Chapter 19: Heartbreaks

692 41 1
                                    

CHAPTER 19 - HEARTBREAKS

KELLY'S POV

Nagising ako dahil may mabigat na bagay na nakayapos sa bewang ko. Paglingon ko sa gilid ko ay bigla nalang nanlake ang mata ko.

Paano ako napunta dito?

Si Zack. Mahimbing na natutulog sa tabi ko habang yakap nya ako. Waahhh! Bigla kong naalala na last day ko na pala kahapon. Huhu, kailangan ko ng maka-alis dito bago pa sya magising.

Dahan-dahan kong inalis ang braso nyang nakayakap saakin. NagtagumpAy naman ako. Saka dahan-dahang naglakad papuntang pinto. Kusa akong napatigil.

Ngayon ko lang na realize na ang hirap palang mag desisyon. Lalo na kung ang taong iiwasan mo ay ang mahal mo. Bakit ba kase ganito ang buhay ko? Haay. Nagpabuntong hininga ako saka lumapit ulit sakanya sabay halik sa noo nya. At tuluyan na akong umalis.

Paalam na, bee. S-sana maging masaya ka sa piling ni Miya. Sinunod ko lang ang utos ng ina mo. Na balang araw ay hindi mo rin ako kayang ipaglaban. Pareho lang tayong duwag.

-

Matamlay. Yan ang mood ko ngayon habang naglakad papunta sa room ko—

"Ouchy naman, ateng" huhuness. Ang tanga ko. Yan may nabangga tuloy akong bading.

" Sorry... "  Paumanhin ko at nagsimula nang maglakad ulit.

" Saglit! " Rinig kong sigaw nya kaya napahinto ako. Pero di ko sya nilingon. Hihintayin ko nalang.

Di naman ako nabigo. Dahil naramdaman kong nasa gilid ko na sya. Hinihingal. "Bakit?" Wlaang ganang tanong ko sakanya.

"Gravey ka naman saakin, ateh. Makipag friend lang naman aketch" ayy hutekk.

"Okay" sagot ko at naglakad na ulit.

"Grabe ka naman, ghorl. May kaibigan bang nang-iiwan?" Hinihingal nyang tanong saakin. Kaya huminto ulit ako at hinintay sya.

Mas okay kung may kaibigan. "Tara na" yaya ko.

"Yey!"

Maglalakad na sana ulit kami nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Kahit di ko na sya lingunin ay kilala ko na. Si Zack.

"Owemjii. Ghorl, tinawag ka ni Fafa Zack" bulong nya saakin.

" H-hindi ko sya k-kilala" sagot ko sakanya at hinila na sya paalis.

" Kelly! Teka lang! " Rinig kong sigaw ulit nya.

Huminto sa paglalakad si bakla kaya nahinto rin ako. "Tinawag ka nya—"

"Hindi ko nga sya kilala" matigas kong sagot at tinanggal ang braso nyang naka pulupot saakin at naglakad ulit.

Napatigil ulit ako nang may humablot sa braso ko. At pinaharap sakanya. Zack... "Ano ba?! Kanina pa kita hinahabol!" Inis nyang singhal saakin.

Gusto kong mag-iwas ng tingin sakanya pero pilit kong nilalabanan ang titig nya. "Edi wag mokong habulin" inis ko ring sagot sakanya.

" Kelly—"

" Bakit kaba nandito?!"

Gulat syang tumitig saakin. "B-bakit ka ganyan? A-akala ko ba m-mahal mo ako..." Nakita kong namumula na ang mata nya kaya iniwas ko ang tingin ko sakanya.

Hindi ko sya kayang titigan. "P-palabas ko lang yun, Z-zack" malamig kong sagot sakanya.


" H-hindi. Nangako kang hindi mo ako iiwan diba? " Tanong nya.

" Promises are meant to be broken" napa-english ako. Huhu sana tatalab. Wala akong masabi. Ni isang pangako ko ay wala pa akong nabali. Pero ito ata yung first time.

"Bakit? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito, Kelly? Alam mo bang umaasa ako sayo? Tapos, s-sasaktan mo lang pala ako... " Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong may tumulo ng luha sa mata nya. First time ko syang nakitang umiiyak. At ako ang dahilan. Mas lalo akong nasasaktan sa ginawa mo, Zack.

"H-hindi ka naman k-karapatdapat m-mahalin. Walang babaeng tatagal sa ugali mo, Zack. At n-nasasakal na ako sayo" malamig ko paring sagot sakanya.

Napasinghap ako nang yakapin nya ako ng mahigpit at ramdam kong umiiyak na sya. "A-ang sakit pala noh? Ha-ha. S-sayo pa t-talaga nanggaling. A-akala ko, akin kana. Pero mali ako... "

" A-akala mo lang yun, Zack. Wag ka ng mangarap dahil hinding-hindi yun mangyayari" sambit ko.

" Bakit, Kelly? Bakit ikaw pa ang nagsabi? Alam mo bang sobrang sakit? Okay lang naman saakin kung sa iba galing. Pero—p*ta Kelly. Bakit sayo pa nanggaling? Tang*na naman ohh. Ang sakit.... " Umiiyak nyang sabi.

Nasasaktan na ako, Zack. Wag kang ganyan please. Nasasaktan na talaga ako. Hindi ko na tuloy kaya kang iwan ng ganito. "B-bitawan mo ako, Zack"  utos ko sakanya.


Ramdam kong umiiling sya ng umiiling. "Alam mo ba kung bakit hindi kita iniwan?" Alam ko. "Kase, buong akala ko ay mamahalin mo din ako. Alam mo bang sa tuwing may bago kang boyfriend ay selos na selos ako? Gustohin ko man silang suntukin pero ayokong gawin. Nirespeto ko lahat ng desisyon mo dahil doon ka masaya. Kelly, m-mahirap ba akong ma-mahalin? " Umiiyak nyang tanong saakin.


Hindi ka mahirap mahalin, Zack. Noon pa man ay mahal na kita. Pero gaya mo, nirespeto ko rin ang pagkaka-ibigan natin. Ayokong masira yun nang dahil lang sa punyetang nararamdaman ko sayo—pero ayokong makulong si Tiya. "Oo. Sobrang hirap mong mahalin" seryosong sagot ko sakanya.


"Ang tanga ko. Pinaniwala mo ako sa dalawang araw na akala ko ay mahal mo na talaga ako. Pero p*ta. Pinaniwala mo ako sa p*tang*na mong palabas, Kelly. Oo tanga na ako. Inaamin ko. Pero ikaw ang dahilan kung bakit ako naging tanga. Umasa ako sa wala" bulong nya. Ramdam kong nabasa na ang uniform ko.


Bee, tama na, please. Hindi ko na kaya. Ayokong makita kang ganyan. Ramdam kong nanlabo ang paningin ko kaya tumingala ako para hindi na babagsak ang luha ko. "Tanga talaga ang umasa sa wala" sabi ko.


"Kahit minsan, kahit sandali, Kelly. Minahal mo ba ako?" Tanong nya na hindi ko magawang sagutin.

Mahal kita, Zack. At alam yun. Sapat na ang dalawang araw para malaman mong Mahal kita. "K-kahit sandali, k-kahit m-minsan. Hi-hindi kita minahal" sagot ko kasabay ang paglunok ko.


Kumalas sya sa yakap kaya napatingin ako sakanya. Malamig nya akong tinignan. "Pasensya na. Dahil nagmahal ako ng paasang katulad mo. Salamat sa dalawang araw, ahh? Ohh muntik ko ng makalimutan. Salamat din sa mahabang panahon na maging kaibigan ko. " Malamig nyang sabi saakin.


Yung luha ko ay tuluyan ng bumagsak. Zack, huhuhu.

Ang Manyak Kong Boyfriend(PART TWO) ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ              (BOYFRIEND SERIES 02)Where stories live. Discover now