Pag-ibig sa Isang Panaginip

2 0 0
                                    


Nagumpisa sa blangkong pahina

Hinahabol ang bawat paghinga

Inaabangan saan hihinto ang mga letra

at ang mga salitang tulad ng "mahal kita"


Marahil parehas nating hindi alam kung saan ito patungo

Hindi alam kung bakit sabay ang pagtibok ng pulso

Magkakabit ang mga kamay at nakatingin sa isat isa

Sino ba itong taong nasa harap ko na patuloy lang nagsasalita


Wala akong marinig, kahit ano sa kanyang mga sinasabi

Heto ako, binabasa lang ang bawat galaw ng kanyang mga labi

Pinikit ko na lang ang aking mga mata

Nagbabakasakaling makarinig ng himala


Pinapanuod siya, abala sa kanyang mundo

Ako nama'y abala sa paghawak sa binabasa kong libro

Nais ko sanang lumapit ngumit ako'y nagdadalawang isip

Marahil ako'y iibig nalang sa isang panaginip.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poem Collection by moonsandsmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon