Chapter 7: Kalbaryo

874 48 0
                                    

CHAPTER 07 - KALBARYO

|FRIDAY MORNING ~ 7 : 21 A. M.|

Maaga ako sa University ngayon. Tulog pa sina Tiya, Divine, Tiyo at Dani. Kaya kaagad na akong umalis. Dahil paniguradong gagalitan nila ako. Lalo na't wala akong nadalang pera. Pero laking pasalamat ko talaga na dumating yung tatlong anghel kahapon. Naku baka hindi. Baka natuloy na yung plano—na ini-magine ko lang—ni Mr. Lux na i-rape ako. Jusq.

Mula sa gate ng University ay kaagad kong natanaw ang blue na sasakyan ni Zack. Kaagad nya itong pi-nark kaya nilapitan ko na sya. Kailangan ko ring matanong kong anong ginagawa nya sa motel.

"Zack!"

Haaayyy! Buti nalang din talaga at naka-uwi pa ako. Medyo kalbaryo nga lang ang nangyare saakin.

- FLASHBACK -

Huhuhu! Nasaan na ba ako? Sana naman may tumulong saakin. Waaahhhh! Suzy nanjan kaba? Casper? Tawag ko konohay sa multong kilala ko. Char

Magtatanong nalang ako. Sakto ring may dumaan sa gilid ko. "Miss, pwedeng magtanong"

"Ano po yun?"

"Anong lugar po ba ito?"

"Ayy. Batangas po"

"Huwaaattt?!!! "

" Una na po ako"

Paalam nito at nagmamadaling umalis. Batangas to Cavite. Malayo ba yung amin? Huhuhu. Naiiyak na talaga ako. Kung bakit ba naman kase di ko muna hiningan ng pera si Mr. Lux ehh.

May aaminin akong secret. Sshh lang ha? So totoo lang. I AM STILL A VIRGIN. Mahirap paniwalaan pero yun ang totoo. Alam nyo yung ginagawa ko sa mga na-ikama ko? Hmm. Well.

Mag-a-acting lang naman ako na meron pa akong kukunin. Tapos pupunta ako sa banyo. Dala ko ang wine kono namin. Hehe. May dala akong pampatulog lage ehh. Kaya nilagay ko yun doon at binalikan ang costumer ko. Mag kwe-kwentuhan muna kami hanggang sa inonim na nila ang wine with sleeping pills. Tatalab din naman yun within 3 to 5 minutes. At kapag knock down na. Kukunin ko na yung pampayad nya saakin. And then goodbye na . Uuwi na agad ako sa amin.

Ohh diba ang genius ko? Hehe! Pero yung mas nakakatakot talaga ay yung si Mr. Lux. Ang aggressive nya kase ehh. Parang sabik na sabik saakin. Hayy thankfully at dumating ang tatlong anghel at iniligtas ako. Muntik na tuloy makuha ang v-card ko. Tsk! No way. No f*cking way. Ayan. Nahawa na ako sa kaka-mura ni Zack—at bakit nasali dito si Zack?

Errr?

' NAMISS MO RAW SYA! ' sigaw ng puso ko.

Luh luh luh! Di ko ma-mimiss yung manyak na yun noh. Never!

"Ouchy naman" daing ko nang mabangga ako sa isang poste.

' YAN TA-TANGA KASE EHH!! OCCUPIED KASE NI ZACK YUNG ISIP NYA. TSK! ' pag-sesermon saakin ng utak ko.

Grabe! Iba na talaga ang panahon ngayon noh? Oo iba na talaga. Ngayon ko pa kase naranasan na nagsasalita pala ang puso pati ang utak. Jusq! Ano ng nangyare sa Earth?

Sandali lang. Teka lang~ nasaan ba ako? Anong part na ito ng batangas? Grabe naman yung Mr. Lux. Dinala ba daw naman ako sa malayo. Na di ko alam kong malayo ba saamin. Haha.

"Arf arf arf"

"Oh noh! Mama!! Huhuhu! Heeelllpppp!!!" Sigaw ko nang tumakbo ang aso papalapit saakin. Nanlake ang mata ko at mabilis na inihakbang mga paa ko patakbo. Bahala na kung saan makarating basta matakasan ko ang asong ito. Jusmee!!

"Arf. Arf." Umarko pa syang parang bampira. Yung lalabas na ang pangil. Ganern.

"Huhuhu! Wag po Mamang Aso. Huhuhu" takbo lang ako ng takbo. Di ko na alam kung anong lugar ito—potang*na! Ngayon pa talaga ako nahilo? Huhu. Ayoko na. Tulongan nyo po ako. Ang wild na ng aso. Anytime lalapain na nya ako ng buhay. Mahal ko pa ang buhay ko.

Mula sa malayo ay namataan ko yung tatlong pamilyar na lalake na nakasandal sa kotse. Nung makita nila ako ay kaagad silang lumapit saakin. Kasabay din nun ang pag-labo ng paningin ko.

"Ma'am Kelly!"  Tama! Sila yung tatlong anghel na nagligtas saakin kanina. Hahakbang pa sana ako nang bigla nalang nanlambot ang tuhod ko. Kasabay ang pagbagsak ko. Di pa man ako tuluyang bumagsak nang maramdaman kong may sumalo saakin—wait!! Pamilyar ang amoy nya.

"Boss, hinabol sya ng aso" rinig kong sumbong ng isang lalake.

"Tsk! You're so stupid" weee? Taraga? Bakit pamilyar ang boses nya? Gustuhin ko man syang tignan pero hindi ko magawa dahil bumibigat na ang talukip ng mga mata ko.

Goodnight Earth na ba?

- END OF FLASHBACK -

"Hey, ang aga mo yata" nakangiting bungad nya saakin. Inakbayan nya ako at inalalayan patungo sa isang bench. Malapit lang sa gate.

Ngumiti muna ako. "May gusto sana akong itanong sayo"

"Hmm? Ano yun? " Tanong nya at pinag-krus ang dalawang braso nya sa dibdib nya.

Paano ko ba itatanong sakanya yung kahapon? "Ahh... Err..."

"What?"

"S-saan ka nagpunta kahapon?" Tanong ko sakanya.

Umiwas sya ng tingin saakin. " Nasa bahay lang ako nina Kuya, Bakit?"

So? Hindi talaga sya yung nakita ko? Wews. Namamalikmata lang ba ako? O sadyang na-miss ko lang sya kaya pati ibang tao napagkamalan ko? —bakit ko naman sya ma-mimiss? Urgh!

"W-wala lang" sagot ko at nginitian sya.

Humarap naman sya saakin. At tinignan ako gamit ang seryosong mukha nya. "Ikaw, anong trabaho mo?" Tanong nya.

Ako naman ngayon ang umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isagot sakanya. O kung ano ang tamang excuses ko sakanya.

"Tsk! Nevermind" sabi nlang nya nang mapansing tahimik lang ako. "Anyway, saan kaba nagpunta kahapon? Absent ka ahh. Kaya umabsent nalang din ako. Para may kasama ka"

" M-may p-pinuntahan lang kami ni T-tiya ka-kahapon" kinakabahan kong sagot.

" I see"

Bakit bigla akong kinabahan? B-bakit parang feeling ko ano... Ehh. Aish!

Ang Manyak Kong Boyfriend(PART TWO) ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ              (BOYFRIEND SERIES 02)Место, где живут истории. Откройте их для себя