Chapter 13: Options

741 36 2
                                    

CHAPTER 13 - OPTIONS

"Dismiss" anunsyo ng guro namin sa A. P. Sa di malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Siguro dahil sa babaeng katawag ko kanina. Kinakabahan ako oras na makita ko na ang mukha nya at kung ano ang sadya nya saakin. At saka, bakit nya ako kilala? Sino sya? Sya na kaya ang Mama ko? Sana...

"Kelly, gala tayo" yaya saakin ni Zack. Nakatayo na sya sa harapan ko. Sa sobrang layo ng naiisip ko ay hindi ko namalayan na naka sukbit na pala sa balikat nya ang bag ko. Pero hindi kami pwedeng gumala. May kikitain pa ako.

"Bukas nalang" sagot ko at kinuha ang bag ko. Pero lumayo sya saakin.

"Bakit bukas? Ang sakit nun ahh. Ngayon mo lang ako tinanggihan" Sabi nya at umakto pang nasasaktan.

Napangiwi ako. " May kikitain pa ako, Zack—"

"Sino? Yung manlolokong ex mo na naman—?"
.

"Wala na kaming contacts. Kaya umuwi ka nalang muna.... A-at s-samahan mo na si M-miya. B-buntis pa naman yun. B-baka ma-mapano... " Humina ang boses ko. Tumungo ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil nagsimula nang lumabo ang paningin ko.

Tumikhim sya. "Nagseselos kaba—?"

"Oo—hindi!" Putek na bibig na toh. Pahamak.

Napa-igtad ako nang hawakan nya ang baba ko at inangat para matignan ko sya. Pero kaagad ko ring iniwas dahil feeling ko napapaso ako sa tingin nya.

"Then, look at me" malumanay nyang utos saakin. Umiling ako. "Bakit?" Tanong nya. Para akong timang na umiiling lang. Narinig kong nagpabuntong-hininga. "Bukas nalang. Promise mo yan ahh?"

"O-okay" sagot ko. Akala ko bibitawan na nya ako pero hindi. Hinalikan nya ako ng mariin. Yung halik na kaya kang matunaw.

"Ingat ka. M-ma—m—... Aish. Mahal kita!!" Sigaw nya nang matapos maglapat ang labi namin. Napako ako sa kinatatayuan ko.

"M-mahal nya ako?" Tanong ko sa sarili ko at wala sa sariling napahawak sa labi ko. Kahit wala na sya ay ramdam ko parin ang malambot nyang labi saakin.

-

Nanginginig ang mga tuhod ko habang dahan-dahang tinahak ang gate palabas. "Miss Vitale—"

"Ay kabayo!" Gulat kong usal. Napako ako sa kinatatayuan ko.

"Miss Vitale. Kanina pa po kayo hinihintay ni Mrs. Lee" M-mrs. L-lee? Hindi! Sya ang unknown caller ko?

" N-nasaan sya? " Kinakabahan kong tanong.

"Nanjan na sa *** coffee shop" yung coffee shop na tinutukoy nya ay yung nasa labas ng school.

"P-pupuntahan ko na sya"

Sino kaya ang Mrs. Lee na yun? Madami namang Lee sa mundo. Pero sana. Wag lang yung taong iniisip ko. Sana hindi sya. Huhuhu. Kinakabahan ako ng bonggang bongga. P-pano kung tama yung hinala ko? Aish sana wrong. Huhu. Kawawa me.

Nang nakapasok na ako sa coffee shop ay di naman ako nahirapang hanapin si Mrs. Lee. Ewan ko kung bakit. Basta feeling ko. Sya na yun. Ganern.

Umupo na ako sa katapat nyang upuan. "H-hi po, Mrs. Le-lee" naiilang na may halong kaba kung bati sakanya.

Tumaas naman ang kanyang kilay kaya napatungo ako. Bakit ganito? B-bakit Mommy pa ni Zack? Bakit? "Ehem. Hindi na ako magtatagal pa dito. Miss Kelly Vitale. Sasabihin ko na ang sadya ko. "

Lumunok ako. " A-ano po yun?*

"I want you to stay away from my son, Zack Ken Lee" deritsong sagot nya.

"I want you to stay away from my son, Zack Ken Lee"

"I want you to stay away from my son, Zack Ken Lee"

"I want you to stay away from my son, Zack Ken Lee"

"I want you to stay away from my son, Zack Ken Lee"

Parang sirang plaka na pau-ulit na nag echo sa tenga ko ang sinabi nya. H-hindi ako makapaniwala. Sa di malamang dahilan. Bigla akong nalungkot... —

"Sorry Tita, Im late" t-that voice. W-was f-familiar. A-anong ginagawa nya dito?

"It's okay, Miya. My dear" sagot nito. Naramdaman kong na-upo si Miya sa tabi ko. "Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Vitale. Layuan mo ang anak ko. Dahil magkakaroon na sya ng pamilya sa Smith. Naintindihan mo ba ako?"

H-hindi. Wala akong m-maintindihan. Bakit ganito? ---- " P-pero Mrs—"

"I'll give you an option. Stay away from my son. Or... Ipapakulong ko ang tyahin mo. You know. Sugal? Bawal iyan"

A-anong pipiliin ko? Hindi naman nya pwedeng ipakulong si Tiya dahil ina na rin ang turing ko sakanya. Pero si Z-zack? Sabi nya mahal nya ako. Our feeling is mutual. Pero bakit ganito? "Choose wisely, Kelly" rinig kong bulong ni Miya saakin.

Kailangan ko si Zack. Pero mas kailangan ko si Tiya. "P-pwedeng bigyan nyo ako ng d-dalawang araw para mag-kasama kami ni Zack? " Nakatungong tanong ko habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi ko. Nagsimula na ring manlabo ang paningin ko.

"Just two days" nabuhayan ako ng loob sa sagot nya . Siguro sapat na iyon para maparamdam ko kay Zack na mahal ko sya.

"What?! Tita bakit po kayo pumayag?" Iritang tanong ni Miya.

" Don't worry, iha. Pagkatapos ng dalawang araw ay magiging sayo na si Zack"

" Aish" --- Miya

" Sayang Kelly dahil Vitale ka. Okay sana kung hindi ka Vitale" rinig kong sabi saakin ni Mrs. Lee, na ikinataka ko. Bakit? Anong meron sa surname ko?

" Ba-bakit po ayaw nyo sa Vitale? " Wala sa sariling tanong ko sakanya.

" Dahil ang Vitale ang kaaway ko sa business. Lahat nalang ng business man ay sakanila napupunta—" ganun? Paano naman kami magkaka-roon ng business? Ehh mahirap nga kami ehh.

" P-pero hindi naman—" angal ko...

" Shut up. And enjoy your two days with my son" putol nya saakin gamit ang nakakatakot nyang tono.

Napalunok ako nang wala sa oras. " O-opo" napipilitang sagot ko.

Ang Manyak Kong Boyfriend(PART TWO) ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ              (BOYFRIEND SERIES 02)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora