Chapter 11: Jealousy Type

809 43 3
                                    

CHAPTER 11 - JEALOUSY TYPE

*YAWN* *YAWN*

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko nag-inat-inat sa braso. Haayy. Ang sarap ng tulog ko. Ang sarap palang pakinggan ng kantang iyon. Grabe. Tinamaan talaga ako. ~ Ako'y tinamaan... Puso'y tinamaan~ ayan! Napakanta tuloy ako nang wala sa oras. Hayy di bale na nga. At maliligo na ak—

*BLAAAG*

Hala sige. Sirain nyo nalang ang pintoan ko. Ano kayang gamit ng kamay nito kung hindi naman pala marunong kumatok?

"Nasaan na ang kita dun kay Mr. Lux?" Ayy takte. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Bakit ba kase nakalimutan kong gumising ng maaga para maka-alis agad ako? Argh! Stupid talaga! Tama nga yung sinabi ng lalake sa batangas? Doon ba yun? Aish nakalimutan ko na.

"T-tiya—"

"Nasaan na?!" Pasigaw nyang tanong saakin na ikina-gising ng kalamnan ko. Nanginginig kong inabot ang pitaka ko. Mabuti nalang at meron pa akong 5k dito.

"Eto lang?" Tanong nya nang ma-ibigay ko na ang limang libong piso.

" O-opo" nakatungong sagot ko.

"Sigurado kabang ito lang? O baka ginastusan mo ito?"

"H-hindi po"

"Maligo ka na jan, para maka-alis kana. Naiirita ako sa pagmumukha mo. Tsk" Sabi nya at padabog na sinara ang pinto.

Nakatingin ako sa pitaka ko na sampung piso nalang ang laman. Hayy! Wala na tuloy yung ipon ko. De bale na nga. Raraket nalang ako. O baka ma swertehan ako at baka may foreigners na mag-aya saakin—oh my g! Foreigners nga pala. Nagtatakbo akong lumapit sa kabinet ko para matignan kung may sleeping pills paba ako. Binili ko ito sa drug store noon. Ganun nalang ang panlumo ko nang ubos na ito. Uh-oh!

Paano na ako makaka-deskarte nito kung ubos na? At saka!!! Bwesit!! Wala pa naman akong pera para bumili nun. Huhuhu! Paano nalang kung biglang may tumawag sa manager namin? At paano kung ako ang pipiliin nya? Naku!! Kailangan kong umisip ng bagong deskarte bago may maka-kuha sa v-card ko. Jusmee!!!

-

"Takte! 8:30 na" natarantang usal ko at nagtatakbong nagtungo sa building namin. Wala ng estudyanteng gaanong lumalabas dahil class hour na.

"S-sorry Ma'am, Im late" nakatungong usal ko nang makapasok na ako.

Tumikhim sya at nagsalita gamit ang striktang boses nya. "Ma-upo kana, at mamaya ay pupunta ka sa office ko"

" O-opo"

" Bakit ang tagal mo?" Tanong saakin ni Zack nang maka-upo na ako sa upuan ko.

"Wala kaseng sasakyan na dumaan kaya nag-lakad nalang ako" huhuhu! Sabi nila masamang mag-sinungaling. Pero nagawa ko na ito. Noon, kahapon, at ngayon.

Wala akong pamasahe Zack kase binigay ko kay Tiya ang pera ko. Dapat ganun. Pero wag na. "Ahh" tanging sagot nya bago pumikit.

-

"Kunin mo nalang ito, Kelly. Para sa absent mo noong nakaraang araw" seryosong sabi ni Ma'am at binigay saakin ang folder na sobrang kapal ng lessons.

Ito yung na discuss nya habang wala ako? Ehh? Bakit ang dami? Grabe naman. "Salamat po" sagot ko nalang. Wala din naman kaseng epek kong mag pa cute pa ako sa harapan nya. Knowing Mrs. Aragoza. She's so strict. Natakot tuloy akong lumapit sakanya.

