Chapter 33: Flashbacks

706 39 0
                                    

CHAPTER 33 - FLASHBACKS

MRS. XYVERYX'S POV



"Dra. How was it?" Tanong ko sa doktor.






Nakangiti syang humarap saakin habang dala ang isang envelope. "It's positive, Mrs. Xyveryx" sagot nya at ibinagay saakin ang envelope.






Kaya kaagad ko yung binuklat para tignan. Kelly Vitale. 99.99999.... %






Anak ko nga sya. Kaya pala nung nagkita kami ay sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Yun na nga ang sinasabi nilang lukso ng dugo. Saka magkamukhang-kamukha talaga sila ni Yanna. Haay. Kamusta na kaya si Yanna?






--



Nasa tapat na ako ng bahay na kasalukuyang tinutuluyan ng anak ko. Gusto kong pukpukin ang sarili ko dahil hinayaan ko ang anak ko na tumira sa maliit na bahay na toh. Wala man lang ka buhay-buhay.



"Nasaan na ba si Kelly?! Bat di pa naka-uwi?! Di pa yun nakapaglinis!" Rinig kong sigaw ng babae sa loob.





Ganyan ba nila itrato ang anak ko? Ginawa nilang kasambahay ang anak ko? Kung tutuusin nga ay sila ang dapat na gawing kasambahay ng anak ko. Psh.





Naglakad na ako papunta sa pintoan nila na butas-butas. Kakatok na sana ako nang maunahan ako ng butler ko. Kaya hinayaan ko nalang sya.





"Si Kelly na siguro yun. Pagbuksan nyo para makapag-linis na!"  Sigaw na naman nung babae.





Kaagad namang bumukas ang pintoan. At iniluwal saamin ang babaeng kasing-edad lang siguro ni Kelly. Pero, tsk. Ang kapal na nga ng mukhang gawing kasambahay ang anak ko. Ang kapal pa ng make-up.




"Mama, hindi po" Sabi nya sa ina nya. Nakita kong tumayo ang mama kono nya saka lumapit saakin.





"Sino ka?" Taas kilay na tanong nya saakin. Sarap mong sampalin. Alam mo ba yun?!



"I am Kelly's biological mother. Stephanie Xyveryx" mataray kong sagot sakanya. At saka sya binangga para makapasok ako.



"So, sa labing walong taon na kasama nyo anak ko. Ay ginawa nyo lang pala syang tagapag-linis nyo? Kasambahay? —oh baka naman alipin? " Tanong ko sakanya.




" Ibalik mo saakin ang anak ko, kapalit ng paglaya ng asawa mo" malamig kong dagdag.




Bago ako nagpunta dito ay chineck ko muna ang background nya. At nalaman kong naka-kulong ang asawa nya dahil sa masamang bisyo. "Ako ang ina ni Kelly. Kaya wala kang karapatang kunin sya saakin"




Tinawanan ko sya. Na ikina-inis nya. Napa-iling nalang ako saka sinenyasan ang butler ko na ibigay ang brown envelope.



Napatitig sya ng matagal doon at tumingin saakin. Dala ang hindi makapaniwalang itsura nya. Nagulat siguro sya na ang tinuring nilang alipin ay anak ng mayaman na business wowan.





"So, papalayain ko ang asawa mo. Bibigyan ko kayo ng matinong matitirhan—bayad narin sa pagpapalake mo sa anak ko—bibigyan ko na rin kayong dalawa ng asawa mo ng matinong trabaho, kapalit ng anak ko"




Sabi ko.

--


Wala na syang nagawa kundi ang isuko ang anak ko. Anak ko naman si Kelly at wala syang karapatang angkinin ito. Hindi sya ang nagluwal kay Kelly. Tsk.





Prente akong naka-upo sa couch ng sala namin—dito sa mansyon—habang hinihintay ang mapagkatiwalaang lawyer ko. Sisimulan ko ng palayain ang asawa nya para naman makasama ko na ang anak ko. At wala ng makakahadlang pa saaking mga plano.





"Mom, why so serious, huh?" Napalingon ako sa gilid ko nang may magsalita. It's Alexa, ang bunso ko.





"Anak, ano ang magiging reaksyon mo pag nalaman mong may kapatid kapa? O ate?" Tanong ko.





Umupo sya sa katapat kong couch ay gulat na tumingin saakin. Pero bahid doon ang kasiyahan. " Waahh, mommy my sister pa ako?" Nanlalakeng matang tanong nya saakin. "Waahh, mommy naman. Anong klaseng tanong yan? Of course, I'll be happy" dagdag nya. " So, mom? Seryoso? Meron? "



Anak ko talaga sya. Kahit kailan ang daldal nya. " Yes, at babawiin natin sya" nakangiting sagot ko.




" Waayh. Mom? Pretty din ba kagaya namin ni Ate Yanna? "



" Not just pretty, she's Yanna's twin"




" Whaaattt?!! " Napa-igtad ako daahil parang nag-echo sa buong mansion ang boses nya. At.... Urgh! "Akihiro!" Saway ko.





Ngayon na nga lang sya nagpakita, tas dinadala pa ang kaingayan. "Seryoso mommy? My twin sister si Yanna? " Tanong nya.





" Aish, magpahinga ka na nga doon sa taas, ang tsismoso mo"





"Mommy. May kapatid na ulit kami? " Tanong pa nya. Kaya tumango nalang ako.

--


"Are you sure na makakalaya na sya?" Seryosong tanong ko kay Attorney Seph.


" 100% sure Mrs. Xyveryx" nakangiting sagot nya saakin.



" Good"



Binigay ko na sakanya ang maliit na sobre. Bayad.




And finally, makukuha ko na rin si Kelly. Anak ko...

Ang Manyak Kong Boyfriend(PART TWO) ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ              (BOYFRIEND SERIES 02)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant