Chapter 18: Syndy?!!

683 37 0
                                    

CHAPTER 18 - SYNDY?!!

STILL ALIAHYANNA'S POV

Di na nagdala ng sasakyan dahil baka malaman ni Zion na umalis ako. Mababaliw naman ang lalakeng yun pag di ako nahanap. Pero, kailangan ako ni Zack, at Kelly. Huhuness. Pano ba ako napasok sa ganitong gulo? Pero waahhh!! Kailangan ko silang tulungan.

*Beep* *Beep*

Bigla akong napahinto sa paglalakad nang may bumusina saakin. Kumunot naman ang noo ko dahil wala namang may alam sa bahay namin. Sinadya talaga yun ni Zion para daw hindi kami dumugin ng fans. Mas lalong kumunot ang noo ko nang huminto sa tapat ko ang sasakyan.

Owemjii! Baka sinundan si Zion nung umuwi sya. Naku naman.


Kasabay nun ang pagbaba ng isang babae. Di ko sya masyadong naaninag dahil sobrang dilim na. Plus pinatay nya ang ilaw ng sasakyan nya.


Narinig kong tumikhim sya. "Hi Khaye..." Ouy wait!! Bakit pamilyar na naman ang boses nya? Saka... Bakit nya alam ang pangalan ko nung may amnesia pa ako? Sino ba ito?

"Sino ka?" Taas kilay kong tanong sakanya kahit alam ko namang hindi nya makikita. Tsk! As if I care?

Tumawa sya. "Ang dali namang makalimot ng best friend ko" natatawang sagot nya.


Pamilyar ang boses nya, ang katawan nya, ang tawa nya. Best friend? "Yumie? Saab?" Baka sila ito. Mabuti naman at nagparamdam pa ito saakin. Matapos kung makasal ay madalang nalang silang magpakita saakin.


Tumawa ulit sya. Biglang nanlake ang mata ko nang ma realize kung sino sya. Sana mali ako. Huhuhu. "S-syndy?" Tanong ko sabay lunok.


Tumikhim sya. "The only one"

Napahakbang ako paatras nang wala sa oras. Bakit? Bakit nagparamdam pa sya? " A-anong ginagawa mo dito?"

"Pfft. You look so afraid, Khaye. Natatakot kaba saakin? "

Hindi. Hindi ako natatakot sakanya dahil kinamumuhian ko sya. Huli na nung makompirma ko na sya talaga ang sumagasa saakin nung umalis sya sa bansa at ewan kong saan nagpunta. Pero kabila nun ay nagpasalamat ako sakanya. Dahil bumalik ang alaala ko. "Oww. Im not. Besides, I owe you a lot"  nakangising sagot ko sakanya.

Kahit di ko sya maaninag ay alam kong umuusok na sya. "Anong pinagsasabi mo?"


"Ang dali namang makalimot ng best friend ko" pang-gagaya ko sakanya. This time, umuusok na sya sa galit. Pfft.

"Ano bang pinagsasabi mo?!"



Pfft. Wahaha! "Ay sorry, bes. Di ako inform na nakalimutan mo palang IKAW ANG SUMAGASA saakin" ramdam kong natigilan sya.


" Natahimik ka, Syndy? " Mapang-asar na tanong ko sakanya.




Nang hindi sya sumagot ay naglakad na ako papalayo sakanya.



-


Sa condo ni Zack ako dumiretso. Dahil wala naman akong na pwede pa nyang uwian. Kumatok muna ako. Baka kase natulog ehh o baka may ginawa na silang milagro ni Kelly. Pfft. Mas mabuting kumatok nalang muna baka makakita pa tayo ng dapat hindi pwedeng makita.


Bumukas naman ang pinto at iniluwal doon— "Miya?!"

Tumaas ang kilay nya habang ako ay di makapaniwalang nakatingin sakanya. Pero kaagad ko din yung binawi. "B*tch. Why are you here?" Maarteng tanong nya saakin at tinignan nya ako ng may halong pandidiri

Abugh! Di rin ako nagpatalo. Tinaasan ko rin sya ng kilay. Kailangan kong ilabas ang sinasabi nyang b*tch. "Oww, hi? Ikaw dapat ang tanungin ko nyan. Why are you here? " Maarteng tanong ko rin sakanya.



" Poor b*tch. Di ka pa pala updated na dito na ako titira, since buntis ako at si Zack ang ama"


Pfft. Such a lier. " Fake pregnancy, you mean? " Nakangising tanong ko sakanya na ikinagulat nya. Sinong kawawa saatin? Diba you?  "Ang speaking of, Zack. Where is he?" Taas kilay kong tanong sakanya.

" H-hindi pa sya umuuwi" sagot nya na ikinataka ko


Sa ganitong oras? " At saan naman sya nagpunta? "



"Hindi ko alam kaya makaka-uwi kana" sagot nya at padabog na sinara ang pinto. Abugh! Bastos. Dapat ba akong pagsarhan ng pinto? Di pa nga ako tapos. Urgh!!! Bastos na bata



Sir I'm a bit nervous---

Kaagad kong kinuha ang selpon ko nang tumunog ito. Yung team song na Marry Daughter talaga yung ringtone ko. Memorable kase saakin yung kumanta si Zion sa birthday ko at inaya akong magpakasal.


Pagtingin ko ay si Zion. Uh-oh. "Hi, zhy?"



[Wife. Where the hell are you?!]


Agaran kong nilayo ang phone ko sa tenga. Makasigaw naman toh kala mo bingi ako. "Nasa malapit lang, may binili lang a—"

[Why you didn't wake me up?!]

"Wag kang sumigaw, Zion. Masisira eardrums ko sayo ehh—"

[Fuck! Where are you? I'll fetch you!!]

" Wag. Pa-uwi na ako. Baboosh, love yah"

Nang mapatay ko na ang tawag ay muli kong tinignan ang pintoan. Na may ngisi sa labi. "Gotcha. Huli kana, Miya"

Ang Manyak Kong Boyfriend(PART TWO) ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ              (BOYFRIEND SERIES 02)Where stories live. Discover now