Chapter 30: The Truth

672 39 1
                                    

CHAPTER 30 - THE TRUTH








KELLY'S POV







The blind date, wents worst.







Matapos nya akong tanungin ng pauulit-ulit ay hindi ko parin sya nagawang sagutin. Kaya napasigaw sya ng wala sa oras. Kasalanan ko. Alam ko yun.









Nasa salas na ako ng maliit naming bahay nang makita ko si Tiya na naka-upo sa sahig habang may malalim na iniisip. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para malaman ko ang totoo, para malaman ko kung saan ako galing.










"Tiya..." Kaagad naman syang napalingon saakin.








"Oh?"











"Saan po ba talaga ako galing?" Walang alin-alangang tanong ko sakanya.









Umiwas sya ng tingin saakin. "Tiya..."









"May nagpuntang babae dito kahapon. Gusto ka nyang kunin saakin" Sabi nya na ikinataka ko.








" S-sino po? " Taka na kinakabahan kong tanong sakanya.










" Hindi ko kilala pero sa tingin ko........ Sya na yung ina mo" sagot nya na ikinalake ng mata ko. Pero sa tingin ko ay nagsisinungaling sya saakin.








Magsasalita na sana ako nang tumuloy sya. " Nakita ka lang namin ng Tiyo mo sa isang sapa malapit sa palengke. Hindi namin alam kung paano ka napunta doon, hindi din namin alam kung nandun ba ang mga magulang mo. Pero wala. Kaya napagpasyahan ka naming ampunin nalang kesa mamatay. Sanggol ka pa nun, wala ka pang kasalanan kaya bakit ka nila tinapon? Naawa kami sayo dahil iyak ka ng iyak kaya binuhat ka nalang ng asawa ko at ini-uwi. Tinuring ka naming anak, pero nawala lahat ng yun ng maghirap tayo lalo. Nawalan ako ng trabaho. At yung Tiyo mo na palageng kumikita ng libo-libo ay nakulong. Dahil illegal pala ang trabaho nya. Dinanas natin ang hirap, hanggang sa dumating na sa puntong ayaw ko ng mabuhay, ayaw ko ng gumalaw. Psh. Sa tingin ko sayo ko binuhos ang galit sa mundo. Tinuring ka naming kasambahay sa bahay natoh kahit hindi naman pwede yun, d-dahil anak ma-mayaman ka. Pinag-trabaho kita sa gawaing di mo gusto. Kahit na magagawa mo naman ang lahat dahil anak ka ng isang sikat na Xyveryx" mahabang lintanya ni Tiya kasabay nun ang pag-agos ng luha ko.













Hindi ako makapaniwala. Kapatid ko si Ate Yanna? Ina ko yung nakita ko sa labas ng bahay nina Kuya Zion?












"Hindi ko alam kung paano nalaman ni Mrs. Xyveryx na isa kang Xyveryx. Nung nagpunta sya dito kahapon ay dala na nya ang resulta ng DNA test. At p-positive" napahagulhol na ako. At kita ko ring tumulo na ang luha ni Tiya.











" Bibigyan nya ako ng ilang milyon, bayad sa pag-aalaga ko sayo pag papayag akong ibigay na kita sakanya. Palalabasin nya sa presinto ang asawa ko. I-aahon kami sa hirap ni Mr. Xyveryx. Bibigyan ako ng trabaho nila. Pati ang asawa ko. Pag-tra-trabahu-in nila ako sa kompanya nyo pag binigay kita sakanila... "









" Tiya... "










"... Sa tingin ko naman, dapat nandun ka sa pamilya mo. Nahihiya na nga ako sayo dahil tinuring ka naming hayup sa bahay na toh. Kahit ikaw naman ang may karapatan na gawin yun saamin. Dahil nga mayaman ka pala. "









Wala akong masabi sa nalaman ko. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Nanatiling akong nakatayo habang sunod-sunod na nagsituluan ang luha ko. "Aika Kem Xyveryx. Ibibigay na kita sa ina mo. Pasensya na pero, mas mahalaga saakin ang asawa ko"








Aika Kem Xyveryx? Y-yan ang tunay kong pangalan?







"Pero paano po ako naging Vitale?" Sa wakas at bumuka din ang bibig ko.










" Sa pinaglalagyan mo, may handwriting na nakasulat doon. Kelly Vitale. Kaya yan ang itinawag nalang namin saiyo"

Ang Manyak Kong Boyfriend(PART TWO) ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ              (BOYFRIEND SERIES 02)Where stories live. Discover now