Sana Bata Nalang

107 1 0
                                    

Sana bata nalang ako

Walang iniintinding bagay sa mundo

Hindi kinakailangang inisipin

Ang sakit na dapat sapitin

Sana bumalik ang nakaraan

At hindi alam ang kahahantungan

Ng mga desisyong gagawin

At walang dapat hintayin

Gusto kong bumalik sa nakaraan

At baguhin ang mga paraan

Na ginawa ko upang makasama ka

At hindi ka muling mawawala pa

Sana hindi ngayon nasasaktan

At puro saya lang ang nakakamtan

Sa pinili kong nadaan na to

Ang magmamahal ko para sa'yo

Sana bata nalang ulit ako

Na kayang pigilan ang nararamdamang ito

Para sayo minamahal ko

Na nasasaktan sa mga alaala mo

Gigising ako sa umaga

Na hindi pinoproblema kung madadapa

Tatayo at babangon ulit

Kahit may sugat na napakasakit

Poem Collection by moonsandsmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon