Imbis na pinapanood ko na lang si Levi, di ko tuloy sya mafocusan.

"Actually, may idea na kami." He chuckled a little after that.


Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, kahit mukha syang madaldal, hindi sya dumaldal. He kept silent as he stares at his different sakristan brothers.

My phone vibrated dahil may nag send ng text sakin and napa tingin din don si Matthew. 


*Mayeng*

'Tapos na Play rehearsal, huhu epal ni Sir Ron. Trip ata ako. San ka? Puntahan kita.'

Nag iwas ng tingin si Matthew nung marealize nya na si Marielle yung nag text.

In fateWhere stories live. Discover now