Di bale na nga. Nang makalabas ako sa office nya ay kaagad kong ginala ang paningin ko. Kailangan ko pang maka-usap si Zack. Tatanungin ko kung meron din ba syang weird feelings. Hehe...

Teka ayun!!>>>>

Nakita ko si Zack sa school ground. Palinga-linga sya at saka haharap sa selpon nya. Tapos parang hindi mapakali. Wews. Hinahanap nya kaya ako? Yiee. Naks naman.

Naglakad na ako para lapitan sya. Di pa rin sya mapakali. Bakit kaya? Hmm. "Zack"

"Miya?! — K-kelly. I-ikaw pala" Miya? Sino namang Miya? Teka... Hindi ako ang hinahanap nya? Bakit sya nauutal nang makita nya ako?

"Okay ka lang? Wala kabang sakit?" Tanong ko sakanya at naupo sa tabi nya.

Pansin ko rin. Kanina pa sya pinagpawisan. Hayy naku. Kinuha ko yung panyo ko sa bag ko saka tumayo at pinunasan ang noo nya. Bahagya pa syang nagulat. "A-anong ginawa mo?" Ehh? Ano ba sa tingin nya ang ginagawa ko?

" Pinunasan ka? " Patanong kong sagot sakanya.

" Alam ko. Hindi muna kai—"

" Zacky!! " Naputol ang sasabihin ni Zack nang may tumiling babae sa likod ko.

" Zacky? " takang tanong ko sakanya. Iniwas nya ang tingin nya saakin. Ehh?

"Zacky!! Na miss kita. At saka bored sa condo mo ehh. Wala akong kasama kaya pinuntahan nalang kita dito" di ko namalayan na nasa gilid ko na pala ang babae. Ang puti nya. Dinaig pa ang balat ko.

"Miya..." Ahh sya pala ang Miya? Yung sinabi nya kanina? Namalayan ko nalang sa sarili ko na lumayo nang bahagya sakanila.

"Ehh. Kelly si Miya pala. Miya si Kelly" pagpakilala ni Zack.

Lumingon sa gawi ko si Miya kono. Tinaasan nya ako nang kilay bago ngumiti ng plastik. "Hi Kelly. I'm Miya, his fiancee"

Ang putek!! Tang'na you. F*ck you. Geez! What's happening on earth? Kailan pa nagkaroon ng fiancee si Zack? Sa tagal na naming mag-kaibigan wala man lang syang nabanggit na may fiancee na pala sya. Ehh? Paano na ako? Yung kabang nararamdaman ko? Hanapan ng hustisya!!!

"Miya anong pinagsasabi mo?!" Medyo iritang tanong ni Zack. At halos magsalubong na ang dalawang kilay nya.

" It's okay, Zacky. Dahil buntis ako at ikaw ang father. Im sure naman na ikakasal agad tayo ni Tita" nakangiting sagot nito. At nung tumingin sya saakin ay inirapan nya ako. Abugh?

Ito na ba yung salitang 'dapat ipaglaban ang minamahal? ' gagawin ko ba yan? Paano kung ikasal na sila? Paano na ako? Huhuhu.

"Miya, right?" Mataray kong tanong sakanya.

"Yes" sagot nito.

Napangisi ako dahil may kalokohang sumagi sa isip ko. "As far as I know. Walang na-ikama ang asawa ko. And! Paano naman sya makaka-alis sa bahay namin kung palage syang hinaharangan ng tatlo naming anak? " Tanong ko sakanya at nilapitan si Zack. Taka syang tumingala saakin. Pero binigyan ko lang sya ng 'makisabay-ka-nalang-look' siguro nakuha nya yun dahil ngumiti sya saakin.

"Kamusta ang anak natin, honey?" Tanong nya saakin at niyakap ang bewang ko. Saka nya sinubsob ang mukha nya sa may tyan ko.

____________

A/N : Let's get in on Kelly. Kaya mo yan!!! Ilaban ang KeZack!!

Ang Manyak Kong Boyfriend(PART TWO) ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ              (BOYFRIEND SERIES 02)Where stories live. Discover now